Ni walang isang beses na naipikit ni Maeluthe ang mga mata buong gabi dahil sa pag-iisip. Madali niya rin itong pinagsisihan lalo pa’t alam nitong makakasama iyon sa sanggol sa sinapupunan. Sinubukan na rin naman nitong tanggalin iyon sa utak pero hindi niya na nagawa.
There’s something wrong with her—hindi pa nga lang niya alam kung ano. “Si Celine. . . lasing lang siya kaya gano’n. I deeply apologize.”
Tumagal ang deretsong pagtitig niya kay Isiaah pero wala itong ibang nasabi sa bagay na iyon. Kahit siya, hindi rin alam kung anong nararamdaman. Hindi rin nito maipaliwanag ang kung anong tumutudyo sa sariling damdamin.
Pinagsawalang-bahala niya ang mga salitang iyon at nagtuloy-tuloy sa paghahanda ng almusal. Wala naman siyang dapat na gawin ngayon kundi ang magtrabaho. Bukas, she’ll be back at the University kaya kailangan niyang kumilos.
“Also, ihahatid kita sa restaurant mamaya. I have to run some errands kaya I’ll let you be there first. Alam na ni Erik ang gagawin,” dere-deretso lang na sabi ni Isiaah pero wala pa ring naging tugon doon ang babae. Ni kahit pa balingan lang siya nito ng tingin ay hindi na nito nagawa.
Is she okay? pagtatanong pa nito sa isip na para bang may ibang makakasagot doon.
Nang maihatid si Celine sa parking lot kagabi, dineretso na nito agad ang daan pauwi. It was a stupid decision. Hindi niya rin magawang maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaliwanag sa babae.
Gusto niya iyong istorbohin sa kwartong tinutuluyan para lang magpaliwanag at makahingi ng tawad sa ginawa ni Celine. Hindi nawala ang bigat ng nararamdaman niya hanggang sa paggising kaya minabuti na lang nitong kausapin ang dalaga.
But he can’t be more disappointed with this.
Bakit hindi niya ako kinakausap? Ayos lang ba siya? May nangyari ba? Is she hurt? Ano ba talaga ang ginawa ni Celine sakanya?
Marahas siyang umiling-iling. Alam niyang walang mangyayari at hindi matitigil ang pag-iisip niya kung hindi niya ilalabas iyon. “Miss Legson,” anas nito.
Nararatanta naman siyang hinarap ng babae. Aburidong-aburido na ito lalo pa’t hindi na niya maintindihan ang sarili. Ano ba talaga ang gusto niya? She should be really grateful for the guy, for letting her stay here pati na sa paghire sakanya sa restaurant nito. But why do I feel this way? Bakit may iba akong hinahanap?
“Sir,” mahinang sabi nito pagkaraan ng ilang segundo.
“Are you okay?” tanong nito. Kaagad niya na ring tinulungan ang babae nang makita ang pagkaing inihanda. His tummy’s crumbling. Iniisip nitong baka kaya napakarami nitong naiisip ay dahil sa gutom. He must be really crazy!
“Yes, I am. Kumain ka na, Sir.”
Sir. Why does he hates that word now? Wala siyang ibang nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Ang totoo, pinanatili lang ni Mae ang pagngiti. Kailangan niyang ikintal sa isip na sa trabaho, walang puwang ang mga personal na nararamdaman. Before anything else, iyon dapat ang bagay na aralin at iwasan niya.
Nagiging magkasama lang ito dahil sa trabaho, wala ng iba. At the end of all these, babalik din ang mga ito sa kani-kaniya nilang mga buhay.
Pagkatapos talaga ng namataan ni Maeluthe kagabi, hindi na bumalik pa sa isip niya ang pagsasabi kay Isiaah ng totoo. Iyon naman talaga ang dapat.
Pagkakamali ang magkita sila noon, pagkakamali ang nangyari kaya hindi na niya sisirain ang buhay ng lalaki sa isa pang kamalian. Masaya na siya sa parteng may naitutulong ang lalaki sakanya. Tatanawin niya itong malaking utang na loob.

BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...