Who Are You 11

65 5 0
                                    

Clear feelings.

"Nakakapagod." Tanging nasambit ko habang nakaupo sa isang upuan.

Nandito kami sa malaking auditorium, nagpa-practice ng pagma-march sa nalalapit naming graduation.

Simula pagpasok namin ganito na kami na puro practice at isang linggo daw namin gagawin ito!

Grabe naman kasi diba? Ano ba kailangan i-practice sa pag martsa? Maglalakad ka lang naman ng maayos at di naman kailangan abutin ng isang linggo!

Napatingin ako sa taong kakarating lang. Nag abot siya ng isang bottled water. Ngumiti ako at nagpasalamat. Ngumiti rin siya pabalik at mukhang okay na siya ngayon kasi ewan ko. Bigla nalang siyang hindi na nagsusuplado sa akin pero aaminin kong masaya ako.

Sumulyap ako saglit sa kaniya at halatang pagod na rin siya. Sino ba namang hindi mapapagod kanina pa kami nandirito at sa totoo lang naiirita na nga ako.

Tumabi rin sa kaliwa ko si elise at tumabi naman si alvin sa kaniya na halatang balisa na rin.

Napahingang malalim nalang ako, break time na namin ngayon tapos mamaya meron ulit practice argh!

"Lunch?" Anyaya ni adrian.

Napatingin kami sa kaniya, ako naman napatingin kila elise. Mukhang gutom na rin sila kaya napagdesisyunan na naming kumain sa cafeteria.

"Next week na graduation natin. Anong kukunin niyong course? Ako balak ko mag accountancy." Walang pasubaling sabi ni elise habang ngumunguya ng fries.

Napailing nalang ako. Hindi talaga matigil bibig ng babaeng 'to. Kahit kumakain daldal parin nang daldal.

"'Ngets, di ka ba makakakain ng maayos nang hindi nakakapagsalita?" Sinamaan ng tingin ni elise si alvin, napaiwas tuloy ng tingin si alvin.

Napailing nalang kaming dalawa ni adrian sa kanila. Hilig mambara kasi ni alvin tapos konting tingin lang ni elise tutupi rin naman.

"Civil engineering." Simpleng sagot ni adrian habang patuloy na kumakain.

Napasulyap ako sa kaniya na mukhang seryoso sa sinabi. Bakit naman ganun? Pareho sila ng kurso ni ethan.

"Hala pre, same!" Umamba ng fist bump si alvin.

Sinagot naman ni adrian gamit ang kamao niya saka napangiti ang dalawa. Masaya silang pareho sila ng desisyon sa buhay.

"Ikaw 'te?" Baling sa akin ni elise.

Uminom ako ng tubig bago magsalita. "Hmm... architecture."

Mukhang doon kasi ako magaling, mahilig kasi ako mag organize ng mga gamit ko talaga pero wala akong OCD ha! Magilig rin ako mag DIY ng mga gamit gamit para sa design ng kwarto ko.

Sadyang gusto ko lang na maganda tignan, every month pinaglilipat lipat ko rin ng pwesto ang kama, drawer, cabinet etc.  Sa tingin ko mahilig ako mag design, marunong naman kasi ako mag drawing kung tutuusin. Sa tingin ko sa architecture din ako sasaya.

"So paano yan? Magkakaiba sched natin. Kita kits nalang pala kapag nagkataon na tugma ang mga vacant time?" Tumango lang ako sa sinabi ni elise.

I was ready for it, magkakahiwa-hiwalay talaga kami. But I don't mind kasi it's about our future career and this is serious matter. Hindi pwedeng sasali ka lang sa isang course dahil lang nandoon ang tropa mo. No, this is about your future not everyone's.

Nang matapos kumain ay bumalik na agad kami sa auditorium. Nagpapa-attendance kasi sila tapos kung wala ka doon habang nagche-check ng attendance, ililista ng president namin tapos may community service agad. Sobra diba? Sapilitan talaga kaya no choice.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon