Oplan: Avoid.
Sabi nila, sign daw ng pagiging inlove ay palagi mo siyang naiisip kahit na kumakain, bago matulog, nagbabasa o kung ano ano pang ginagawa mo. Ultimo pagpunta ng banyo at pagligo ay maiisip mo parin siya.
Isa pa, kahit anong panget sa ugali niya ay tatanggapin mo. Kasi, mahal mo siya. Without any reason, nothing at all. Bigla mo nalang naramdaman ito.
Tama nga naman.
Naalala ko kasi 3 years ago nang magkaroon ako ng first boyfriend, first heartbreak. Lagi ko siya naiisip, I don't know but I couldn't get him out of my mind even though he breaks my heart too many times. Nagiging marupok ka talaga kahit hindi ka ganun, I hate it but wala eh, mahal mo.
I remember the countless dreams about him with me, our happy memories, my never ending tears and sleepless nights. I'm a mess that time to the point I can't recognized myself.
Pero tao lang din naman tayo, napapagod at nauubos rin. Minsan kailangan na rin natin sumuko even if you don't want to.
As the time goes by, mararamdaman at matatanggap mo nalang na wala na talaga. Time can heal everything.
Hay, love. Di ko alam bakit kakambal ng pagmamahal ang sakit.
"Aya! Nakatulala ka na naman!" Tinapik ako sa pisngi ng bestfriend kong si elise dahilan para matauhan ako.
"A-Ah sorry, hang over lang. Ano nga ulit sinasabi mo?" Napailing iling si elise sa disappointment na hindi ako nakinig sa tuluy-tuloy niyang kwento.
Well, hindi naman ako na-hang over talaga.
Palusot ko lang yun.
Sanay naman na ako sa alak. Sa gabi gabing pagba-bar.... noon. Sa pagtakas sa parents ko tuwing gabi. It's okay though, wala rin naman silang pakialam.
That was 4 years ago. Alam ni elise yun pero hindi niya pa ako kilala that time. Nagkakilala lang kami last year dahil naging magkaklase kami. Hindi ko nga alam bakit gustong gusto ako nito maging kaibigan kasi halos lahat inaayawan ako.
Party girl ba naman. Minor ako pero nakakapasok sa bar na gusto ko, bakit? madali lang naman kasi mameke ng I.D.
Kaya siya lang ang nag iisang best friend ko at ngayong graduating na kami sa sr. high, nag iisip na ako ng gusto kong kuning kurso.
Tapos kagabi napainom lang talaga ako dahil birthday ng pinsan namin sa cavite, ako lang ang pumunta at nag commute papunta doon. Kaya pinilit nila talaga akong mag inom.
Pero nagbago na ako simula noong nagkaboyfriend ako dahil pinagbabawalan niya ako. Simula nun, nasanay nalang ako na maging taong bahay tulad ni ayra.
"Sabi ko na eh! Kanina pa ako daldal nang daldal dito tapos ni-isa wala ka manlang naintindihan? Kahit kailan ka talaga!" Nagtatampong saad ni elise. Napanguso pa ito nag cross arms.
Awkward akong ngumiti. "Sorry na, libre nalang kita ng lunch bukas. Promise!"
Napakunot noo naman si elise sa sinabi ko. Alam ko kasing ito ang kahinaan niya.
"Hay nako bespren, hindi mo ako madadala sa paganyan ganyan mo ha! Pero, sige. Sa mcdo tayo ah!"
See? Bilis magbago ng mood. Napahagikhik pa si elise. Natawa nalang tuloy ako.
"Sabi na pag libre hindi ka makakatanggi eh." Iling iling ko habang tumatawa.
"Tse! Pero wait, nag inom ka nanaman?! Ikaw talaga! Akala ko ba nagbago ka na!"
"Ouch! Napilitan lang ako, 'te!" Hinimas himas ko ang braso kong pinalo ni elise. "Sakit ah!" Sadista talaga 'tong babaeng 'to.
"Sus! Eh nag away nanaman ba kayo ng kakambal mong di makabasag pinggan pag kaharap ang iba pero demonyita pag ikaw na ang kausap?" Patungkol niya kay ayra.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...