Undeniably saviour.
Agad kong itinulak si adrian ng buong lakas pagkalampas ng mga kababaihan sa gawi namin. Napabitaw naman siya at gulat na napatingin sa'kin. Bakit siya pa 'yung gulat saming dalawa?
Lalapitan niya sana ulit ako pero agad na akong umatras dahilan para mapatigil siya. Seryoso ko siyang tinignan. Nanginginig ang mga kamay ko sa inis dahil dinala niya ako dito.
Hindi ko rin mapigilang makaramdam ng galit dahil kung sinu-sino lang ang hinahalikan niya,. Ganito ba siya kapag nakatalikod ako noong kami pa?
Napailing iling nalang ako at sarkastikong ngumiti. "I c-can't believe you.." nanginginig kong saad pagkatapos ay tumakbo na ako ng mabilis.
Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ay siya ring sakit na dulot ni adrian dahil napagtanto kong laruan lang talaga ang mga babae sa kaniya.. at isa na ako doon.
******
"P-Parang gusto ko na agad u-umuwi." Napapikit ako sa kaba. Hinawakan ni ethan ang magkabila kong balikat dahilan kaya napadilat agad ako.
Maaliwalas siyang nakangiti katulad ng paborito kong tignan dahil parang nawawala ang problema ko kapag ganiyan siya.
"Relax. I know you can do it." Mahinahong saad niya saka hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti rin ako sa kaniya at humawak rin ako sa kamay niya ng mahigpit. Kahit papaano ay nababawasan ang kaba ko.
Nakaupo lang kami sa gilid ng backstage. Kinakabahan talaga ako dahil first time ko humarap sa maraming tao. Hindi ko talaga forte ang sumali sa mga ganito, pero hindi na ako makakaback-out dahil nandito na ako.
Napasapo ako sa aking noo habang nakatingin sa mga kasama ko dito sa loob. Lahat ay abala sa pag ma-make up at pag aayos ng buhok. Habang ako ay nakaupo nalang dito sa gilid katabi si ethan. Maaga kasi dumating 'yung naka-toka sa'kin kaya tapos na akong ayusan kanina pa.
Pero hanggang ngayon halos bumaliktad ang sikmura ko sa kaba. Last day na ngayon ng intrams at ito nalang rin ang natitirang event dahil tapos na ang awarding sa mga players kanina.
Since ito nalang ang natitirang event, hindi ko akalain na sobrang daming taong manonood ngayon! Hindi ko alam na pati mga players kanina manonood din. Gusto na lumabas ng puso ko sa kabang nararamdaman ko ngayon.
Inabot rin ng ilang minuto hanggang sa pinapila na kami ng coach naming bading by numbers. Nagpaalam si ethan na pupunta na siya sa kabilang backstage, doon sa boys, dahil magbibihis agad kami after rumampa.
No. 9 ako at 8 naman si anne. Hanggang ngayon ay hindi niya parin ako kinakausap, nakikita ko rin kanina na sumusulyap siya kay ethan.
Naiintindihan ko naman kung bakit masama loob niya, napahiya kasi siya. Naging tampulan siya ng chismisan sa ibang department dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung sinong kaklase ang nagpasimuno na umamin siya without thinking na mapapahiya lang si anne.
Lahat kami ay naka blue jeans at plain white shirt na tuck-in at stilletos. Napatitig ako sa likuran ni anne, talagang masasabi kong maganda siya at sanay sa ganito dahil sa poise palang panalo na, which is wala ako dahil sapilitan lang talaga akong sumali sa ganito.
Pero I'll do my best.
"Girls! Hintayin niyo ang signal ko bago kayo lumabas!" Sigaw ng coach namin nang sumilip siya sa pinto. Naririnig na rin namin ang emcee na nagsasalita, hudyat na simula na ang program. Mas lalo na akong kinakabahan.
Narinig namin ang opening remarks ng emcees. Nagdasal at kumanta ng national anthem. Narinig namin ang pagpapakilala ng emcees sa amin, sumilip ang coach namin at nag signal na lumabas na kami kaya pila pila kaming naglakad.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...