Unstoppable tears.
"Malapit na kayo, ready na ba lahat?" Anunsyo ng choreographer namin.
"Yes!" We all said in chorus.
Medyo kinakabahan na ako. Hindi ko alam na competition pala 'tong sayaw at kung sino ang mananalo, malaki ang points sa grades direct to the card. Maganda rin na manalo kami kasi mataas ang grades namin sa arts kung papalarin.
Nandito kami sa back stage ng gymnasium. Nakaupo kaming lahat sa isang gilid dahil sa kabila ay ibang section ang nakapwesto.
I need this grade para maging proud naman sa akin ang parents ko kahit isang beses lang. Sisikapin ko mag aral ng mabuti katulad ni ayra. Nasabi ko bang hawak rin ni ma'am ang section nina ayra? Kung hindi, ayan sinabi ko na. Meaning, kalaban namin sila at ang ganda ng queen nila pero hindi ko siya kilala.
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang ipakilala sa akin ni ayra na si ethan ang boyfriend niya. Hanggang ngayon masakit parin sa akin, lalo na sa tuwing breaktime lagi ko sila nakikitang magkasama.
Pati ang mga kaibigan ko ay nagtataka dahil nga hindi pala-kaibigan si ayra at hindi ko nakikitang magkakilala sila noon pa. Tapos bigla siyang nagkaboyfriend, sa taong gusto ko pa.
Kambal nga kami at magkamukhang magkamukha, pero hindi kami magkasundo sa anumang bagay at magkaiba rin kami ng hilig, kaya hindi ko akalain na sa iisang lalake pa kami parehong magkakagusto.
Masakit man pero anong magagawa ko? Gusto ni ethan ang kakambal ko at nakikita ko ring gusto ni ayra si ethan.
The way na ngumiti siya kahit na hindi pala-ngiti ang kambal ko. Nakikita ko sa kaniyang mata na gusto niya si ethan.
Hindi ko mabilang kung ilang oras ako umiyak at nagkulong sa kwarto matapos ko malaman yun. Nag aral pa ako mag make up para hindi ako mukhang wasted at namamaga ang mata ko pagpasok ng school. Kung kailangan mag contour nag co-contour ako. Grabe rin ang eyebags ko dahil hindi ako makatulog ng maayos.
Pero balewala din ang make up ko dahil kilala ako ni elise. Sa huli, napilitan akong ikwento sa kanila ang nangyari. Natahimik lang silang lahat sa akin at niyakap nalang ako ni elise habang si adrian at alvin naman ay walang sinabi.
Mukha akong hopeless dahil one sided lang naman 'tong nararamdaman ko. Pero alam kong kailangan na tanggapin nalang na si ayra ang gusto niya. Kailangan ko nang umiwas.
Nakikita ko kung gaano kasaya ang kakambal ko sa kaniya. Sapat na sa akin yun. Kahit ganito, mahal ko parin ang kakambal ko kahit anong mangyari.
Sabagay, hindi rin naman kasi kami naging close ni ethan. Pero paano ako makaka-get over kung palagi ko silang nakikita?
"Tulala ka nanaman." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.
Nakita ko si adrian na inaayos ang props niya sa katawan para magmukhang king. Nakapula kami pareho, may mahabang blazer na pula at sandong pula, maluwang na slocks na pula rin. May headdress din siyang suot.
Samantalang ako naman naka long gown na pula abot hanggang sahig. Long sleeve ito na maluwang sa dulo at may headdress rin ako. May hawak hawak akong gintong kulay na pamaypay at nakapusod naman ang buhok ko. Pareho kaming naka paa lang tulad din ng mga kasamahan namin. Mga kasama namin ay gold yellowish ang suot.
Mukha kaming chinese. Chinese festival dance tradition kasi ang napiling theme namin. Grabe din ang pag make up sa akin lalo na sa eye liner magmukhang singkit lang. Ang puti puti pa ng mukha ko.
Alam niyo yung mukhang chekwa talaga ako sa make up na 'to. Si adrian di na kailangan, singkit at maputi na kasi siya, maputi rin naman ako kaso ang exaggerated na ng make up.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...