Roller coaster emotion.
"Ano bang gustong gift ng mga babae?" Napatingin ako kay adrian nang magtanong siya. Busy naman siya sa pagkalkal sa cellphone niya habang inuubos ko ang chocolate ice cream.
Nandito kami sa mall. Nag-text siya sa akin na samahan ko siya bumili ng igi-gift kay elise para sa birthday party niya. Sumama na rin ako kasi tulad niya, wala din akong nabibiling gift para kay elise.
Sinabi niya na sabay na kami bumili. Pag pasok palang ng mall nilibre niya agad ako ng hershey's chocolate ice cream, hindi na ako tumanggi syempre. Kaya eto kami ngayon, nakaupo sa isang table sa food court.
Napakunot ang noo ako dahil seryoso siya sa pagce-cellphone. "Sino ba ka-text mo dyan? Dapat 'yan nalang sinama mo hindi ako." Napatingin siya sa akin saka ko siya inirapan.
Bigla siyang napatigil at tumingin sa akin. Napatigil din ako nang ma-realized ko ang sinabi ko.. what the hell?! Baka akalain niya---
Bigla siyang ngumisi. "Bakit, selos ka?" Here we go.
Napakunot ang noo ko sa kaniya. Sabi ko na nga ba mag a-assume ang asungot na 'to. Bwisit! bakit ganun? Kahit anong face expression ang gwapo talaga. This is so unfair!
"Alam mo? Kapal ng mukha mo! Ang sinasabi ko lang naman kung puro cellphone aatupagin mo edi sana di mo na ako inaya! Ano ako dito? Patatas?" Irap ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
Ang kapal kapal ng mukha ng lalakeng 'to! Porket pogi ii-snob-in ang beauty ko dito? Hindi naman ata tama 'yun!Inis ko siyang binalingan. "Ano ba kasi 'yang nasa cellphone mo? Akin na nga!" Umamba ako na hahablutin ang cellphone niya pero iniwas niya agad.
Tumayo ako para mas maabot siya, iwinasiwas niya ang cellphone pero sa huli ay naabot ko rin.
Napakunot ang noo ko nang makitang nasa google chrome app siya at nagse-search ng magandang gift sa babae.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay adrian, nakaiwas siya ng tingin pero namumula ang tenga niya.
Hala! Ang cute!!
Tumawa ako ng malakas. "Akala ko kung sino kausap mo! Mygosh!" Tumawa ulit ako at umupo. Siya naman hindi makatingin sa akin.
Napangisi ako bigla nang mapagtantong kaya namumula ang tenga niya dahil nahihiya siya.
"Pwede ka naman kasi magtanong sa akin." Inilapag ko sa table ang cellphone niya at ibinalik. Kinuha niya naman agad saka ibinulsa at nag iwas tingin ulit.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Cutie!
"Nangtanong ako kanina, sumagot ka ba?" Masungit siyang tumingin sa akin.
"A-Ano nginingiti-ngiti mo dyan?" Suplado at aba't Inirapan pa ako!
"Suplado!" Irap ko rin. "Seriously? Dapat alam mo kung ano ireregalo kasi madami kang ka-fling noon diba?" Ako naman ang nag iwas ng tingin at napakagat ng aking labi.
Hindi ko namamalayang na-bring up ko ang issue niya sa pagiging playboy. Oh gosh! Kababati lang namin, nooo baka magtampo nanaman! Oh my!
Sumulyap siya sandali saka nag iwas ng tingin ulit. "Sila ang nag e-effort sa akin. Hindi ako." Masungit niyang saad.
Wow, pwede ba putukin ulo nito? Lumalaki na.
Napairap nalang ako. "Sa totoo lang si elise kahit ano ibigay mo okay lang sa kaniya, maa-appreciate niya kaagad. Mayaman din naman kasi siya kaya parang lahat meron na siya.." Pinunasan ko ang bibig ko ng tissue saka tumayo kaya bigla siyang napatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...