Who Are You 16

73 5 0
                                    

His dark grey eyes.

"Good morning po, mama." Bungad ko kay mama ising pagkababa ng hagdan.

Nadatnan ko siyang nagluluto ng breakfast habang si alice at jenny--ang iba pa naming kasambahay ay nagwawalis sa harap ng bahay. As usual, tahimik ang bahay ngayon.

"Good morning din anak. Halika na't kumain na muna." Aniya saka kumuha ng plato at kubyertos.

May hotdog, bacon at egg sa hapag. Nagpasalamat ako kay mama ising habang pinagsisilbihan ako. Ayaw niya talaga magpapigil kapag ganito kasi baby parin niya daw kami ni ayra.

"Nasaan po sila mommy?" Tanong ko sabay tusok ng hotdog.

Balak ko pa naman sana sumabay sa kanila sa hapag ngayon dahil gusto kong magpasalamat lalo na kay mommy pero mukhang maaga silang umalis.

"Sa pagkakaalam ko ang sinabi ni jose ay may impirtante silang pupuntahan."

"Ahh.." Tumango tango naman ako kay mama. Jose kasi tawag niya kay daddy.

"Ma, sabay ka na sakin. Kayo ni alice at jenny." Anyaya ko. Marahan naman itong umiling sa akin at ngumiti.

"Kumain na kami kanina pa 'nak." Sagot niya.

"Eh si ayra po? Kumain na?"

"Kasama nila jose at beth."

Well, sanay naman ako naiiwan dito. May times talaga na ako lang naiiwan dito mag isa habang ang parents ko ay gumagala kasama si ayra. Umuuwi si alice at jenny sa bahay nila araw araw habang si mama ising naman ay dito natutulog.

Hindi naman masama loob ko, wala akong lihim na inggit sa kakambal ko.

I mean, noong una syempre oo kasi bakit parang si ayra lang anak nila at hindi manlang ako sinasama sa mga family bonding na para bang kinakahiya nila akong anak.

Minsan naiisip kong hindi ko kambal si ayra kung hindi lang kami mag-kamukhang mag-kamukha. Feeling ko kasi ampon lang talaga ako.

Pero ngayon, parang mas gusto ko nasa bahay nalang. Mas masaya at mas peaceful.

Pagkatapos kumain ay kinuha ko ang gitara ko at pumunta ng bakuran. Nabili ko ang gitara ko I think mga few weeks ago since may malaking ipon naman ako. Matagal ko na talaga gustong magkaroon ng gitara noon pa man at ngayon ko lang rin natupad.

Pagkadating ng bakuran ay sinalubong ako ng masarap na simoy ng hangin. Marami kasi kaming tanim dito sa bakuran tulad ng mga bulaklak, may malalaking puno at iba't ibang klase ng halaman.

Sumilong muna ako sa matandang puno at umupo muna sa malaking ugat nito. Wala pa ang bahay namin ay meron na nito. Hindi namin ipina-putol kasi nature lover si mommy tulad ko. Kaya nga kapag may oras ay nagtatanim ako ng mga bagong bulaklak.

Ewan ko ba naging hobby ko siya. Nakakatuwa kasi nakikita kong tumutubo naman at ngayon ay malago na sila. Si jenny ang kadalasang nag didilig ng mga halaman dito kaya naaalagaan ng husto.

Inayos ko ang tamang timbre ng gitara saka ako marahang pumikit habang dinadama ang bawat tunog kasabay ng lamig ng simoy ng hangin na humahaplos sa aking katawan.

Nagsimula na akong mag istrum nang maayos, mukhang nagagawa ko naman ng maayos. Ilang araw na kaya ako nag aaral nito non-stop. Swear.

Napahingang malalim muna ako bago magsimulang kumanta habang nakapikit.

(Playing: Someday we'll know by Mandy Moore & Jonathan Foreman)

Ninety miles outside Chicago
Can't stop driving
I don't know why
So many questions
I need an answer
Two years later you're still on my mind.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon