Who Are You 19

73 5 1
                                    

Consequence.

Tahimik lang akong nakatanaw mula sa labas ng coffee shop na sinabi ni ayra. Pag gising ko kaninang umaga ay hindi daw sila umuwi ayon kay mama ising. Nag aalala ako dahil baka may nangyari sa kanila.

Pero nang makatanggap ulit ako ng mensahe kanina kay ayra na tuloy ang usapan namin ay saka ako natahimik sa pag iisip. Mukhang okay naman sila dahil nakapag-text naman si ayra.

"Traffic." Nabalik ako sa wisyo nang may nagsalita sa harap ko.

Si ayra. Napansin ko agad ang buhok niya na bob cut. Nakakapagtaka lang because I know she prefers long hair than short. Ako ang laging nagpapabawas sa amin ng buhok at ayaw niya ginagalaw ang buhok niya.

Kaya nga ako lagi nakatali na kabaliktaran sa kaniya dahil maalaga talaga siya sa buhok tapos bigla siyang nagpa-short hair?

Lately, palagi siyang naka tali then nagpa cut siya ngayon. Weird.

Kung anumang pumasok sa isip niya at ganyan ang trip niyang gupit ay hindi ko alam.

"Anong order mo? Ako na pipila." Sambit ko habang hinahalughog ang bag ko para hanapin ang wallet.

Napatigil ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Huwag."

Napatingin ako sa kaniya at napakunot ang noo.

Tumingin siya sa paligid saka tumingin sa'kin. "Sa labas tayo wag dito." Aniya.

Ang mata niya ay di mapakali. Nalilito man ay napatango nalang ako.

Sumunod ako sa kaniya. Umalis kami ng coffee shop at naglakad ng konti. Magtatanong na sana ako kung saan ba niya ako balak dalhin pero pinili ko nalang manahimik.

Huminto kami sa isang park na walang batang naglalaro dahil tanghali pa at mainit. Napatingin ako sa buong paligid ng park. Tahimik at payapa pero maraming taong dumadaan.

Umupo siya sa isang bench at sinenyasan akong sumunod saka ako tumabi ako sa kaniya.

"Nakauwi na ba sila daddy?" Panimula ko at tumingin sa kaniya.

"Hindi. Tumakas lang ako."

"Ha? Bakit?" Curious me.

Hindi siya sumagot at natahimik lang. Ni hindi niya ako matignan. Nakatanaw lang siya sa malayo.

Curious na talaga ako dahil parang may tinatago sila sakin na hindi ko dapat malaman. May hindi nga ba ako dapat malaman?

"Nandito ako para pag usapan 'yung nabasag mo sa katangahan mo." Ahh..

Napayuko na lamang ako. "M-Magkano ba 'yun?" I asked nervously.

Langya naman kasi 'yung ipis na 'yun eh! Kung hindi sana siya gumapang sa akin edi sana hindi ako nag-hysterical.

"$500,000 namin binili 'yun. May pambayad ka ba?" 

Natulala ako sa laki ng presyo ng isang figurine na 'yun.

Wtf?! Figurine na ganun kamahal? Saan ako kukuha ng ganung pambayad? I think it's basically nasa 270,000+ kung converted into peso.

Wala pa nga akong trabaho may utang na agad ako na malaking halaga!

Napailing naman ako ng marahan dahil hindi ko talaga akalain na ganun siya kamahal.

Isa pa, kung talagang paborito niya 'yun sana sa kwarto niya nalang dinisplay. Bakit naman kasi sa may tabi pa ng hagdan?

"I know hindi mo talaga mababayaran. But.." napatingala naman siya sa mga puno at nag isip.

"B-but?" Agap ko.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon