She must be dreaming. Hindi man niya alam kung seryoso ang pagkakasabi roon ng lalaki, parang sinasakal pa rin ang puso ni Maeluthe sa galak. Hindi nito marahil alam kung paano magre-react sa mga salitang iyon, pinili lang nitong manatili sa pagkakayuko.
Paniguradong wala lang ang lahat ng ito. Isang madaling panaginip at siguradong mayamaya lang ay magigising na ang babae.
“Sige na, bumalik ka na muna ro’n.” Maingat siyang iginiya ni Isiaah palayo. “Pasensya ka na sa mga kaibigan ko,” mahinang gagad ng lalaki.
Kahit si Isiaah ay gustong iumpog ang ulo kung saan dahil sa sinabi. Nababaliw na nga talaga ito. Paano niya na lang babawiin ang bagay na iyon sa mga kaibigan lalo na sa babae?
But I did that to protect Maeluthe from Baste, pangungumbinsi niya sa sarili. Kung mayroon mang mas nakakakilala kay Sebastian Clarete ay paniguradong siya iyon. Kasama na niya ang lalaki simula ata noong magkamalay siya. Kulang na nga lang ay tumira sila sa iisang bahay dahil sa pagiging malapit.
Maloko ang kaibigan niya. Dahil sa trabaho ay paniguradong mas nadadagdagan pa ang appeal nito sa mga babae. Kaya dahil na rin sa pagiging malapit dito, dawit na ang pangalan niya sa listahan ng mga babaero, womanizer o kung ano pa man ang maaaring itawag nila roon. Kahit pa ang totoo, Isiaah feels alone. Kahit pa hindi mabilang ang mga taong nakakasalamuha nito araw-araw, hindi pa rin noon matatabunan kung anong klaseng pagdamay ang hinahanap niya.
“You got it bad, man,” humahalakhak na sabi ni Baste nang makabalik si Isiaah mula sa paghatid kay Maeluthe.
“Ang pag-ibig talagang nakakabaliw,” birada naman ng kaibigan niyang si Kairus na malalang-malala na ang pagiging malungkot. Kaya talagang dinadalas-dalasan nila ang paglabas kasama si Kairus dahil hindi nila alam ang pupwedeng magawa ng lalaki sa tuwing mag-isa.
Labis-labis siyang nasasaktan para sa kaibigan. Kung kalian naman kasi naging maayos na ang lahat para sa relasyon nila ng kasintahan ay saka naman ito biglang nawala at nabalitang pumanaw dahil sa isang sunog. Wala pa man nakikitang lead sa motibo pati na ang mga suspek ay alam na alam niya kung paanong araw-araw na dinudurog ang puso ni Kairus dahil dito.
He just wants the best for Kairus pero parang napakahirap pang makuha no’n ngayon.
“Maeluthe is my employee. Ang kikitain niya, mapupunta sa tuition fee niya—”
“A college student?” pagsingit naman ni Andrei habang nilalaro-laro ang hawak na mga tissue. “Hindi naman na siya minor, right?”
Dumating ang mga pagkain kaya nagsimula na ring lumantak ang mga kaibigan niya na pinangungunahan ni Baste. Wala talaga itong pakealam kung napakaraming mata ang nasa paligid niya na one click away sa social media.
Iyon naman ang gusto nito sa kaibigan, he tries to live his life na walang limit. Kaya lang, nasosobrahan din iyon madalas.
“She’s on her fourth year in Law school,” puno ng pagmamalaking sabi ni Isiaah, nagsisimula na rin sa pagkain.
Samu’t saring reaksyon ang narinig niya sa mga kaibigan. Patagal nang patagal, nagmistula siyang proud na proud na kasintahan ng babae kahit pa wala pa naman talagang namamagitan sa mga ito.
Iba lang ang pakiramdam niya. Malaya. . . magaan.
***
“Kumusta na ang pakiramdam mo, Miss Legson? You’re on the fourth week of pregnancy kaya ipagpatuloy mo lang o hangga’t maari, dagdagan mo ang pag-iingat.” Tahimik na dininig ni Maeluthe ang sinasabi ng doktor na kaharap. Tapos na ang shift nito sa restaurant kaya nagpaalam siya sa boss dahil sa mga kailangang asikasuhin.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomansIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...