Family friend.
"Ang init! Mag mall kaya tayo after nito?" Pag aaya ni arlene. Isa ring ka-block mate namin ni mich.
Kasalukuyan kasi kaming nakapila for enrollment. Nakapila kami habang nakaupo at tatawagin nalang ang number para lumapit sa registrar's office. Kaso sa number namin ni mich, mukhang mapapatagal pa kami dito dahil sa dami ring estudyante na nakapila.
Napapaypay ako gamit ang brown envelope na hawak ko. Kinuha ko sa bulsa ang panyo at nagpunas ng pawis. Sumisingaw ang init kahit na naka-silong ka naman. Feeling ko made-dehydrate na ako dito.
"Sure!" Maarteng sagot ni stacy.
Nag sang ayon ang lahat pwera samin ni mich kaya napatingin silang lahat samin.
"Kayo ayra? Join na kayo minsan lang naman tayo mag bonding.."
Tinignan ko si mich at nakatulala lang siya sa kawalan. Kanina pa siya tahimik at parang may problema.
Hinawakan ko siya at gulat siyang napatingin sa'kin.
"B-Bakit?" Aniya na parang nakakita ng multo.
Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Hindi ako sumagot saka bumaling kay arlene.
"Sorry di kami makakasama. Masama pakiramdam ko kanina pa.. si mich naman may importanteng pupuntahan..." palusot ko.
Hindi naman sa may pupuntahan si mich at mas lalong hindi masama pakiramdam ko. Pero naiisip ko kasi si mich mukhang may bumabagabag sa isipan niya at ayoko namang pilitin siyang sumama.. kaya hindi na rin ako sasama.
Malungkot nila akong tinignan ng nay panghihinayang. Sorry, guys.
Ilang minuto ang lumipas at lahat ay nagkaroon na ulit ng sari-sariling mundo. Muli akong tumingin kay mich na nakatulala sa kawalan.
"May problema ba?"
Katulad kanina, hindi niya na naman ako narinig kaya kinalabit ko siya. Gulat siyang tumingin siya sa'kin saka ngumiti. Akala niya siguro di ko kita ang lungkot sa mga mata niya.
"W-Wala naman.." umiling siya.
"Sigurado ka?" Pangungumpirma ko.
Nakipag sukatan ako ng tingin sa kaniya pero umiwas siya ng tingin.
"O-Oo.."
Sumandal nalang ako sa upuan at bumuntong hininga. Halata namang may problema siya pero ayoko rin naman siyang pilitin kung ayaw niyang pag usapan.
Alam ko namang magsasalita naman siya kapag handa na siya. Pero on the other hand, mas malaki ang pagaalala ko dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-tahimik.
Isang buwan at mahigit na nakalipas nang umamin ako sa kaniya tungkol sa tunay kong pangalan. Since madalas niya akong sunduin sa bahay, naturuan ko siya kung paano magluto at mag bake.
Para kay lou pala kaya siya nagpapaturo. Nagulat nga ako 'nung una kasi napaka-unexpected 'yun.
They're currently dating and I'm happy for them. Like, finally, she opened her heart for someone who's really worth it diba?
Napangiti ako sa kawalan. Marami rin kaming alaala ni mich sa bahay na puro kalokohan niya. Ang isa na doon ay noong sinabi ko na..
"the way to a man's heart is through his stomach."
Nagtataka niya akong tinignan. "Stomach? Paano? Sikmuraan ko?"
Akala ko nagbibiro siya 'nun pero seryoso pala ang gaga. Muntik ko na ngang i-alog ang ulo kung may laman ba utak niya.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...