Who is me?
"Hello?"
"Ai!!" Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya. "Buti naman at sumagot ka na!"
Umupo ako sa kama at nilapag ang cellphone. In-on ko ang loud speaker bago nagsimulang magpunas ng buhok.
"Sorry naligo ako. Bakit ka pala napatawag?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Susunduin kita ngayon diyan sa bahay niyo para sabay tayong papasok. On the way na 'ko."
Napatayo ako sa gulat. "H-Ha?" Napatingin ako sa salamin. Naka tapis lang ako at wala pang ayos. Naligo lang naman ako ng maaga para bibihis nalang mamaya.
"W-Wait.. ano meron bakit mo ako susunduin?" I check the time but it's 8:45 am palang. Ang aga!
Bigla akong nataranta at naghanap ng susuotin. Pumunta ako sa may cabinet at naghalungkat ng damit.
"Kesa naman ihatid ako ng damuho na 'yun at magkasama kami sa iisang sasakyan.. no way!" Ramdam ko ang pandidiri niya sa kabilang linya.
Napaikot ako ng mata. Sinasabi ko na nga ba't ginawa nanaman akong alibi sa magulang niya. Kahit kailan talaga...
Nagpatuloy ako sa paghahanap at napag isipang mag fitted white sando nalang na may sleeveless denim cardigan at marine blue high waisted denim jeans. Binato ko sa kama ang damit bago umupo ulit.
"Magbibihis muna 'ko. Bumusina ka nalang pag nasa labas ka na."
"Oka---" hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko na ang tawag.
Nagmadali na ako sa pag bihis at pag aayos. Sinuot ko na ang shirt at high waisted jeans. Nag suot nalang rin ako ng low cut white chuck taylor.
Humarap ako sa salamin. Humahaba na ulit ang buhok ko kaya nag po-pony tail na ulit ako lately. Nag pusod ako at naglagay ng konting face powder, light red lipstick and eye liner then finish!
Umupo ako sa kama at nag check sa cellphone ko kung may text ba si mich kung nasaan na siya pero wala.
Tinignan ko ang buong unread text messages at karamihan ay si ethan. Ang dami niyang missed call at unread text sa'kin kagabi.
Pagkahatid niya kasi sa'kin kagabi ay hindi na ako kumibo. Naramdaman niya ring ayaw kong makipag usap kaya nanahimik nalang rin siya. Pag hinto niya ng sasakyan agad rin akong bumaba, narinig ko rin siyang tinawag ako pero nagpanggap akong walang narinig at dumiretso lang pagpasok sa bahay.
Nang makarating ako sa kwarto ay hindi ko alam ang dapat kong maramdaman dahil.. hindi ko maintindihan kung bakit niya alam na nagpapanggap lang ako at 'yung kakambal ko na girlfriend niya ay umalis.
Alam niyang nagpapanggap ako at umalis 'yung tunay na girlfriend niya pero okay lang 'yun sa kaniya? Bakit di siya nagalit dahil niloko ko siya? At bakit...
Bakit niya sinabing ako ang mahal niya?
Tumingin pa ako ng ibang message, pare-pareho lang ang sinasabi niya, puro tungkol sa gusto niyang makipag usap sa'kin at mag e-explain siya.
Sa totoo lang hindi ko kailangan ng explanation niya dahil ngayong malinaw na kami, hindi na dapat kami magpanggap pa. Alam kong kailangan ko rin ng makinig sa sasabihin niya at kailangan ko ring humingi ng tawad sa ginawa ko kaso ayoko pilitin ang sarili ko at hindi ko pa siya kayang harapin ulit ngayong ganito na ang sitwasyon. Sa ngayon mas kailangan niyang mag explain kay ayra dahil siya ang girlfriend.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration. Ayra, kasalanan mo 'to!
Buburahin ko na sana ang buong text messages nang mahagip ng mata ko ang isang message from unregistered number. Nagtataka man ay binuksan ko iyon at napatayo ako sa gulat.

BINABASA MO ANG
Who Are You
DragosteThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...