Ngiti ang isinalubong ni Isiaah sa panibagong umaga. Hindi katulad sa mga nakaraang araw, amoy na amoy ni Isaah ang napakasarap na pagkain pagkalabas na pagkalabas pa lang nito sa sarling kwarto. Kinailangan pa nitong halukayin sa isip kung sino marahil ang taong naroon bago nito mahanap ang sagot—Maeluthe.
Sinubukan niyang maging seryoso pero habang papalapit nang papalapit mas lalo lang nitong nagugustuhan ang nakikita.
Kailan nga ba ang huli?Kailangan nga ba ang huling mayroong babaeng naghanda ng agahan para sakanya?
Alam nitong maituturing ito ni Maeluthe bilang trabaho, pero hindi pa rin maalis sa pakiramdam ni Isiaah ang ma-touch sa ginagawa ng babae.
“Oh, gising ka na pala.” Nginitian niya lang ito at hindi na pinigil ang sariling umupo sa upong nasa tapat ng mesa. “Patapos na ako rito. Hindi ko alam na maaga ka pala nagigising.”
Tuloy-tuloy lang ang pagsasalita ni Maeluthe pero hindi magkamayaw ang pagkalabog ng dibdib niya. Sa buong buhay kasi nito, ito ang unang beses na may kasama siyang iba sa iisang bahay at lalaki pa. Maaaring nakagawa man siya ng mga kapangi-pangilabot na mga bagay pero hindi noon maipapaliwanag ang buong pagkatao niya.
Maeluthe Legson is a decent woman, pero dahil sa napakaraming pinagdadananan, wala itong ibang naging sagot sa paghihirap kundi ang nakakahiyang bagay na iyon.
Ang gusto lang naman niya ay ang matustusan ang sarili pati na ang pag-aaral—pati na ang ngayong bata sa sinapupuan.
Kung nandito ang mga magulang niya ay siguradong naging bingi na siya sa mga sigaw at pagmumura ng mga ito.
“Kain ka na,” gagad niya kay Isiaah bago naging abala sa pag-aayos naman ng mga gamit na naroon.
“Sabayan mo ako.”
Ikinagulat nito ang mga salitang narinig mula sa lalaki. Sa totoo lang, hindi naman talaga iyon ang ugaling inasahan niya rito. Aaminin niyang may maliit na alam na siya tungkol sa lalaki dahil hindi halos magkamayaw ang mga blockmates niya dahil dito.
Isiaah Jacinto, hinding-hindi niya makakalimutan.
“That’s right. . . you will be mine. You’ll be my virgin.”
Pinilig niya ang ulo para maiwasan ang naiisip, “Po?” Nagpakurap-kurap lang ito at ngumiti sa lalaki.
“Sabayan mo na ako. Hindi ko na ata alam ang pakiramdam nang may kasabay kumain,” sabi ni Isiaah. Iyon naman talaga ang totoo. Ngayon na lang ulit siya may pagkakataong may makasabay kumain ng almusal.
Nakakatawa lang dahil babae pa iyon.
Sino bang mag-aakalang tatanggapin niya ang bagay na ito ngayon? Hindi rin alam ni Isiaah kung bakit magaan ang loob nito sa babaeng ngayon lang naman niya nakita.
But whatever it is, siguro naman ay may karapatan itong gustuhin ang sitwasyong ito. Babae ang kasama niya sa sariling bahay kahit pa wala ni anong namamagitan sa kanilang dalawa. This is safer than Isiaah thought.
Nagsabay ang dalawa sa pagkain, paminsan-minsan ay nagbibilin si Isiaah ng mga kailangan nitong gawin pati na kailangang gawin sa trabaho.
Ayon kay Isiaah, mabuti pang sumabay na ito sakanya papunta sa restaurant para ma-brief at maging gamay sa lugar. Pansin ng lalaki ang pagiging matalino ng dalaga. Iba ang tindig nito, she stands with power and intelligence. Patagal nang patagal ay mas lalo lang siyang napapatanong sa babae tungkol sa nangyari rito nang gabing magkita sila.
Sampung minuto pagkatapos mag-alas otso, nakarating ang dalawa sa restaurant. Bahagya pa ngang nagimbal si Mae roon lalo pa’t napakaraming tao na ang bumungad sakanya. Taliwas iyon sa iniisip nitong dami ng mga costumers at ngayon pa lang siya nakapunta sa lugar na kasing gara nito.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...