Who Are You 26

75 3 0
                                    

He makes me feel uneasy.

Tulala ako buong byahe. Nararamdaman kong sumusulyap sa'kin si adrian habang nagmamaneho pero umaarte akong pagod. Minsan ay pumipikit rin ako para mas effective ang pagpapanggap ko kahit sa totoo lang ay nawala ang pagod ko dahil sa kabang nararamdaman.

Ayaw ko lang talagang makausap siya o magsalita siya para magtanong ng kung anu-ano. Ilang tanong na ang naiisip ko kung bakit niya kinakausap ngayon si ayra ng ganito pero wala akong mahanap na sagot ni isa. Ang alam ko ay never silang nagkausap dahil ilag si ayra sa tao at hindi rin tipo ni adrian makipag usap sa gaya ni ayra.

Kanina ay wala na akong nagawa kundi sumakay nalang. Ayaw niya kasing bitawan ang kamay ko at wala siyang balak na pakawalan ako kung hindi ako sasama sa kaniya. Nasasaktan na rin ako sa higpit ng pagkakahawak niya kaya wala na akong ibang nagawa kundi sumama nalang.

Sa sobrang lutang ko ngayong araw ay hindi ko napansin na nandito na pala kami sa bahay. Mukhang kanina pa kami nandito dahil nakapatay na ang makina ng sasakyan at maayos na naka-park sa labas ng bahay namin. Hindi niya rin ako sinabihan na nandito na pala kami, ramdam ko na nakatitig lang siya sa'kin na parang may gustong sabihin pero hindi niya magawa.

Idinilat ko ang mga mata ko at umarteng kagigiding lang. Mataman akong tumingin sa kaniya. "H-Hala nandito na pala tayo sorry nakatulog ako." Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa'kin.

"S-Salamat sa paghatid. Papasok na 'ko." Sabi ko saka bubuksan sana ang pinto.

Napatigil ako nang hinawakan niya ang aking braso. Unti unti akong napalingon sa kaniya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa tensyon ng kaniyang titig.

"B-Bakit?"

Ilang segundo siyang nakatitig lang sa'kin hanggang sa bigla niya akong binitawan at umiling. Tuluyan na akong lumabas.

Madilim na sa bahay, mukhang tulog na si mama. Tanging poste lang ang nagbibigay liwanag dito sa bahay namin. Dumiretso agad ako ng pasok sa gate nang hindi hinihintay na umalis ang sasakyan ni adrian.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay narinig ko ang pag alis ng sasakyan niya. Agad kong sinara ang pinto at napasandal doon. Napahawak ako sa aking dibdib kung saan ang walang humpay na pagtibok ng puso ko. Napapikit ako dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinintay sa labas ng campus para ihatid pauwi. Hindi ko maintindihan bakit kinakausap niya parin ako kahit na sinungitan ko siya at pinamukha sa kaniyang hindi na babalik si aya.

O baka nag iimagine lang ako? Baka coincidence lang talaga nangyayari?

Pero mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit kinakausap niya si ayra..

May kutob akong hindi ito maganda. Kung anuman ang tumatakbo sa isipan niya ay nakakabahala sa akin dahil baka may kinalaman ito sa totoong pagkataong nakakubli sa maskara na pilit kong itinatago.

*****

"How's tito?" Tanong ko kay ethan over the phone.

Kasalukuyan akong papunta ng hospital bago pumasok sa school. Sinadya kong maglaan ng isang oras bago ang first class ko para makabisita.

"He's okay now. Nagbigay na ng gamot si doc at resets then pwede na daw siyang ma-discharge mamaya."

"Thank god." Sambit ko habang pababa ng jeep.

Kararating ko lang ng hospital na ibinagay na address ni ethan sa'kin. Pinatay ko na ang tawag at sinabing nasa labas na ako.

Tinanong ko sa nurse ang room number ni tito. Agad niya naman itong binigay sa'kin saka ako sumakay ng elevator. Agad akong dumiretso sa number na binigay ng nurse. Kumatok muna ako bago pumasok.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon