"Ven.." My voice cracked and tears started to fall.. again.
I don't know how many times I cried. Wala rin akong gana kumain, ayokong lumabas ng kwarto at kumausap ng kahit na sino.
"Bakit--ate umiiyak ka ba?"
"H-Hindi, kumakain ako.. hehe." I said and wiped my tears right away.
Ven sighed. "I'm not dumb to bite your excuse. Its too obvious naman ate."
"S-Sorry na.. ang sungit mo naman." I chuckled. "Bakit ka pa nagtanong kung halata naman pala?"
"Dinouble check lang kita, just in case lang." Aniya at mahina ring tumawa.
Napangiti ako. Kahit papaano ay lumalabas na ang ganyang side ni venice, it means she's comfortable with me.
Isa pa, hindi ako na o-offend sa pagsusungit dahil aminin man natin o hindi, lahat tayo may ganyang side. Nasobrahan pa nga diyan 'yung kakambal ko. Noong nagpaulan ng ka-sungitan siguro isa siya sa nagdo-donate.
"Pero ate seryoso, tahan ka na kasi nakikinig si hans sa usapan na'tin. Baka mag wala 'to ang hirap pa namang bantayan." Reklamo niya.
Napatahimik ako. Alam ko rin kasi kung gaano kahirap bantayan si hans. Sa tingin ko ay nasa bahay ampunan ngayon si venice.
Parang palagi nalang siya nasa bahay ampunan. Wala ba siya ibang pinagkakaabalahan?
"Okay.. hindi na. Sobra lang talaga pasasalamat ko sayo."
"Ano ba ate paulit ulit ka na." Inis na sambit niya.
Napakamot ako ng ulo. Buwanang dalaw niya siguro, ang bilis mairita eh. Hindi naman siya ganito lagi.
"By the way, tatawag ako ulit-"
Nag hintay ako ng ilang segundo para hintaying matapos ang sinasabi niya pero hindi na siya nagsalita.
"Ven?"
"Akin na kasi!" Rinig kong inis na sigaw ni ven sa kabilang linya.
"Hello? Anong nangyayari?"
Paulit ulit akong nagsasalita pero tahimik na ulit sa kabilang linya. Papatayin ko na sana ang tawag pero napatigil ako nang may nagsalita sa kabilang linya.
"Why you always have to call my sister? If you miss them.."
Paanong?-
I bite my lip. My hands are shaking while holding my phone. That voice was recognizable.. of course, I knew it was him.
"... then come here. Just tell me and I'll go there to fetch you right away."
I stay silent. I couldn't speak. I ran out of words..
"We'll wait for you, babe." He said and ended the call.
Napatitig ako sa kawalan. He doesn't sound mad or anything, he simply sounds.. unbothered.
While me.. I think that night was a complete disaster in my life if ven was not there. She saved me.
"Aya? anak.."
Napatayo ako mula sa kama nang marinig ang dalawang katok. Agad akong pumunta sa pinto at binuksan iyon.
Bumungad sa'kin si mama ising na may dalang tray ng pagkain. Lunch time na rin kasi ngayon ng hindi ko napapansin.
"Kailangan mong kumain kahit kaunti para magkaroon ka ng lakas." Aniya.
Tumango ako at binuksan ng malaki ang pinto. Pumasok rin agad si mama at inilapag sa kama ko ang tray at pagkatapos ay umalis rin siya agad ng walang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...