Who Are You 32

52 3 2
                                    

The Truth.

"'Nak, aya! tara na!" Sigaw ni mama ising sa hagdan.

"Eto na po mama bababa na!" Sagot ko saka kinuha ang sling bag at lumabas ng kwarto.

Sinabi ko kanina kila mama, jenny at rc ay gamitin nalang namin ang sasakyan pero mas prefer daw nila ang commute kaya wala na ako nagawa at nag commute na kami. Kaming apat lang wala si alice dahil nag vacation leave siya at umuwi sa probinsya nila.

Pagkarating ng simbahan ay umupo na kami sa bakanteng pwesto. Di rin nagtagal ay nagsimula na ang misa. Habang nagsasalita si father ay hindi ko mapigilang mapahikab. Hindi ko kasi akalaing ang aga pala talaga nila kung magsimba tuwing linggo. First time ko kasing sumama sa kanila para makapag simba na rin. Di ko naman alam na ganito ka-aga basta nalang nila ako sapilitang ginising kanina.

Pagkatapos ng isang oras na sermon at awit ay natapos na ang misa.

Tumayo na kami. "Mama, saan tayo sunod?" Tanong ko saka sumabit sa braso niya.

Sumabit rin sa kabilang braso ni mama si rc at sakin naman si jenny. Nakakatuwa palang sumama sa kanila kahit nakakaantok atleast may bonding kami.

Lumingon siya sakin. "Ano bang tanong iyan? Aba'y syempre uuwi na."

"Agad? Gusto ko po kumain mama, gutom na po ako hindi pa ako nag aalmusal. Ikaw rin diba jenny, rc?" sabi ko saka umarteng nagugutom.

Kumain na sila for sure pero totoo namang nagugutom ako kasi ginising nga lang nila ako. Hirap ko raw gisingin kaya ayun hindi na ako nakapag breakfast sa bahay dahil mala-late kami.

"Kumain na kami aya. Tiisin mo nalang muna 'yan at uuwi na rin tayo."

Sinenyasan ko si rc at siniko ko naman si jenny. Mukhang na-gets naman nila agad. "O-Oo nga po nanay nagutom ulit ako. Naubos 'yung kinain ko sa sermon ni father hehe.." sabi ni jenny saka nag arteng nagugutom.

"A-Ako rin po kaunti lang kasi kinain ko kanina." Si rc.

Napabuntong hininga si mama ising. "O'sya ano pa ba magagawa ko? tara na't pakainin iyang dragon sa mga tiyan ninyo."

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na natawa. Napatingin si mama sa amin. "Mga kabataan ngayon ang hihilig mangatwiran." Napa-iling iling nalang si mama ising.

"San ba tayo kakain?"

"Doon!" Sabi ko nang malakabas kami ng simbahan.

Isang tawiran lang at may sikat na ihawan dito. Sakto at namiss ko rin makakain ng ihaw ihaw.

Sinabi ko na kakain ako ng kanin. Pero syempre gusto ko rin kumain sila ng ihaw para may kasabay ako.

After ng ilang minuto ay sinerve na samin ang isaw ng manok at baboy, betamax, barbecue, hotdog, at tenga sabay may magic sauce at sukang maanghang na may bawang, sibuyas at paminta. Agad akong naglaway kaya inaya ko na sila kumain.

Pagkatapos ng ilang minuto ay napasandal akocsa upuan sa sobrang busog. Mukha rin namang nabusog sila dahil ang dami kong binili. Nung una nahihiya pa sila kaso sinabi kong ang dami ng inorder ko at para sa kanila 'yun sayang naman kung di kakainin.

Kaya kinain na rin nila at natatawa nga ako kasi halatang nasarapan din sila. Ubos.

Syempre di naman matatawag na sikat na ihawan 'to kung di masarap. High rating kaya ang review dito at madalas ko siyang makita sa social media.

Nagpahinga muna kami ng ilang minuto. Inaya ko silang maglakad lakad muna saglit bago kami umuwi. Marami kasing store dito sa tapat ng simbahan magkakatabi tapos sa gilid ay may malawak na park kaya masarap gumala.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon