Who Are You 9

76 5 0
                                    

Alone in the rain.

I heaved a sigh as I sipped my cup of coffee. Nakatitig lang ako sa labas ng coffee shop. Bumabagabag parin sa isipan ko ang sinabi ni adrian, panaginip ba yun or totoo?

Kung panaginip edi mas okay. Pero kung totoo, hindi ko alam kung paano ko kaya haharapin si adrian.

Tama kaya yung narinig ko? Gusto ako ni adrian? Anong gusto? Kaibigan or maging girl--- okay, kaibigan yun. Oo, tama tama. Wala naman siya nilinaw sa akin. Hindi niya rin naman kailangan sabihin yun kasi ako gustong gusto ko siyang kaibigan.

Kung maging girl err--friend naman ang tinutukoy niya, di ko lang alam kung seryoso siya doon dahil alam ko kung paano siya maglaro ng babae. Marami nang lumuha sa kaniya, ayoko rin umasa dahil magaganda lang ang pinapatulan 'nun, di ko naman siya gusto na mas hihigit pa sa pagiging kaibigan.

Ayoko umabot sa time na if ever maging kami at nagkahiwalay ay wala na yung friendship, sira na. Mahalaga siya sa akin kaya hangga't maaari ayoko na magkaroon kami ng conflicts, ayoko siyang mawala sa akin. Sila nalang ni elise ang nakakaintindi sa akin, wag naman sana pati sila mawala kasi hindi ko na talaga alam gagawin ko.

I realized na wala nanaman ako sa wisyo. Okay naman na ako, hinimatay lang dahil kulang daw ako sa tulog at kain. Nawalan kasi ako ng gana simula nang ipakilala sakin ni ayra na boyfriend si ethan.

Hindi naman masama loob ko dahil doon, nasaktan lang ako pero wala naman ako magagawa saka hindi ako makikipag away sa kakambal ko para lang sa lalake. Mas mahalaga parin siya sa akin higit sa kung sino man.

Pag uwi ko ng bahay nandoon ulit si ayra sa terrace at mukhang ka-facetime si ethan dahil naririnig ko ang boses niya. Napabuntong hininga nalang ako habang naririnig ang tawanan nila at palitan ng 'I love you.'

Mukhang masaya naman si ayra, minsan lang siya maging ganyan kaya sa tingin ko mas babagay talaga silang dalawa.

Ipinikit ko nalang ang mata ko pagka-higa sa kama. Nakakapagod..

*****

"Ihatid ko lang 'to kay Mrs. Torrealba. Wait niyo nalang ako sa cafeteria." Sambit ko habang buhat ang librong hiniram ko.

May reporting nanaman kasi at una ako sa magre-report. Kumuha na ako ng ideas dahil nasa libro naman na daw lahat.

Tumingin sa akin si elise. "Okay ka na ba talaga?" Paniniguro niya

Bahagya akong natawa, kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to ayaw maniwala.

Humingang malalim ako bago magsalita. "Pang 20x mo nang tanong 'yan. Hindi ka ba napapagod?" Sagot ko habang nakataas ang kilay. Sobrang maaalalahanin talaga 'to kaya mahal ko 'to eh.

Hindi niya ako sinagot, humarap lang siya kay adrian. "Adrian, samahan mo nga si aya. Nag aalala ako eh." Pahabol pa ni elise habang sapo ang noo na parang nanay na naii-stress sa anak.

Agad naman akong umiling "'Ngets, di naman baldado ang bestfriend mo. Hayaan mo na siya." Sabi naman ni alvin. Napatingin ako sa kaniya at kinindatan ako. Mukhang alam niyang naiilang ako kay adrian at ayoko muna siya makasama.

Kanina pa kasi ako walang kibo. Di ko kasi alam paano siya ia-approach pagkatapos ng insidenteng yun. kumportable naman akong maglabas ng sama ng loob sa kaniya at alam niya ang mga hinanakit sa likod ng mga ngiti ko pero kasi... hays ewan. Hindi ko din maintindihan.

Hindi naman sa nag a-assume ako sa narinig ko. Pero paano pag nag-bring up siya about doon? Edi nganga ang lola mo. Kabog kasi may gwapo magkakagusto sa akin? Ganern?

De, ayoko lang may masira ang kung ano man meron kami ngayon. May iba na akong nagugustuhan na alam kong malabo na magkagusto rin sa akin. Basta ang alam ko lang mahalaga si adrian sa akin at hindi ko ata kakayanin kapag siya ang umiwas sa akin.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon