Who Are You 18

58 6 2
                                    

Hans.

"Babe, you sure you okay?" Ramdam ko ang pag aalala sa boses ni adrian.

I took a glance at him. I nodded and give him an assuring smile.

Masyado akong spaced out simula kagabi. Wala rin akong tulog hindi dahil kinakabahan ako na papagalitan ako, kundi ay naguguluhan ako sa nangyayari.

Bakit ganun lang ang reaction ni ayra? Kapag nag aaway kami noon madalas sisigawan niya ako at sasabihan ng masasakit na salita tapos gagatungan pa ng magulang ko.

I expected something more lalo na ngayon, na dapat mas maraming panlalait pa ang sasabihin niya sa akin. Alam kong galit siya pero nakakapanibago..

Isa pa kaninang umaga sabi ni mama ising na maaga daw umalis ang magulang ko kasama ulit si ayra. Nakakapagtaka lang dahil wala namang bukas na mall ng ganun ka-aga, or baka nagbabakasyon sila ngayon sa kung saang probinsya?

This is very unusual. Hindi sila mahilig mag vacation leave lalo na si daddy.

Hindi rin kasi alam ni mama ising kung saan sila pumunta. The last time I saw ayra, mukha siyang may problema, malungkot at balisa. I don't know why pero gusto kong alamin.

Yes, I'm nosy but you can't blame me. She's my twin after all at nag aalala rin naman ako.

I'm so confused but still remained silent.

"Oo naman.." No.

He nodded. "Okay. Oo nga pala, kumusta simba mo kahapon?"

"Okay naman. Feeling ko na-refresh ako." Sandali siyang natahimik.

Feeling ko mapupunta na sa usapan kay ethan kaya nagsalita na agad ako.

"Saan pala tayo pupunta?" I changed the topic.

Ayoko lang na mag isip siya ng kung anu-ano. Ayoko rin na mag alala pa siya sa akin. Hindi naman dapat siya madamay sa kung anumang gumugulo sa isip ko ngayon.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "It's a secret."

Kanina kasi sinundo niya ako tapos mukha siyang excited habang ako lutang kaiisip. Hindi ko magawang ngumiti ng maayos dahil naaalala ko ang nangyari kagabi.

Isa pa nakakalungkot din na hindi kami matutuloy kay tita. Hindi rin naman ako nagmamadali pero kapag tumagal pa kasi parang mas lalo akong kinakabahan.

"Malayo pa ba?"

"Medyo."

"Pwede muna akong matulog?" Napatingin ulit siya sa akin bago tumango. I'm tired.

"Sige, I'll wake you up when we get there." I smiled and hold his one hand to squeeze it.

"Thank you, ading babe." I said saka ako pumikit. I let go of his hand but he remain his grip.

Napadilat ako at tumingin sa kaniya ng may pagtataka. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan not until he intertwined our hands

Is this for real?! Mababangga kami!

"Don't tell me, you're driving one hand habang natutulog ako? Baka hindi na ako magising dahil naaksidente na pala tayo." I joked.

He chuckled. "I won't let that happen. You just said in my face that I'm your babe. How can I manage to let you go?"

He's smiling from ear to ear. I can see his hazel brown eyes reflects from the sun light.

He's always like that. Making punch line unconsciously. Hindi niya ba alam na kinikilig rin ako? Gusto ko na nga siyang sabunutan at sampalin sa kilig.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon