Pagkatapos ng lahat ng paghihirap na naranasan ni Isiaah sa mga nakaraang taon, narito siya’t hinaharap ang panibagong umaga nang may malawak na ngiti. Agad itong bumangon nang hindi makita si Maeluthe na busy na sa paghahanda ng agahan.
Panibagong araw pero lubos na espesyal ito para sa dalawa. They are now official! Hindi pa man halos matanggap ni Maeluthe ang bilis ng pangyayari, parang may yumayakap na kung ano sa puso niya.
Paminsan-minsan ang naging paghawak nito sa tyan, maya’t maya ang ginagawang pakikipag-usap sa anak sa sinapupunan. Hindi na rin magtatagal ay ipagtatapat na nito sa lalaki ang totoo. And we’ll live happily. . . Maeluthe dreamed. Iyon lang naman ang gusto niya. Gusto nitong mabigyan ang anak ng masaya at kumpletong pamilya katulad nang ipinaramdam sakanya ng mga magulang.
Isiaah will be a good father. Sigurado siya sa bagay na iyon. Ramdam na ramdam niya ngayon pa lang kung paano mag-alaga ang lalaki pati ang kabuuang personalidad nito. Mag-antay ka lang dyan, anak. I’ll let your father know at paniguradong masisiyahan siya sa’yo. Mamahalin ka niya katulad ng pagmamahal ko sa’yo.
Hindi rin nagtagal, naramdaman na ni Maeluthe ang mainit na pagyakap ni Isiaah mula sa likuran, hinahalik-halikan ang mga balikat niya. “Nakatulog ka ba nang maayos?”
Ngumisi sa tanong na iyon si Maeluthe, nanatili ang tingin sa niluluto. “Nagtanong ka pa. Kung patulugin mo kaya ako nang maayos?”
Tuluyan nang humalakhak si Isiaah, inaalala ang mga nagawa nila kagabi. Para ngang wala ng bukas dahil sa labis na kasabikan nito sa isa’t-isa. “How about we get married?”
Naibuga ni Maeluthe ang tinitikman sanang sabaw ng mainit na sopas. “Are you kidding me?!” walang pagpipigil nitong singhal.
“No, why? Hindi ba kita pwedeng pakasalan?”
A family. God knows how much she wants that pero alam naman nitong masyado pang maaga para sa lahat. Isama na rin ang pag-iisip na baka panaginip lang ang lahat ng ito. “Wala pa ngang bente-kwatro oras simula noong naging tayo, Isiaah.”
Dumapo ang kamay ng lalaki sa dibdib niya, nanunudyo, pinapaikutan ng mga daliri ang umbok na naroon. “It wasn’t a good reason, Mae. Pwede kitang pakasalan kahit kailan ko gusto.”
Pinatay nito sandal ang electric stove na ginamit bago tuluyang harapin ang lalaki. “Sinabi mo na rin ba ‘yan kay Cyra?”
She tried so hard not to be nosy. Hindi lang talaga niya mapigilan na ma-insecure sa babae. Ano ba naman ang laban niya sa modelong iyon?
Natahimik ang lalaki kaya tuluyan na nitong nakumpirma ang hinala. Isiaah is indeed aggressive. Mas nauuna itong magsalita madalas bago sumabay sa isip.
“Ang pagpapakasal ay hindi parang insurance, Isiaah. Hindi iyon inaalok sa lahat.”
For the past days, Maeluthe tried her very best to tell him. Totoo. Kahit pa nga mas lalong naging malapit sa isa’t isa ang dalawa, takot siyang hindi tanggapin ni Isiaah ang bata. Takot siya sa posibleng maging reaksyon nito.
Isiaah is a good man, pero paano na lang iyong mga sasabihin ng ibang tao sa relasyon nila? Paano ang mga magulang nito? Anong iisipin ng mga ito patungkol sakanya?
Isang linggo ring binagabag si Maeluthe ng mga tanong. Ilang araw na siyang hindi halos makatulog lalo na’t madalas na ang nagiging pagsakit ng ulo niya at pagkahilo.
For her, one week is enough. Tapos na ang mga sikreto. Bahala na kung ano ang sasabihin ng ibang tao. It’s her family, pamilyang bubuuin niya kasama ang lalaki.
Noon kasi, iniisip pa nito kung tama ba ang ginagawa niya. Kung tama bang angkinin si Isiaah at maghangad nang mataas. She’s scared of the judgements. Tao lang din naman siya at paniguradong hindi nito mamanihin lang ang mga masasamang salitang ibabato rito.
Pero ni isang segundo, hindi nito pinagsisihan ang gabing iyon—ang gabing una nitong nakilala si Isiaah, at nakasama.
Masigla si Maeluthe nang tahakin ang daan papalabas ng university. Katulad ng nakasanayan, dideretso na ito sa restaurant para sa kasintahan. At times like this, mas sinusulit nila ang paglalakad-lakad sa tabing dagat bago umuwi. Madalas nagkukwentuhan, dahilan para mas lalo pa nitong makilala ang lalaki.
Isiaah is indeed a good guy. He’s a softie. Malambot ang puso nito sa kahit na sino. He’s cheerful at times depende sa kasama at ubod ng kulit. He’s warm, Maeluthe thought. Iyon din ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya kapag nababanggit ang pangalang Isiaah.
Hindi siya iyong mga lalaking siga, at iyong palaging nakakakuha ng mga mata ng babae. He’s not the badboy type, he’s a cutie—a keeper.
Akmang mag-aabang na sana siya ng taxi nang tumunog ang cellphone nito. It was a text message from Isiaah, “I’m on my way there. Please wait for me. May pupuntahan tayo.”
Malaki ang ngisi, bahagyang gumilid si Maeluthe sa kalsada. Pansin nito ang pagiging clingy sa boyfriend kaya naman minabuti pa nitong magreply ng kung ano-anong heart stickers.
Busy ito sa pagtitipa sa cellphone nang may biglang tumigil na babae sa harapan niya. “Maeluthe Legson?”
Pinantayan niya ang tingin ng babaeng mabilis siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.
Huli na para maalala ni Maeluthe ang pamilyar nitong mukha. Cyra. . . Cyra Genesis.
Napakasopistikadong tingnan ng babae dahilan para mapukaw nito ang atensyon ng iilang mga estudyanteng naroon. Kasingbilis ng kidlat na nawala ang katiting na confidence na pinanghahawakan niya.
“Ah. . .” wala sa sarili nitong gagad. Nagpunta ba ito para makipag-away? “B-Bakit?”
“We need to talk,” pormal na pagkakasabi ni Cyra. Bahagya ring nakataas ang isang kilay na ito na mas lalo pang naging dahilan ng panliliit ni Maeluthe sa sarili.
“Pero kasi inaantay ko si–”
“Just text him. ‘Wag mo nang papuntahin dito, ako na ang bahala. I’ll drive you home.”
Ayoko. Aantayin ko ang boyfriend ko rito at hinding-hindi ako sasama sa masamang babaeng katulad mo. Hindi dapat ako nanliliit, hindi ko dapat kino-compare ang sarili ko sa’yo lalo pa’t nanloko ka naman. Napakarami niyang gustong sabihin pero ni isa ay walang lumabas sa bibig ni Maeluthe. Sa halip, tuluyan na lang itong nagpahila kay Cyra papasok sa magara nitong kotse.
Kumikininang ang paligid ng restaurant na pinasukan ng dalawa. Kakaonti at sigurado siyang mamahaling tao lang ang naroon. Wala itong natulong sa dalaga kundi mas lalo pang manliit sa sarili.
Sinubukan na sana nitong tawagan si Isiaah kanina pero inabot na rin ata ito ng kamalasan dahil biglang namatay ang cellphone nito sa sobrang pagka-drain ng baterya.
Patagal nang patagal, mas pinagsisisihan lang tuloy nito ang pagsama. Ano ba naman kasi ang pag-uusapan naming dalawa? Hindi ba past is past? Ano pa ba ang gustong malaman ng babaeng ito?
Sabay silang umupo nang marating ang naka-reserve ng mesa. Gustong-gusto na ni Maeluthe na matapos kung ano man ang mangyayari ngayon. Gustong-gusto na nutong makita ang boyfriend na paniguradong nag-aalala na ngayon.
“Ano ‘yung pag-uusapan natin?” Hindi na ito nagpadalos-dalos sa pagtatanong.
Hindi naman siya pinansin ng babaeng kaharap at nagmamadali pang tumitig sa relong nasa bisig. “She should be here by now.”
May isa pa? Sino na naman ang makikita ko ngayong araw? “Sinong inaantay natin?”
“There–” Bahagyang tumayo si Cyra at magiliw na ngumiti sa ginang na papalapit. “Tita,” pagbati pa nito.
Huli na ang naging paglingon ni Maeluthe dahil sa isang pagkurap lang ay nasa harapan na nito ang isang babaeng hindi pamilyar sakanya. Katulad ni Cyra ay halata sa pananamit at itsura nito ang karangyahang taglay.
Nakakapanlumo. Hindi ko alam kung dapat bang naririto ako.
“Maeluthe, you should greet her. She’s Mrs. Jacinto,” masiglang gagad ni Cyra, wala na ang katakot-takot na ekspresyon sa mukha.
Labis na gulat naman ang dumantay sa mukha ni Maeluthe sa narinig. Hindi niya na kailangang pag-isipan pa ng mas matagal kaya ganoon na lang ang gimbal sa sistema niya.
“Yup! She’s Isiaah's mother.”
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...