Who Are You 30

46 2 0
                                    

Smile.

"That's all for today. Class dismiss."

"Thank you po, sir!" Sabay sabay na sabi ng lahat.

Ang iba ay nagsi-alisan na agad sa room. Halatang mga pagod at gusto nang umuwi.

Tumayo na ako at ipinasok sa bag ang binder at ballpen ko. I think my brain cells are gone. Super stress this incoming finals tapos ang dami ring pinapagawa.

Gusto ko nalang maging bato.

Napatingin ako kay mich nang maglakad siya palapit sa'kin. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.

"Ai, bantay sarado ka ata ngayon?" Bulong niya.

"Ha?"

Ngumuso siya. Napakunot noo ako dahil hindi ko magets ang gusto niyang iparating. Nakatitig lang ako sa kaniya ng ilang segundo kasi clueless talaga ako. I guess, nakakabobo talaga sa college.

Napa roll eyes siya sakin saka nag signal look at itinuro ang pinto ng room gamit ang nguso niya. Sinundan ko ng tingin ang pinto and I saw ethan waiting for me.

He's looking outside kaya di niya nakita pag uusap namin. Umiling ako kay mich. "Nah. Gusto lang daw niya makabawi dahil minsan lang kami magkita."

"Sana all may ethan alcalde." Panunukso niya.

Inirapan ko siya at isinuot ang bag ko. "Tse! Marami kang manliligaw choosy ka lang."

"Paano hindi magiging choosy? Eh wala naman kasing matino." Reklamo niya.

Natawa nalang ako kasi mukha siyang diring-diri. She's not ready into a relationship kaya ganyan. Pero makakahanap rin yan ng makakatapat.

"In god's perfect timing, magkakaroon din yan." I winked. "Una na 'ko mich ha? Ingat ka pag uwi. Bye!" Sabi ko at nakipag beso.

"Okay! Ingat din kayo." Lumapit siya sa'kin "enjoy sa loving-loving niyo hihi!" Pang aasar niya.

Hinampas ko siya ng mahina pero tumawa lang ang loka. Tinalikuran ko na rin siya agad dahil baka may masabi pa siya at marinig ni ethan. Nakakahiya pa naman bibig nito.

Nakita ko ang mga babae kong kaklase at mga taong dumadaan sa room pinagtitinginan si ethan. May mga kinikilig pa at nagbubulungan.

Hindi ko nalang pinansin. Nakatalikod si ethan sa'kin kaya kinalabit ko siya. Pagkalingon niya ay napangiti siya sa'kin.

What a beautiful smile---afternoon.

I smiled too. "Sorry, kanina ka pa ba naghihintay?"

"Hindi naman. Ayos lang." He smiled again and snatched my bag.

Siya na nagbuhat ng bag ko. Sasabihin ko sana ako na dahil magaan lang pero nauna na siyang magsalita.

"Let's go?" He smiled brightly and offered his hand.

I look at his soft hand. Kahit pala kamay merong maganda at average lang. Kainis! mas maganda pa kamay niya kesa sa'kin.

Nag cross arms ako at nauna nang maglakad. Di ko inabot kamay niya kasi nakaka-concious dahil hindi parin ako sanay sa set up namin na nagpapanggap lang ako bilang gf niya.. saka nakakainis nga kasi ang ganda ng kamay niya!

Narinig kong tumakbo si ethan papalapit sa'kin. Binilisan ko kasi pagbaba ko ng hagdan.

This is going to be a long walk. Nakakainis kasi bakit sa dami ng building ng school dito pa talaga kami nilagay sa pinakahuling building at 4th floor pa?

"'by, bakit? may problema ba?" Ang boses niya ay nag aalala.

Paulit ulit niyang sinasabi yun hanggang makababa ng tuluyan. Diretso lang ako sa hallway maglakad. Hindi ko siya pinansin at binilisan pa ang paglalakad ko.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon