That one night

14.3K 287 14
                                    

Hindi iyon ang dapat gawin. Siguradong marami pang paraang pupwedeng makuha pero ipinikit na lang ni Maeluthe ang mga mata sa lahat. She desperately needs the money. Tuloy-tuloy lang sapagratsada ag mga araw-araw kaya hinding-hindi na nito alam kung saan pa maghahagilap ng pera.

Nang mamatay ang mga magulang, hindi na niya naisip na magiging ganito nga talaga kahirap ang buhay niya. Literal na nagmistula siyang isang kahig isang tuka dahil sa kursong tinatapos.

She needs to do this. She has done it before. Kailangan niya lang tatagan ang loob niya.


“Do you hear me?” rinig nito ang baritnong boses ng lalaking nasa likod nito. Pulido at marahan ang mga galaw habang prente ang pag-ulos nito, labas-pasok sa pagkababae niya.

Nanginginig halos ang kalamnan nito pero kailangan niyang magtiis. Maaaring ilang minuto na lang ay matatapos din ang lahat. Pagkatapos nang gabing ito ay paniguradong makakapag-enroll na siya sa unang semetre sa ika-aapat na taon niya sa Law school. Mas kailangan niyang panghawakan ang mga pagarap pati na rin ang pang-araw-araw nitong pangangailangan.

Kinagat niya ang labi, gustong pigilan ang mahihinang mga halinghing tuwing mas ibabaon pa ng lalaki ang kaniya sa loob nito. Marahan siyang tumango-tango pagkaraan ng ilang segundo.

“That’s right. . . you will be mine. You’ll be my virgin,” malinaw ang pagkakasabi niya noon. Hindi maintindihan ni Maeluthe ang pakiramdam pero tila ba mas lalong nanubig ang pagkababae niya at mas lalong nag-init ang katawan niya.


“Tatayo ka na lang ba r’yan?” Naibalik ang isip ng babae sa reyalidad nang marinig ang lalaki sa harap.

Isang gabi kapalit ng pambayad ng matrikula, panggastos. . . pambili ng mga gamit para sa batang nabuo sa sinapupunan niya sa hindi naman kilalang lalaki.

She must out of her mind. Hindi man gusto ang mabuntis ng lalaking hindi niya kilala ay malaki ang pinanghahawakan niyang responsibilidad sa buhay ng bata. Pinangako nito sa sariling mas pag-iigihan niya ang pag-aaral nang sa gayon ay mabuting buhay ang maibigay niya sa magiging anak. Hindi nga lang nito alam kung hanggang kailan niya kakailanganing magtiis.

“Ano ba?”

Halos manginig siya sa sigaw na iyon ng kanyang propesor. Isang araw ay nilapitan siya nito, kinausap at niyaya sa kapalit na halaga ng pera. Hindi niya naman dapat ito ginagawa. Hindi naman dapat ito ang solusyon niya sa kagipitan.

“Sir?”

Nanginginig, paunti-onting hinuhubad ng lalaking kaharap ang suot niya. Patagal nang patagal ay mas lalong nawawalan siya ng gana sa sarili. It wasn’t easy as what everyone thinks. Nakakasuka, nakakadiri pero kailangan niyang tiisin.

Panloob na damit na lang ang suot niya nang sunggaban siya ng halik ng propesor. Sa dilim ay hindi mahahalata ang katandaan ng lalaking sinasamantala ang kahinaan ng mga babaeng katulad niya.

Ngunit bago pa man bumaba ang mga halik nito, isang malakas na kalabog ng pagbukas ng pinto ang bumulaga sa dalawa.

Kaagad na nanlaki ang mata ng lalaking guro nang makita kung sino ang babaeng pumasok. Marahas siyang itinulak ng lalaki dahilan para tumama ang pwetan nito sa sahig ng kwartong kinapupwestuhan.

Huli na para maproseso ni Maeluthe ang nangyayari dahil tuluyan nang nahablot ng babaeng kakapasok lang ang mahaba nitong buhok. “Hayop kang babae ka! Hindi ka na nahiya! Napakabata mo pa, napakalandi mo na!”

Halos huminto ang mundo ni Maeluthe sa nangyayari. Wala siyang kalaban-laban, wala itong kaalam-alam. Hindi niya man lamang maibuka ang bibig para makapagpaliwanag.

Tinanggap niya ang lahat ng sampal at sabunot hanggang sa mapagod at magsawa ang asawa ng lalaking nagyaya sa sakaniyang gawin ang bagay na ito.

“Hayop kayo! Mga demonyo!”

Nang lumipat ang mga hampas ng babae sa asawa nito, ginamit ni Maeluthe ang buong lakas para tumakas. Malakas ang ulan, dalawang pirasong saplot ang suot, pero hindi niya iyon ininda. Nagtuloy-tuloy ito sa pagtakbo, binibigay ang natitira pang lakas.

Sa pagtakas ay hindi niha mapigilang pagtawanan ang sarili. Tuluyan na siguro siyang nawala sa ayos. Wala naman sa isip niya ang manira at manghimasok ng pamilya nang may pamilya. Hindi niya naman talaga ginagawa ang bagay na ito.

***

“I’ll be right there, Jec. ‘Wag ka nang tumawag, I’m driving.” Deretso ang tingin ni Isiaah sa daan papunta sa mga kaibigan. Biyernes kaya napagkasunduan ng mga ito ang magpalipas ng oras sa Sweet Heavens kagaya ng nakagawian.

They need this. Kailangan din nilang magliwaliw lalo pa’t mas ikamamatay pa nila ang trabaho.

Natigilan ang lalaki nang maalala ang dalagang nakasama sa isang hotel magtatatlong buwan na ang nakararaan. Hindi man nito naaalala ang mukha dahil sa sobrang kalasingan, ramdam niya pa rin ang pakiramdam kasama ang babae. Nababaliw na siguro siya. Ni hindi nga nito makumpirma kung totoo bang nangyari iyon o isa lamang makamundong panaginip.

Malaki ang ngisi itong bumuntong-hininga, “Alam kong totoo ka, please, magpakita ka sa akin–”

“Shit!” Mabilis niyang tinapakan ang brake ng sasakyan nang makita ang babaeng basang-basa ng ulang tumatawid. May kadiliman man ang lugar ay parang binuhusan siya nang napakalamig na tubig nang makita ang suot ng babae.

Dali-dali niyang kinuha ang payong na nakapatong sa harapan ng sasakyan saka agad na bumaba. Marami man siyang katanungan ay mas nangibabaw ang pag-aalala nito rito.

Nang makalapit ay mas lalo lang nitong nakita ang marahas na panginginig ng babae. What the fuck is wrong? Bakit ganito lang ang damit niya? Is she crying?

Is she, perhaps, raped?

Hinubad nito ang coat na hindi pa niya magagawang matanggal mula sa trabaho at itinabing iyon sa katawan ng babae. Dinala niya ito sa gilid bago balingan, “Miss, okay ka lang ba?”

Hindi na halos alam ni Maeluthe ang nangyayari. Nabibingi ito, namamanhid, nanlalabo ang mga mata. Basta lang ito sumabay sa kilos ng lalaking lumapit at tumulong.

Alam niyang hindi ito masamang tao. Hindi na dapat siya matakot.

“Miss?”

Dahan-dahan nitong tiningala ang matangkad na lalaking nasa harapan na niya. Nanlalabo man ang mga mata, kita niya pa rin sa mukha ni Isiaah ang pag-aalala nito.

Huli na rin para makilala nito ang boses ng binata. Hindi siya pwedeng magkamali.

“Look, I don’t really know kung ano ang nangyayari but please, tell me. Saan mo ba gustong magpunta? Sa ospital o sa police station?” tanong ng lalaki ng may katamtamang lakas dahil sa ragasa ng ulan.

Hindi nito napigilang mapangiti. Kilala niya ang lalaki. Sa madaling panahong magkasama ay nagawa na nitong makabisado ang kilos at ekspresyon nito.

He’s the guy. . .

Siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ni Maeluthe.

Sa huli, mabilis niyang inabot ang braso ng lalaki—senyales ng paghingi nito ng tulong. “T-Take me with you. . .” napapikit na lang si Maeluthe dahil sa sinabi. Patagal nang patagal ay mas lalo lang niyang gustong iuntog ang sarili sa kung saan dahil sa kahihiyang lumabas sa bibig nito.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon