Embarrassing Moments.
"I will assign you reporting by pair. Ako ang pipili ng makakapartner ninyo." Anunsyo ni Mrs. Maglinte, teacher namin sa business finance. ABM kasi kinuha kong strand at graduating na rin kami.
Lumilipad lang ang isip ko dito. Naiisip ko kasi si kambal.
Sabihin ko kaya sa kaniya? Pero paano? Pagtataasan niya lang ako ng kilay for sure nito.
Sasabihin na lang nun na gaga-gaga ko at dinamay ko pa siya sa kagagahan ko.
Napa-sapo nalang ako sa aking noo. What now, aya? Paano pag nabuko ka?
I mean, hindi naman pala-labas ng bahay---kwarto---classroom si ayra kaya doon palang panalo na ako.
Pero paano pag bigla silang pagtagpuin ng tadhana. Kung paano ako gaguhin ni tadhana ngayon eh malamang gagaguhin niya rin kakambal ko.
Edi naloka ako kasi hindi manlang ako nakapag-prepare?
"Tayo daw ang partner." Tumabi sa akin ang kaklase ko na si adrian, yung escort slash playboy namin dito sa room.
Kinindatan pa ako ng hayop at ngumiti.
Well, gwapo siya. Pero I don't like jerk!
Ewan ko ba, sr. high na kami pero may escort at muse parin. Dami na napaiyak ang lalakeng 'to, pogi kasi. Hihilig niyo kasi sa pogi, mga mahaharot! Kaya kayo nasasaktan kasi kasalanan niyo rin naman!
Wow, natamaan ako.
Well, nagustuhan ko si ethan dahil sa galing niya kumanta at sa mabait siya talaga. Hindi dahil gwapo lang siya.
Umiwas nalang ako ng tingin. Nag-iba ang mga katabi kasi pinapag usap usap kaming magkakapartner. Napatingin ako kay elise at ang bruha ay swerte dahil katabi niya ang top 1 namin na si richard.
Tapos ako sa playboy lang? Mukha lang ang puhunan? Leche, eh ang tamad tamad nga nito!
Tumango lang ako at isa isa na binigay ni ma'am ang topic namin. Nag-take down notes ako ng mga pwedeng isearch.
"Sipag mo pala, babe." Naramdaman kong inakbayan ako ni adrian habang busy akong nag iisip.
"Tumigil ka, hindi lahat ng babae gusto ka." Prangka ko saka sinamaan siya ng tingin, pero ang hayop tumawa pa!
Nanunuot sa tenga ko yung pagtawa niya. Kakabwisit naman ang isang 'to! Di ko mapigilang mapakunot ang noo sa irita.
Self, kumalma ka. Nang aasar lang yan, pag napikon ka talo ka.
Sabunutan ko nalang kaya?
"Kung wala kang hiya sa katawan at wala ka maitutulong, mawalang galang nalang pwede ka na manahimik." at mamayapa. Gusto na kita patayin sa isip ko leche ka.
Sarap idugtong.
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. "Relax, niloloko ka lang babe. Masyado kang seryoso." Aniya pa saka tumawa ulit ng mahina.
Damn! I couldn't resist but to roll my eyes on him! This guy is getting into my nerves! Swear!
Nagpatuloy nalang ako sa pag iisip ng pwedeng i-search. Buti naman at tinanggal niya na ang pagkakaakbay sa akin, kasi kung hindi baka wala na siyang braso at ako mismo ang puputol.
"Hati tayo ng gawain. Heto sayo, magsearch ka niyan.." Ibinigay ko ang kalahati ng papel na sinulatan ko na possible na i-search. "..tapos ito naman sa akin. Chat mo nalang sa messenger or email mo ako para magawan ko agad ng powerpoint." Tumango tango naman siya.
BINABASA MO ANG
Who Are You
RomanceThe black sheep, bitch, stubborn, disgrace, party girl, rebel--name it. Lahat yan ay narinig na ni Aya Marie Montemayor from her whole damn existence. She did all her best to be a likeable daughter but still, her family doesn't like her. Wala naman...