I saw you.
"Hi 'te!" Bungad niya sa screen. "I miss you na! Hindi parin ako sanay sa short hair mo!"
Napangiti ako. "Hello! I miss you na din 'te." Sagot ko sabay hawak sa aking buhok. "Bakit? Panget ba?"
"Hindi ah! Maganda ka parin. Nakakapanibago lang talaga kasi sobrang ikli hindi katulad ng mga dati mong gupit."
"Ah.. wala eh. Alam mo na.." sambit ko habang nilalaro ang aking palad pagkatapos ay tumingin muli ako sa laptop.
"Kumusta na nga pala kayo ni alvin diyan?"
"Hmm.. so far, so good. Hindi rin kami madalas magkita ni kups sa university kasi masyado kaming busy lately."
Nasa canada kasi si elise at alvin. Si elise ay natanggap sa online entrance exam sa isang sikat na university sa canada. Nang malaman 'yun ni alvin ay sinubukan rin niya.
Luckily, pareho silang nakapasa at supportive ang
magulang nila pareho para sa future ng kanilang mga anak.Akala ko may makakasama ako sa college life ko, wala pala.
Hindi naman din sila magkasama sa iisang bubong. May tita kasi si elise na OFW at doon siya nakikitira. Habang si alvin naman ay may sariling bahay na binili ng parents niya para sa kaniya. You know, rich kid.
"Dapat kasi sumama ka nalang rin dito samin." Dagdag pa ni elise dahilan para mapangiti ako sa screen.
"Alam mo naman na kahit gustuhin ko, hindi pwede. May utos ang kakambal ko sa'kin diba?" malumanay na sambit ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Minsan gusto ko siyang yakapin at sabihin ang mga nangyayari sa'kin sa school, kaso alam kong once a week lang kami makakapag-facetime/skype dahil pareho kaming busy sa pag aaral.
Lalo na ako dahil may inaalagaan akong scholarship.
"Midterm week niyo na diba? Ayos ka lang ba? Hindi mo naman ba siya nakakasalubong?"
Umiling ako. "Hindi naman." I lied.
"Edi mabuti." Aniya saka tumango tango.
Ngumiti lang ako. Ayoko siyang pag usapan.
"Tinanong ko siya kay kups last saturday kung may communication ba sila ng bestfriend niya, ang sabi sakin ni kups hindi na da sila nakakapag usap. Kahit siya masama rin ang loob kay ad--"
"A-Ah, elise. Kailangan ko na palang pumasok, mala-late na ako sa morning class ko. Sorry." Pagputol ko habang tumitingin sa aking relos.
Tumango naman siya. "Ganun ba? Oh sige, ingat ka ha! Sa friday na ulit tayo makakapag facetime bespren."
"Okay! Chat chat nalang, ingat ka rin dyan." Sagot ko habang nakangiti.
"Sure! Bye, I love you!" Aniya dahilan para mas mapangiti ako.
"I love you too, bye!" Sagot ko saka isinara ang aking laptop.
Humingang malalim ako at napasandal sa aking kama. Totoong may morning class ako pero hindi pa naman ako mala-late. Ayoko lang talagang pag usapan pa siya..
Alam kasi nila pareho ang nangyari noong gabing 'yun. Nagalit rin sila nang malaman 'yun, although hindi ko naman hinihingi ang simpatiya nila, pero hindi nila ako nilubayan noong mga panahong umiiyak lang ako magdamag. Walang naman akong ibang kasama kundi si mama ising, si jenny at ang iba pang kasambahay.
Sa totoo lang, noong friday lang ay nakita ko siya sa hallway. Nang makita ko siya ay nakita ko na talagang malayo na siya sa dating naging kilala ko. Marami paring nagkakagusto sa kaniya pero hindi na siya katulad dati na may pagka-pilyo at palaging nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/210962107-288-k465556.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...