Fake promise.
"Kuha lang ako saglit ng paper plates." Paalam ko.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Samahan na kita." He smiled.
That smile..
Agad akong umiling. "Ako na, bantayan mo nalang cart natin." He frown and nodded anyway.
Hindi ko na inalintana 'yun at pumunta na ako agad sa section ng paper plates. Nagluto kasi ako ng maraming adobo kanina. Sakto 'yun para sa mga bata. Marunong naman kasi ako magluto pero hindi ako doon nagfo-focus dahil si mama ising ang tagaluto namin.
Pagkatapos ko magluto kanina ay tinawagan ko agad si adrian na ihatid ako sa mga bata bago siya pumasok sa trabaho. Sabi niya naman ay sasamahan niya nalang ako, tatanggihan ko sana kaso nakapag paalam na pala siya agad sa mama niya.
Gusto ko talagang ma-meet si tita.. mama ni adrian. Pero naiintindihan ko naman na busy lang talaga siya, si mommy nga grabe ang pagka-busy parang buong buhay niya nandoon nalang siya sa shop niya.
Kasalukuyan kaming nasa grocery sa mall. Bumili rin ako ng ice cream para sa kanila saka para iwas hugas si adrian kaya ako bibili ng paper plates.
Kumuha ako ng paper plates at hindi ko maiwasang magbuntong hininga. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung paano ko sasabihin kay adrian ang sitwasyon ko. Kung maiintindihan niya ba ako o hindi. Kung magagalit ba siya sa akin..
Humahanap lang ako ng tamang tiyempo. Pero kailangan ko 'tong sabihin. We should be true to each other, otherwise it will end up to misunderstanding.
Pagkakuha ko ng paper plates ay bumalik na ako kung saan ko siya iniwan. Dire-diretso lang ako sa daan kasi medyo gutom na rin ako.
Nang makita ko si adrian ay tatawagin ko na sana para pumila na sa counter pero napatigil ako nang may nakita akong kausap siyang babae. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.
Agad akong nagtago sa sulok at pinagmamasdan ang dalawa. Sa expression ni adrian ay mukha siyang naiirita. Sino kaya 'yun? One of his ex girls?
Lumapit pa ako ng konti para marinig ang usapan nila. Ayokong makisali sa usapan nang may usapan pero chismosa na kung chismosa, boyfriend ko kasi ang involve.
Agad ulit akong nagtago, medyo naririnig ko na ang usapan nila kahit hindi ko silipin. Nakatuon ang buong atensyon ko sa pag uusap nila.
"What?! Wala ka parin balak sabihin?" Rinig kong saad ng babae, tumataas ang boses niya na para bang may hindi sila pagkakaintindihan.
"Just.. give me more time, will you?" Sagot ni adrian.
His voice is shaking in anger. Bakit ganun nalang reaction niya?
"Make it sure adrian. Your time is running." Matigas na sambit ng babae bago ito umalis.
Nagtago naman ako agad at um-acting na walang narinig na pag uusap.
Nang mawala ng tuluyan 'yung babae ay saka ako lumapit kay adrian. He look totally pissed when I got there but when he saw me, he suddenly smiled. An awkward one.
"Nakuha mo na?" He asked and I nodded.
Nauna na siyang maglakad papunta sa counter nang hindi ako nililingon.
******
"What's the problem?" Sambit ko.
He look at me in shock. Umiwas rin siya agad ng tingin.
"Wala naman."
"Weh? You look sad."
"I-I'm not." he cleared his throat saka binigay ang bola kay darwin.

BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...