Who Are You 5

78 5 0
                                    

He's my saviour.

"Ipapasa ko sayo yung nagawa ko na para mapag-aralan mo, aralin mo ha? Remember, 'til ngayong friday night nalang. Kailangan mo na yun ipasa para magawan ko na ng power point. Grades 'to kaya ayoko ng laru-laro." Mahabang paliwanag ko kay adrian. Siya naman patango-tango lang habang kumakain.

Nakikinig ba 'tong gunggong na 'to?

"'Te, kain muna tayo. Mamaya mo na sermonan si papa adrian." Bulong ni elise sa tenga ko habang nasa tapat ko si adrian.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Paano kasi nakakainis ang isang 'to, hindi parin ako nakaka-move on sa pagpipilit niyang gawin akong queen sa sayaw tapos bubulabugin niya kami ni elise dito sa cafeteria na dapat sabay ang king sa queen? Daming alam na kabalbalan!

Ang asungot na 'to sinama pa ang isa ring asungot! Ang cute diba? Sa sobrang cute gusto ko na siyang balatan ng buhay!

"Tinatawa-tawa mo?" Pagtataray ni elise kay alvin na katapat niya sa upuan.

Napailing naman agad si alvin at nag iwas tingin saka bumaling nalang sa pagkain

Taray ng bespren ko tumitiklop ang playboy.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Mamaya may practice daw kami, eto na nga ba sinasabi ko eh! Bwiset na sayaw sayaw 'yan! Argh!

"Bespren, hindi ulit ako makakasabay sayo mamaya pagkatapos ng practice natin. Birthday ng pinsan ko sa pampanga uuwi kami doon since friday naman." Pambasag ni elise ng katahimikan.

Napatingin naman ako sa kaniya habang patuloy sa pagkain. "Okay lang, ingat ka." Saad ko habang tumatango. Ngumiti naman sa akin si elise at nagpasalamat.

Nang matapos ay tumayo na kaming apat. Parang maamong tuta ang dalawang 'to pag nandyan si elise.

Bakit sakin di natatakot si adrian? Dapat sa'kin siya matakot!

"Uhm, elise.. pinapatawag pala tayo sa classroom. May kailangan daw tayong pag meeting-an. Tayong mga alalay ng king at queen." Sabi ni alvin, nagkatinginan sila ni adrian.

Bumaling ako kay elise. "Tara na!" Yaya ko pero pinigilan kami ni alvin.

"Aya, si elise lang." Napabaling ako kay alvin habang nakakunot ang aking noo.

"Bakit? Lahat naman tayo sasayaw ah?" Sambit ko. Napakamot ng ulo si alvin sa akin.

"Sila lang daw ang kailangan. Tayo na." Hinawakan ako ni adrian sa wrist palayo sa dalawa. Aangal pa sana ako kaso nakakaladkad na ako ni adrian.

Nang makalayo ay binawi ko ang kamay ko. Lechugas! Haba ng biyas nito at hirap na hirap ako sumunod!

"Bakit di nalang tayo sumabay sa kanila?" Reklamo ko.

Hinihingal pa ako. Para kasi akong tumatakbo habang siya lakad lang. Ang tangkad niya kasi!

"Type ni alvin yung bestfriend mo. Hayaan mo na magkaroon ng moment." Napatigil ako sa sinabi niya.

Napakagat labi ako. Kung alam lang ni alvin na may gusto sa kaniya si elise! Oh my god!

Well--playboy nga pala 'yun. Pareho sila ng kumag na 'to, gwapo lang pero mga babaero naman.

Napataas kilay ako. "Ayoko masaktan ang bestfriend ko. Hilig niyo pa naman magpaiyak ng mga babae, di ako papayag." Pipihit na sana ako paalis kaso nahuli nanaman ni adrian ang braso ko. Kainis!

"Wag ka na makialam." Sinamaan ko siya ng tingin saka nagpumiglas. "Mangingialam ako kasi bestfriend ko 'yung gagaguhin ng tropa mo!" Sagot ko. Pilit akong kumakawala pero ayaw ako bitawan ng hayop.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon