Official.
"Ugh! Pagod na ako!" Reklamo ko at humiga sa isang bleachers.
Yung teacher namin binigay ang oras niya sa pagpa-practice, malapit na kasi yung deadline ng sayaw. Ganun rin ang ibang teacher namin hiningi namin ang oras nila. Pumayag naman sila, kainis! Dapat hindi sila pumayag eh para makatulog ako sa klase.
Ilang oras na kami nagpa-practice dito sa school gym, buti walang mga varsity na naglalaro ngayon para magpractice ng laro kaya solo namin ngayon ang gym.
1hr breaktime daw namin ngayon kaya eto ako parang di ko gusto kumain, gusto ko nalang matulog. Banat na banat ang buto ko ngayon.
Ilang weeks na nakakalipas nang sagipin ako ni adrian. Kaya eto, sanay na ako na apat kami madalas magkakasabay. Ang bespren ko kasi humaharot na rin, nanliligaw sa kaniya si alvin kaya ayun, apat kami.
Si adrian naman hindi na mapigilan kahit ilang beses ko sabihin na di niya ako kailangan bantayan at samahan kahit saan, pinipilit niya pa rin na dapat sabay kami lagi. Although naa-appreciate ko naman yun pero medyo nakakahiya na rin kasi sa kaniya at masyado akong abala.
"Bumangon ka na diyan 'te, kain na tayo gutom na ako!" Sambit ni elise habang nagpupunas ng pawis.
Sobrang hirap na rin kasi ng practice namin ngayon. Hindi ko na kinakaya maging queen. Kakaloka. Sana si clara nalang talaga yun eh.
Speaking of, masama parin tingin sa akin ni clara dahil mas lalong dumikit si adrian sa akin. Pero hindi niya ako magawang lapitan dahil nga nandyan si adrian sa tabi ko. Dahil na rin na laging nakadikit sa amin si adrian, lagi na rin namin nakakasalubong mga fangirls niya at binibigyan siya ng kung anu-ano. May mga harap harapang nagco-confess pa sa kaniya.
Hindi ko talaga maintindihan mga babae, nababliw sila pag nagkakagusto sa lalake. Lakas din ng radar ng isang 'yun.
Pero wala siya pinapansin ni isa. Minsan naaawa ako pero at the same time ewan ko bakit ako natutuwa na wala siyang ine-entertain pag kasama niya kami. Hindi siya playboy (siguro sa harap namin) sa totoo lang ang cold niya sa mga babae ngayon which is hindi naman dati.
Dati rati nakikita ko pang nangiti 'yun sa lahat kaya nga mas dumadami ang fangirls niya. Pero ngayon walang ningitian ni isa, snob ang lolo niyo. Ano kaya nakain 'nun?
Si ethan, nowhere to be found. Nakakamiss rin siya dahil minsan umaasa ako na naghihintay siya sa hagdan--tulad noon--pero wala. Busy lang rin siguro, college student naman kasi siya.
Inakbayan ni alvin si elise, ang bruha naman namumula at pigil ngiti. Ang haharot leche! Sa harap ko pa talaga mga bastos respeto naman sana sa'kin!
"Tara na aya, gusto na kumain ng bebe ko oh." Inirapan ko lang si alvin.
Si elise naman napaiwas ang tingin. Ewan ko kung namumula siya dahil sa pagod o dahil sa sinabi ng hayop. Ang landi ng bwisit. Isa pa mananabunot na ako.
"Mauna na kayo. Mamaya na ako." Sagot ko saka umupo sa bleachers at uminom sa tumbler na dala ko.
"Pre! Pilitin mo yang babe mo! Ang pabebe!" Sigaw ni alvin habang papalapit sa amin si adrian. Kinausap kasi siya ng choreographer namin kaya nahuli siya ng dating.
Sinamaan ko ng tingin si alvin, ang siraulo at ang bruha nakangisi lang sa akin saka sila umalis at nauna na sa cafeteria.
Aba't! Mananabunot na talaga ako ng maharot na bespren at manliligaw niya, 1/2 nalang talaga pasensya ko!
"Aya? Kain tayo?" Napatingala ako kay adrian na nakatayo at nakangiti sa akin.
Inilahad niya ang kamay niya para alalayan ako tumayo. Napaiwas lang ako ng tingin. Hindi siya prince charming pero ang hilig niya mag offer ng kamay.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...