Conscience and Regrets.
"Maganda gabi po tito." Bati ko kay tito rick nang madatnan siyang nagahahanda sa hapag kasama ang mga kasambahay nila.
Nagkatinginan kami ni ethan saka siya ngumingiti. Sinabi niya kasi kanina na si tito rick pa mismo ang nagluto ng mga mga ulam para sa'kin dahil bihasa ito magluto. Kaso dahil busy sa trabaho, hinahayaan niya nalang na ang mga kasambahay na magluto para sa kanilang mag-ama.
Napatingin sa akin si tito rick at ngumiti. 56 years old na si tito rick ayon kay ethan. Pero kahit ganoon ay kitang kita parin ang pagiging maskulado, mestizo at ang ka-gwapuhan nito. Kapansin pansin din ang kaniyang natural na mapulang labi. In short, hindi halata na ganoon na ang edad niya.
Lumapit sa akin si tito rick at yumakap. "You're here hija." Aniya. Niyakap ko rin siya pabalik saka ako ngumiti sa kaniya.
Tumingin rin siya kay ethan "Let's have a dinner." Anyaya niya sa amin.
Iginiya niya kami sa lamesa. Hinila ni ethan ang isang upuan at pinaupo ako. Nagpasalamat ako saka siya naman ang umupo sa tapat ko. Halos malula ako sa dami ng putaheng nakahanda samin ngayon. May cake at ice cream pa para for desserts.
May fiesta ba?
"I-Ikaw po nagluto lahat tito?" Sabay turo ko sa mga pagkain.
Tumango si tito at marahang ngumiti. Literal akong napanganga. Hindi ko talaga akalain na ang tinitingalang businessman ng tatay ko ay siyang napakabait at maasikasong ama sa kaniyang tahanan.
Napayuko na lamang ako. "S-Salamat po... nakakahiya naman po na nag abala pa kayo." Mahinang sambit ko habang ipinaghahanda ako ng mga kasambahay nila ng plato at kubyertos.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni tito "If it's for my daughter, I don't mind." Napayuko ako.
Sobra akong nato-touch kay tito, anak talaga ang turing niya sa'kin.
Habang kumakain ay bigla siyang nagsalita. "How's your parents and your twin?" Napatingin ako kay tito rick. Nakangiti siya sa akin.
Kitang kita talaga sa kaniyang pormal na galaw just like the other rich people. Pati na rin ang mansyon nila. Hindi ko parin talaga akalain na sa laki ng bahay na ito, dalawa lang silang nakatira.
"A-Ayos lang naman po." Sagot ko.
Wala akong contact sa kanila, ang huli ay last month pa. Once a month lang talaga nila ako tinatawagan. Kaya sa nalalapit na birthday namin ni ayra, balak ko na ako na ang unang tumawag para makipag-facetime sa kanila.
Tumango si tito rick. Napatingin ako kay ethan na nakatitig sa akin.
Tipid akong ngumiti para ipakitang ayos lang ako. Bakas kasi ang pag aalala sa kaniyang mukha.
*****
"Hija, can I talk with you privately?" Sambit ni tito rick pagkatapos naming kumain.
Nakita ko na agad umalma ang mukha ni ethan ngunit inunahan siya ulit ni tito bago pa siya magsalita.
"Let's go to my office." Aniya saka ako tinalikuran at naunang umalis.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni ethan. Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa aking mata. "Whatever dad will say, always remember that I love you so much, okay?" Paalala niya.
Mahina naman akong natawa saka tumango. Hindi naman ako kinakabahan. Hindi rin naman mukhang galit si tito. Kung paghihiwalayin man niya kaming dalawa, atleast mababawasan ang konsensya ko diba? Pwede ko naman sabihin kay ayra na ayaw sa kaniya ni tito.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...