Ilang araw na ang lumipas simula noong nagsimula ang paghahanap ni Isiaah kay Maeluthe. Nagawa na rin nitong magpatulong sa mga kaibigan na paulit-ulit pa rin siyang sinisisi hanggang ngayon. Na kesyo, bakit hindi niya inantay makapagpaliwanag ang babae. Na bakit mas pinauna niyang intindihin ang sakit na nararamdaman niya.
But then, ganoon naman talaga ang maiisip ng mga taong wala sa mismong sitwasyon niya. Maiisip ng mga ito na madali lang makinig, na madali lang ibukas ang magmata at tainga kahit pa nilalaban mo rin ang nakakamanhid na sakit.
Siguro nga, I became selfish when I am hurt, kadalasang pangungumbinsi niya sa sarili. Wala na kasi siyang oras para sisihin pa ang sarili o hindi naman kaya’t magmukmok. He wants to be with Maeluthe. Ipinangako na nito sa sariling iyon na ang huling beses na magpapakagago siya sa babae.
Ngayong araw, plinano na niyang simulan nang maaga ang paghahanap pero naririto lang ang mga kaibagan niya’t nambubulabog.
“Hindi nga ako sasama, ang kukulit!” malakas nitong sigaw bago bumalik sa pagkakahiga.
“You gave us no choice, Isiaah Jacinto.” sabi ni Baste na talagang ikinaalarma niya. Sa isang iglap lang, buhat-buhat na siya ng ga kaibigan habang nagtutuloy sa pagsigaw.
His friends are the best. May mga sarili rin itong pinoproblema pero nagagawa pa rin nilang asikasuhin si Isiaah. He will always be grateful for these guys.
“Put me down! Sasama na ako!”
Katulad nang plinano, nagpunta ang mga ito sa gym. Ganoon na ang nakasanayan ng magkakaibigan. Pagkatapos ay tatakas naman mula sa mga trabaho at magtutulungan sa paghahanap kay Maeluthe.
Nasubukan na nilang puntahan ang halos lahat ng lugar na possible nitong puntahan; ang university, ang iilang mga apartment malapit doon, ang bahay ng iilang mga kaibigan pati na ang probinsyang kinalakihan nito.
Ngayong araw, hindi pa sila sigurado.
Kung tutuusin, hindi naman na nila kailangan pang personal na umalis at maglibot. Pwede naman nila itong iutos sa mga kilalang private investigator pero hindi na sinubukan pa ni Isiaah.
Tutal, siya naman ang may kasalanan, siya ang nagpaalis sa babae ay marapat lang na paghirapan niya ang paghahanap dito.
He must be really out of his mind. Kung sana lang ay mas pinakinggan niya ang babae, kung sana lang ay nag-isip muna ito nang mabuti bago magsalita, hindi sana naging ganito kakumplikado ang lahat.
Pagkatapos ng lagpas isang oras na pagiging wala sa sarili sa loob ng gym, napagdesisyunan ni Kairus na makigulo na muna sa lugar ng kapatid. Malapit lang iyon sa gym kaya hindi naging mahirap sa mga ito ang pagpunta.
Hindi man sang-ayon sa ginagawa ng mga kaibigan, wala na siyang ibang choice kundi ang sumunod bago pa mas malala sa pagbuhat ang magawa ng mga ito sakanya.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na rin niya nakita pasi Cyra. Hindi na rin ito naging interesado pang alamin kahit may kasalanan ito sa pagkakaospital ni Maeluthe.
Hindi niya lang inashan ang mga mangyayari. Tila ba masyadong naging mabilis ang lahat.
Nasa utak lang nito ay kung paano at saaan marahil makikita si Maeluthe.
“Ashley would be so glad to see me,” mayabang na oahayag ni Baste nang makatapak sila sa elevator.
Kaagad naman iyong itinulak ni Kairus, “Kung ikaw lang din naman ang mapapangasawa ng kapatid ko, sisiguraduhin kong wala ng mag-aalok sayo ng kontrata.”
“Kuya Kairus naman—”
“Aba, tarantado talaga!”
Napailing-iling na lang ito sa ginagawa ng mga kaibigan. Hinahangaan niya ang pagpapatuloy ni Kairus sa buhay kahit na pilit pa rin itong umaasang magkikita silang dalawa ni Eilythia. Napakatapang ng lalaki.
BINABASA MO ANG
His Virgin
Storie d'amoreIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...