Who Are You 25

46 2 0
                                    

Visitor.

"And one, two, three. Go!" Malakas na sigaw at palakpak ng baklang nagtuturo samin ng tamang paglalakad at kung saan kami pu-puwesto sa gaganaping pageant ng intrams.

"Faster! Wag pabagal bagal!" Bulyaw niya pa bago kami pinababa ulit ng stage.

Nagugutom na ako at feeling ko ubos na ang energy ko kaka-practice dito. Dismissal na rin kasi namin kanina kaya tuluy-tuloy ang practice saka isang linggo nalang bago mag intrams kaya minamadali na kami.

Lahat ng kasama ko ay mga freshmen din sa iba't-ibang department. Based sa mga mukha nila, halatang napilitan lang rin sumali tulad ko na walang talent sa sports.

Nagulat nalang rin ako kanina na kasali pala si adrian dito. Pero nanumbalik din agad sa isip ko na matagal na nga pala siyang sumasali sa ganito kahit noong elementary palang tuwing may event para sa muse at escort.

Nakita ko rin na parang nagtataka ang mga mata niya habang nakatingin sa akin kanina. Hiwalay ang pwesto ng boys sa girls kaya madali ko siyang nakita kanina lalo na't matangkad siya.

Alam niyang walang hilig sa ganito si ayra, pero ano magagawa ko? Napasubo na ako dito. Sa huli ay umiwas nalang ako ng tingin at umarteng hindi ko siya napapansin.

Magkakapila kaming rumampa para pumwesto sa tama naming pwesto. Sa kaliwang hagdan aakyat ang mga boys at sa kanan naman ang girls.

"Ms. Santos!" Sigaw muli ng striktong bakla dahilan para mapatigil kaming lahat.

Itinuro niya ang babaeng taga education department na kanina pa natatapilok sa suot niyang pointed heels. Mabuti na lang at sanay parin ako sa pagsuot ng heels. Natutunan ko 'to noong nagba-bar pa ako. Grabe pa naman mambulyaw ang baklang nagtuturo samin ngayon, ang init init ng ulo akala mo menopause na.

Napayuko ang babae nang ituro siya ng bading. Umikot ang mata ng bading samin "Pwede na kayong umuwi." Anunsyo niya.

"Pero ikaw, maiiwan ka dito." Tukoy niya kay santos.

Halos mabuhayan kaming lahat dahil inabot na kami ng gabi dito kaka-practice ng basic steps, rampa at tamang pagpasok at paglabas ng stage. Sobrang nakakapagod dahil hindi nagbibigay ng oras para magpahinga 'yung bading na nagtuturo samin.

Dumiretso na kaming lahat sa backstage. Naroon rin kasi ang mga gamit naming lahat para masigurong safe ang gamit dahil walang tao doon at kung may papasok man ay dapat na dumaan muna ng stage bago makarating sa back stage.

Katabi ko si anne na busy sa pagligpit ng gamit niya. Kanina ay natapos na rin kami sa pagre-report. Successful naman kami at wala nang problema kaya lang simula nang i-aannounce sa harap niya na girlfriend ako ng crush niya--si ethan ay hindi niya na talaga ako pinansin.

Walang sabi sabi ay nauna na siyang umalis kasabay ng iba pang contestant. Ako nalang ata ang naiwan dito dahil mabagal akong kumilos dahil sa pagod at gutom.

Umupo muna ako sandali sa lapag saka tinanggal ang suot kong sapatos. Masakit na ang paa ko dahil kanina pa kami nakatayo kaka-practice suot ang high heels. Pagkatapos ay inayos ko ang mga gamit ko bago tuluyang tumayo.

Palabas na sana ako nang backstage nang may nakaharang sa pinto kaya napahinto ako. Nagulat ako nang makitang si adrian iyon nang magtama ang paningin namin.

Umiwas agad ako ng tingin at yumuko "E-Excuse m--" napatigil ako sa pagsasalita nang pumwesto ako sa kabila para makadaan pero agad niya itong hinarang.

Napakunot ako ng noo. Sinubukan kong pumwesto ulit sa kabila pero hinarang niya rin ulit. Kaming dalawa nalang ang nandito sa backstage. Hindi ko na rin rinig ang sermon ng bakla kay santos baka sa iba sila pumwesto kaya sa tingin ko ay wala nang tao dito kundi kami nalang.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon