Who Are You 4

79 5 0
                                    

Peace Offerring.

"May nasimulan na ako babe!" Masayang wika ni adrian papalapit sa akin.

Medyo napalakas ang boses niya kaya napatingin tuloy ang mga kaklase ko samin.

I mentally face palm and rolled my eyes. This is gonna be an issue again! Ingay kasi ng bunganga ng asungot na 'to!

"Ayun oh! Inspired! Alam ko tamad 'tong tropa ko eh." Pang aasar ni alvin, bestfriend ni adrian.

"Ulol!" Sagot ni adrian saka tumawa tawa pa ang hayop.

Tuwang tuwa ka pang loko ka, mamaya sasakalin kita!

"Aha! Kaya pala hindi na kita nakikitang nanchi-chicks adrian ah, nakabingwit ka pala ng high quality!" Pang aasar ni ben, ang joker slash chismoso ng klase.

Nagtawanan ang iba saka nagsi-kantyawan. Pati si adrian tumatawa na rin at talagang natutuwa talaga siya? bayagan ko kaya? Ewan ko lang kung makatawa ka pa.

Walanghiya ka elise kung kailan kailangan kita saka ka um-absent! Wala akong karamay dito huhu..

Sinamaan ko ng tingin si adrian. Pero hindi natinag ang loko at tumabi pa sa akin kung saan ang upuan ni elise. Napaka-kapal talaga ng mukha ng isang 'to.

"Wag ka na magtampo babe, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh." Dagdag niya pa saka ako inakbayan. Pinipilit kong tanggalin ang pagkakaakbay niya pero binibigatan niya. Argh!

Nakita ko ang ibang mga babae na masama na ang tingin sa akin lalo na ang muse-- na si clara. Crush kasi nila ang bakulaw na 'to, duh! As if naman type ko ang gagong 'to 'no!

Ang iba namang babae nagbubulungan at ang iba naman nakikisali sa kantyaw ng boys. Nilapit ko ang mukha ko kay adrian at pinaningkitan siya ng mata.

Ang loko ay tuwang tuwa naman. Ano akala niya, hahalikan ko siya?

"Hindi ka titigil o uuwi kang lumpo?" Mariing bulong ko.

Pero hindi manlang siya natakot at tumawa tawa pa. Bwisit talaga!

"Don't babe, kiss nalang." Bulong niya pabalik.

I gritted my teeth in irritation! Swear! Gusto ko siyang sampalin! Kaso ayaw ko ma-guidance at makakarating yun sa parents ko. Mas lalo nila akong kamumuhian.

Hindi ko nalang pinansin at pasimpleng tinatanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin pero binibigatan niya lalo ang braso niya para di ko matanggal. Napaka-bwisit talaga!

"Eto nga pala yung mga nakita ko. Hindi pa tapos yan, gusto ko lang ipacheck sayo." Pinakita nitay ang tablet niya sa akin.

Kinuha ko iyon at binasa, magtitimpi nalang muna ako ng inis dahil grades na ang pag uusapan dito.

"Okay naman. Rephrase mo nalang kasi pinapa-print yan para maging hand outs natin, baka sabihin copy paste lang tayo at plagiarism ang kalabasan." Sabi ko habang patuloy na inii-scan ang mga nakasulat doon.

Ibinalik ko na ang tablet. Tinanggal niya naman ang braso niya sa balikat ko finally at tumango tango.

"Sure, basta ikaw babe." He stood up smiling and winked at me. I rolled my eyes and shrugged, I heard him chuckled bago tukuyang umalis.

Kung crush ko 'to, nagpadala na ako sa kalokohan niya. Pero sorry siya, ayoko sa manloloko.

Maya maya pa ay dumating ang teacher namin sa Arts na si Mrs. Templo kaya naman nagsi-balik na sa upuan ang mga kaklase ko.

"Good morning, class!" What's so good in the morning?

"Good morning ma'am." Sagot nila.

"Class, since malapit na matapos ang school year na 'to at ga-graduate na kayo. Ayoko na pahirapan pa kayo lalo kaya ang ibibigay kong finals sa inyo ay hindi paper & pencil." Anunsyo niya.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon