One month later. . .
“Pasensya ka na talaga sa abala, Brylle.” Hindi na magawang mataas ni Maeluthe ang noo dahil sa sobrang kahihiyan. “Hindi ako magiging pabigat.”
Hindi naman kasi siya iyong tipo nang babae na napakaraming kaibigan. Ni wala nga itong malapitan ngayon sa mga kaklase kaya minabuti nitong puntahan na lang ang kaibigang si Brylle.
Magkaibigan na ang dalawa simula pa pagkabata. Noon, magkatabi lang ang bahay nila. Pero dahil tuluyan na silang hindi nakabayad sa lupang kinatitirikan ng bahay, pinaalis din doon sila Maeluthe at napilitang mag-upa na lang ng bahay sa Maynila.
Kaya lang, dahil pumanaw na ang mga magulang niya, hindi na nito alam kung saan pa siya marahil pupulutin.
Sandaling humalakhak si Brylle dahil sa sinabi nito. “You’re acting like I’m a different person. Ako pa rin ‘to, ang madungis na Brylle.”
Nagkakamali ang lalaki roon. Alam ni Maeluthe kung paano nag-iba ang lalaki simula sa pananamit pati na pagkilos. Ganoon na talaga siguro ang nagagawa ng pagbibinata. Wala na ang iyakin at madungis na Brylle.
Tinulungan siya nitong iayos ang mga gamit. Mas maliit ang condo ni Brylle kaysa kay Isiaah. Isiaah. . . hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaki.
Simula noong dire-diretso siyang umalis doon isang buwan na rin ang nakararaan, hindi na nawala sa isipan niya ang dating kasintahan. Kumusta na kaya ito? Ano na kaya marahil ang pinakakaabahalan o sino kaya ang mga kasama?
Ilang beses niya na ring sinubukang tumawag, magtext o makipagkita pero wala na rin siyang nakuhang ibang sagot.
Parang sa isang iglap ay naglaho bigla ang relasyon ng dalawa.
Gamit ang katiting na naipon sa pagtatrabaho, kumuha siya ng maliit na apartment. Kaya lang kinalaunan ay hindi niya na rin kinayang pagsabayin pa ang lahat ng gastusin.
Sa isang buwan na iyon, hindi na siya nakabalik pa sa eskwelahan. Bukod pa kasi sa wala na siyang madudukot sa bulsa ay labis pa rin ang panghihinang dala ng pagbubuntis niya.
Marami na rin ang mga vitamins na kailangan niyang i-take kaya nagkapatong-patong na ang kailangan niyang bilhin at asikasuhin.
“You’re pregnant.”
Nagpakurap-kurap siya lalaking nasa harapan. Sa sandaling minuto ay nakalimutan niya ang kasama. Kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa tyan. Hindi pa masyadong halata ang umbok doon pero kahit sino ay mahahalata na ang pagbubuntis dahil sa biglaang paglobo ng katawan ni Maeluthe.
Nakangiti itong tumango, “I am.”
Nakunteto na sa sagot na iyon si Brylle kaya ipinagpasalamat na lang ni Maeluthe ang hindi na nito pagtatanong pa.
Hindi nito alam ang marahil sabihin.
“Ikaw, kumusta ka na? Mukhang may girlfriend na ang totoy, ha!” Tinawanan ni Maeluthe ang biglaang pagkalukot ng mukha nito sa pangalang ginamit.
“May nakakatakot akong girlfriend, Mae.” sambit pa nito.
Humalakhak ang babae saka inisa-isang ilabas sa bag ang kaonting gamit. “Make sure you informed her about this. Hindi ako pwedeng makipagsabunutan dahil buntis ako.”
Para na nitong bunsong kapatid ang lalaki. Hinding-hindi niya makakalimutang siya pa palagi ang nagpupunas ng pawis pati na sipon nito noon.
“Sabihin mo sa akin ang magiging reaksyon niya, okay? Let us talk, as well. Kapag hindi siya pumayag, I’ll leave–”

BINABASA MO ANG
His Virgin
عاطفيةIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...