Who Are You 24

59 6 4
                                    

Mysterious flower man.

Paikot ikot akong naglalakad sa aking kwarto. Ilang beses na ako tumatawag kay ayra pero hindi niya sinasagot.

Pagkarating na pagkarating ko ng bahay ay binilinan ko si mama na huwag magpapasok ng bisita, lalong lalo na si ethan. Tumango lang siya at hindi naman nagtanong kung anong dahilan. Inutusan niya nalang din sila jenny na huwag tatanggap ng bisita at pag may nagtanong kung nandirito ako ay agad sabihin na wala pa.

Napahingang malalim nalang ako at naupo sa kama habang nakatitig sa screen ng cellphone. Hindi ko parin maintindihan kung bakit ganun ang reaction ni adrian kanina. Para bang may alam siya..

"Escaping boyfriend on your birthday huh?" Napatigil ako at napatulala sa kaniyang dibdib.

Ilang segundo akong nakatulala hanggang sa matauhan ako. Napatingin ako sa kaniya pero nakaramdam agad ako ng pagka-ilang kasabay ng pagkabog ng puso ko dahil titig na titig ang kaniyang singkit na mata sa akin. Animo'y hinihintay niya talaga ang isasagot ko sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin at mahina siyang tinulak. "K-Kailangan ko na umalis." Sambit ko nang hindi siya tinitignan sa mata.

Laking pasasalamat ko nang nagsimula na siyang maglakad. Agad akong sumunod hanggang sa makalabas kami sa masikip na eskinita na 'to.

Humarap siya sa'kin pag labas namin at nanatiling naman akong nakayuko."T-Thank you ul--"

"You're hiding something." Napatigil ako nang bigla siyang magsalita.

Napatingin ako sa kaniya sa gulat kasabay ng pagtigil ng hinga ko.

Hindi ako nakapagsalita habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang bumitaw sa titig niya.

Ilang segundo ang lumipas saka niya pinilig ang kaniyang ulo. "Your face makes this shit stupid." Aniya saka ngumisi.

Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. Tumalikod na siya sa'kin at naunang umalis habang nakapamulsa. Nakatitig lang ako sa malaki at malawak niyang likuran habang papalayo sa'kin. Bago pa man tumulo ang luha ko ay agad na akong tumalikod at pumihit pauwi.

Hindi ko alam, parang ang layo na niya ngayon sa dating nakilala kong adrian. Hindi ko mabasa ang ugali niya at kung ano ang pumapasok sa isip niya.

Bigla nalang siyang nagbago at naging misteryoso simula nang umalis ako sa buhay niya.. o baka hindi ko parin talaga siya lubusang kilala.

Sinubukan ko ulit tawagan si ayra pero bigo parin ako. Inilapag ko nalang ang cellphone ko sa kama para magbihis pambahay.

Pero bago iyon ay napasilip ako sa aking veranda nang may marinig akong nag uusap. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaparada ang sasakyan ni ethan sa tapat ng bahay.

Agad akong nagtago sa gilid at dahan-dahang sumilip sa may bandang gate namin. Nakita ko roon si ethan na nakatayo sa labas ng gate habang kausap si jenny. Dahil second floor ang kwarto ko, hindi ko marinig ang usapan nila. Nakita ko nalang ang pag iling ni jenny sa tanong ni ethan.

Nag dial si ethan sa cellphone niya. Agad akong nakaramdam na tatawagan niya ako kaya agad akong tumakbo sa kama at kinuha ang cellphone ko dahil baka mag ring 'to. Mabuti na lang at hindi pa nagriring ang cellphone ko nang i-set ko ito sa flight mode.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon