Confused heart.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Lumapit si adrian sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.
Umupo ako sa kama at bahagyang ngumiti. "Okay na ako. Thank you talaga ha?" Kinuha ko ang soup na binigay sa akin ni mama ising kanina saka ako humigop ng sabaw.
For the first time, naging masaya ako na may adrian na nag aalala sa kalagayan ko. Sino mag aakala na yung playboy na kinaiinisan ko sa room eh may mabuting puso pala?
Maloko lang talaga siya pero sa tingin ko hindi siya masamang tao.
Masasabi ko rin na kahit sa konting panahon simula noong sagipin niya ako ay kumportable na ako sa kaniya. Kumbaga, pwede ko siya pagsabihan ng mga problema ko tulad ni elise. I don't know, bakit ganito ako kabilis na magtiwala sa kaniya. Sobrang kumportable ako.
Nakakabiruan ko na rin siya kahapon. Ang kulit niya kasi pero naa-appreciate ko yun kasi gusto niya lang na malimutan ko ang nangyari sakin. Ramdam ko naman ang sincerity ng pag aalala niya sa akin kaya nakakatuwa na may iba pang nag aalala sa akin bukod kay mama ising at elise.
Linggo ngayon at nagpapahinga nalang ako dito. Matapos kong umiyak at mahimasmasan noong kayakap ko si adrian ay hinatid niya ako sa bahay namin.
Kahit na pabigat lang ako sa kaniya ay hindi niya ako pinabayaan umuwi mag isa. He's a gentleman.
Kinausap ng parents ko si adrian kung anong nangyari pero wala siyang maisagot. Hindi ko rin balak sabihin pa sa kanila, dahil baka bumalik lang ang galit nila sa akin or mas lumala pag nalaman nilang nanggaling ako sa away.
My sister--the usual--doesn't care.
Kahapon ay bumisita si adrian dito sa bahay. Tinamaan pa ako ng lagnat kaya hindi mag-kandaugaga si mama ising sa pag aalaga sa akin.
Never ako binisita ng mga magulang ko dito sa kwarto ko pati na rin si ayra and it's not surprising though.
Hindi naman umaangal ang magulang ko pag bumibisita dito si adrian. Hinahayaan nalang nila. Wala naman sila pakialam sa akin after all.
Si adrian naman nagdala kahapon ng prutas tapos ngayon dumalaw ulit siya at may dala pang gamot. Sabi ko wag na mag abala pero sabi niya wag na daw matigas ulo ko.
Mapapa-okay ka nalang talaga. Siya siguro totoo kong tatay. Charot.
"Wala 'yun. Reporting na rin bukas. Kung hindi mo pa kaya pumasok wag mo pipilitin." Aniya saka dinampi dampi ang likod ng palad niya sa leeg at noo ko. Chini-check kung mainit pa.
Napatingin ako sa kaniya "Wala ka na ngang init. Mabuti naman at okay ka na." Ngiti niya.
Hindi ko mapigilang mapatulala. Ang dark brown niyang buhok, singkit niyang mga mata, mahabang pilik mata, matangos na ilong, makapal na kilay, malalim na dimples at ang mapupulang labi.
Kaya marami nababaliw dito. Kaya rin ako napaaway dahil sa kaniya... bakit kasi ganito ka-gwapo 'to?
Lord, alam kong gwapo si ethan pero bakit naman nasobrahan ang isang 'to? May favouritism ka po 'no?
Pero hindi ko siya masisisi, di niya naman kasalanan kung ayaw niya na talaga kay clara, di ba?
Isa pa, paano ako magagalit tinulungan niya na nga ako. Matapos din ang insidenteng ito ay di na siya sobrang pilyo sa akin kundi napaka-sweet at caring na. Nakakagulat diba?
Oo na inaamin ko na minsan may kilig akong nararamdaman sa pagiging caring niya kaso si ethan parin ang gusto ng puso ko.
"Uhm adrian, gusto ko magpahangin. Para akong baldado dito sa bahay." Tumawa ako saka tumayo at dumiretso sa mga damitan.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...