Fearless.
"Blooming ka ah!" Kinikilig na saad ni elise.
Napangiti na lang ako. "Ako lang? Ikaw rin naman ah, ayieeee!" Bawi ko sabay kiliti sa kaniya.
3 weeks mahigit na rin ang nakalipas nang mag-graduate kami. Next month enrollment na ulit. Hindi na kami pinapa-entrance exam dahil same school lang din naman. Kaya wala naman kaming magiging problema.
Minsan thrice pero madalas twice a week kami gumala ni adrian, pero araw araw naman kami magkatawagan or magkatext. Madalas niya akong iupdate kung nasaan siya o anong ginagawa niya kahit hindi ko itanong kaya ganun rin ako sa kaniya.
Naiintindihan ko naman na minsan hindi kami nagkikita dahil busy rin siya sa pagtulong sa negosyo nila. Siguro marami silang customers talaga kaya hindi din kinakaya minsan ng nanay niya mag isa. Pati amg trabahante ay napapagod rin kaya nag vo-volunteer na tumulong si adrian.
Siya palang 'yung lalakeng kilala ko na mahilig tumulong sa magulang kahit wala naman siya interes sa pagba-bake. I could see how good and sweet son he is.
Mga lalake kasi ngayon maluluho unlike him. Simula daw noong nalugmok sila sa buhay nag iba na daw pananaw niya.
Habang ako naman ay heto nagsasanay sa gitara. Bigla ko lang nahiligan noong minsang makita ko si ethan na kumakanta habang nag-gigitara sa may balcony ni ayra. Nandoon kasi sila madalas kaya nakikita ko sila pag nasa balcony rin ako ng kwarto ko.
Naririnig ko yung magandang boses ni ethan at pagtugtog niya ng gitara kay ayra kaya bigla ko nalang napag interes-an.
Sa ngayon, medyo marunong na ako ng basic strumming. Sa susunod baka violin naman. Wow sipag.
Ewan ko ba sa magulang namin laging missing in action at gusto pa makilala boyfriend ni ayra samantalang halos araw araw ata nasa bahay 'yun.
Ngayon lang ulit kami nagbonding ni elise sa coffee shop. Galing kasi siya ng spain para magbakasyon. Tapos heto may pasalubong siya sa akin na gold bracelet, freaking rich!
Ayaw ko sana 'nung una dahil parang ang mahal ng pagkakabili kaso magtatampo daw siya pag di ko tinanggap dahil nahirapan pa daw siya pumili ng ibibigay sa akin. Kinuha ko nalang besides effort niya rin ito at naalala niya talaga ako habang nasa spain siya.
Sumimsim ako ng strawberry shake habang patuloy niya akong sinasabihan na blooming. Syempre papatalo ba ako mang asar eh siya nga kasama niya sa spain si alvin.
"So ano ganap mo mamaya?" Tanong ni elise habang nilalantakan ang cheesecake.
Napahingang malamin ako. "Ipapakilala namin ni ayra si ethan at adrian sa magulang namin."
"Edi maganda para legal na kayo! Ano naman sabi ni adrian?"
"Pumayag agad. Actually, matagal na siyang naghihintay ng araw na 'to." Napapikit ako bigla habang naiisip kung gaano siya ka-desidido.
"Oh eh ayun naman pala. Bakit parang hindi ka masaya?" Napakunot ang noo niya.
Mapaiwas ako ng tingin. "Kinakabahan kasi ako 'te. Alam mo naman na hindi ako gusto ng mga magulang ko, baka ipahiya rin nila si adrian."
Napakagat labi ako sa ganung idea. Mas mabuti na ako nalang ang mapahiya, huwag naman sana nila idamay si adrian..
"Don't overthink too much, 'te. Just be yourself okay? Hayaan mo kung magustuhan or hindi ang mahalaga mahal niyo ang isa't-isa,."
Kahit papaano ay nabuhayan ako kung gaano ka-positibo ni elise mag isip.
Napangiti nalang ako. "Thank you 'te ha?"
![](https://img.wattpad.com/cover/210962107-288-k465556.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...