Who Are You 2

119 7 1
                                    

Fate's play.

3 weeks later...

"Aya bilisan mo ha. Ilang minuto nalang p.e na, strikto pa naman si ma'am." Paalala ni elise, tumango lang ako bilang tugon saka siya naunang pumasok ng room.

Simula nung mangyari yung sa coffee shop ay umiiwas na ako na makasalubong siya sa school. I don't know what's going on with me but I got really nervous kahit na naririnig ko lang ang pangalan niya sa hallway ay umiiwas agad ako.

Alam kong first year college na siya kaso kasi napapadaan ang mga college students sa classrooms ng sr high bago makarating sa building nila and to be honest, I really, really hate it.

I even ignored his reply on facebook. I didn't ever bother to read it.

"Aya, where's my allowance? Nag text si mommy na nasayo raw yung allowance ko." Napataas kilay si ayra sa akin habang nakalahad ang kamay.

Nandito kami ngayon sa school ground para magkita at maibigay ang allowance niya na hinabilin ni mommy.

Hindi kasi kami magkaklase ni ayra. First section siya at ako naman third. Kaya siya paborito ni mommy at daddy dahil hindi siya pabaya sa pag aaral.

Samantalang ako may nakaraan sa pagbubulakbol at pagpaparty. Gusto ko lang naman na pansinin din ako nila mommy at daddy pero wala talaga eh. Mas lalo silang nagalit sa akin nung bumaba ng sobra ang grades ko.

"Here." Saad ko at binigay ang allowance niya.

"Wala 'tong bawas? Siguraduhin mo lang kundi isususmbong kita kay mommy."

"I never did that ayra alam mo yan. Ikaw ang nangunguha ng sobra kila mommy at ako ang napagbibintangan." Inis na sambit ko at tinalikuran na siya.

Kahit kailan hindi ko nagawang mandaya ng pera. Lahat ng kasalanan ni ayra ay sa akin nabibintang, wala eh, ako daw ang suwail na anak sa bahay.

Tinitiis ko nalang at iniintindi, mahal ko ang kapatid ko at hindi ko rin gusto na siya ang mapagalitan. Okay na yung ako kasi sanay naman na ako sa mga ganung bagay.

Dumiretso ako sa locker ko at kumuha ng p.e uniform. Pumunta ako ng restroom at doon nagbihis. Nagtali rin ako ng buhok, ewan ko ba iritang irita kasi ako sa buhok ko. Kahit hindi p.e.

Nang matapos ako magtali ay lumabas na ako ng restroom, didiretso na sana ako sa locker ko ulit para ilagay ang uniform ko doon pero napahinto ako nang makita ko siya.

Tadhana nga naman. Nakakainis! Kung sino ang iniiwasan ay yun pa ang nagpapakita nang nagpapakita.

Napayuko ako habang naglalakad. Hindi naman siguro ako mapapansin 'no?  At saka sino ba ako para pansinin niya? Maraming nagkakagusto sa kaniya kaya wala lang ako.

"Aya, right?" Dinig kong salita ni ethan sa likod ko.

Nalampasan ko na siya kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Kunwari hindi ko narinig.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Shit. Sana hindi niya na ako susundan, bakit niya ako kilala? Hindi manlang siya nagkamali. Kasi madalas napagpapalit kami ni ayra dahil magkamukhang magkamukha kami.

Wala nga ata kaming pagkakaiba sa physical looks. Pareho din kaming hindi pala-make up. Alam ko gustong gusto mag ayos ni ayra pero di niya magawa for the sake na magpapabango siya sa harap ng magulang namin.

While me, the bad daughter ay nag aayos. Hindi naman talaga ako nag aayos, napagti-tripan lang ako make-up-an ni elise dahil haggard ko daw.

Kikay kasi si elise at dahil siya lang ang bestfriend ko,  pinagbibigyan ko na.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon