Kumot lang ang nakatabing sa hubad na mga katawan ni Isiaah at Maeluthe. Marahan naman ang paghaplos-haplos ni Isiaah sa buhok ng babaeng katabi. Mahimbing lang ang tulog nito simula pa pagkabalik nila mula sa paglalakad sa tabing-dagat.
Mayat't maya ang pagngiti ng lalaki. Kung iisipin ang mga napagdaanan sa nakaraan, swerte na siya ngayon at sa hindi inaasahang gabi niya nahanap ang babae.
Sometimes, Maeluthe can be in despair pero hindi nito alam kung gaano kalaking will ang naibibigay nito kay Isiaah para mabuhay.
Akala ni Isiaah, a life with his friends and family is enough. Pero nang makilala niya ito at biglang nawala, napakalaki pala ng kulang sakanya. Sa madaling panahon, malaking espasyo rin ang naibigay niya sa babae kaya’t paniguradong hindi nito kakayanin kapag nawala pa itong muli.
Lalong-lalo na ngayong isang pamilya na ang mayroon sila.
Kaagad na bumangon si Isiaah, nagsimulang kumilos. Ginusto nitong muling handaan ang babae ng pagkain pero talagang nangangamote pa rin siya sa kusina.
Ang sinigang na niluto niya kahapon para kay Maeluthe ay ginawa niya ng lagpas sa tatlong oras kasama na ang paghahanda ng mga pangrekado. Paniguradong gigising na rin si Mae mamaya kaya hindi siya pwedeng magtagal.
Hawak ang cellphone, nagtipa siya ng kung ano-anong ingredients na pwede niyang lutuin pero wala lang itong ibang nagawa kundi ang matakam.
Sa dinami-rami ng mga putaheng nakita ay bumagsak lang siya sa pagpiprito ng isda na nasa refrigerator na. ‘At least, it's a healthy meal, though’ kumbinsi niya pa sa sarili. Sakto lang iyon dahil nang matapos ay lumabas na rin si Maeluthe mula sa kwarto.
“Good morning–” Natatarantang nilapitan ni Mae ang lalaking pawis na pawis na akala mo ay galing sa ilang oras na pagtakbo. “Anong nangyari sa’yo?"
Hindi na kailangan pang sagutin ni Isiaah ang tanong. Ang mga nagkalat na kung ano sa kusina, ang isdang nakalagay pa rin sa kawali pati na ang mapula-mulang leeg at kamay ng lalaki dahil na rkn sa talsik ng mantika na ang sumagot para sakanya.
Kaagad niyang kinuha ang ointment na nasa banyo, bahagyang pinaupo si Isiaah sa sofa at dinampian noon ang mga paso. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo?”
“I. . . I want to take care of you,” nahihiyang sabi ni Isiaah. “But it ended up with you, taking care of me. Sorry.”
“You need to take good care of yourself first before taking care of me. Okay ba ‘yun?” Ang totoo, gustong tawanan ni Maeluthe ang lalaki. Napaka-cute na mukha nito ang bumungad sakanya kanina. Nagkalat ang pawis nito at may pag-aalala sa mukha. “Teka nga,” dagdag pa niya. Ibinaba muna nito ang hawak saka hinarap nang maayos ang lalaki.
“Paanong may-ari ka ng restaurant pero nagprito ka lang ng isda ay halos magkasugat-sugat ka?”
Imbes na mahiya, ngumisi na lang ito nang malaki at tinanggap ang animo’y pagkatalo. “You see, I am a businessman. . . who wanted to eat different, good food. Wala namang mali dahil mga professional ang mga empleyado ko. Saka. . .” Mas nilapit niya ang mukha kay Maeluthe.“Itong hindi marunong mong boyfriend, he has almost thirty branches of restaurants as of now.”
Tuluyan nang humalakhak si Maeluthe sa pagyayabang na iyon. “Oo na po, Sir Isia–"
Hindi na natuloy ng babae ang siansabi dahil sa mabilisang halik. “Mae naman.”
“Sir Isiaah–"
Hinalikan niya itong muli. “Come on. Gusto lang atang magpahalik ng mahal ko, eh.”
“Sir Isiaah–”

BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...