“Jec, I didn’t mean this, bud.” Napapikit na lang si Isiaah sa sigawang naririnig sa kabilang linya. Lasing na ang mga kaibigan kaya halos wala na rin itong kausap. “Babawi ako sa susunod. I’ll be joining you next Friday,” dagdag niya pa.
Ni wala man nga lang itong narinig sa mga kaibigang naroon bago maputol ang tawag. “Jec? Bud?”
Napabuntong-hininga na lang ito. Ang totoo, hindi naman big deal ang hindi niya pagdating. Ang kailangan niya lang naman talagang isipin ay kung paano makakauwi ang mga kaibigan nito sa sobrang kalasingan.
He’s the caregiver of the group. Sanay na siyang palaging taga-hatid ng mga ito kapag hindi na kaya ang mga sarili.
“Okay lang ba ‘yung mga kaibigan mo? Pasensya ka na talaga. . .”
Nilingon niya ang babaeng kaharap, kapagkuwan ay ngumiti. “They’ll be fine. Makakauwi pa naman ang mga iyon,” sagot niya.
Hindi maalis-alis ang ilang sa dalawa kahit pa ilang minuto na silang magkasama.
Pagkatapos nang nangyari kanina ay mabilis niyang dinala ang babae sa sariling condo. Iyon ang pinakamalapit na lugar kaya hindi na siya nagdalawang-isip. Ipinahiram niya rito ang iilang damit sa duffel bag na nasa kotse kaya komportable itong nakababa ng sasakyan at makapasok sa unit nito.
Hindi niya maintindihan ang sarili. This is very unlike him. Kung tuluyan niyang tinungo ang Sweet Heavens kasama ang mga kaibigan ay paniguradong kasama na niya ang pinakaunang babaeng nakakuha ng atensyon niya.
This girl. . . she obviously got his attention. Hindi niya kailangang lokohin ang sarili lalo pa’t halos lumuwa ang mata nito sa napakagandang katawan ng babae.
Pero hindi.
This isn’t the right time for his libido. Marami siyang tanong na kailangang masagot. Iyon ang uunahin niya kaysa sa iba pang makamundong mga bagay.
Mayamaya, inilebel nito ang mukha sa ngayong nanginginig pa ring babae. Naka-shirt na ito ngayon at ang boxer’s ni Isiaah pero hindi pa rin natitigil ang takot nito dahil sa nangyari kasama ang propesor.
“Miss, I’ll ask you again, ha? Nag-aalala na ako. Tell me your problem and I’ll promise to help you,” suhestyon ng lalaki pero nanatili pa ring tahimik si Maeluthe.
Ayaw niyang magkamali. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos sa gusto.
“Saan ka ba nanggaling? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo–”
“I don't have one. . .” Isiaah’s muscles became tensed. Mas naging mariin ang titig nito sa babae dahil sa narinig. “Wala na ang mga magulang ko.”
Umayos nang upo ang lalaki. Hindi ito mapakali. What I am going to do with her?
Bago pa man siya makapagsalita ay muling hinawakan ni Maeluthe ang mga braso niya. Still, her hands are shaking. Natigil na ang pag-iyak nito pero pulang-pula pa rin ang mga mata.
“I am Maeluthe Legson, I am in my fourth year in Law School. Pasensya ka na talaga pero mas kakapalan ko na ang mukha ko. P-Pwede bang. . .” Dumapo ang daliri nito sa bibig. Hindi na naman nito ma-kontrol ang mannerism niya sa pagkagat-kagat ng mga kuko dahil sa pagiging taranta.
Mabilis naman iyong hinawi ni Isiaah. Kinuha nitong muli ang kamay ng babae at sinalikop iyon ng kamay niya. “What is it?”
Nakabibingi ang pagkabog ng dibdib ni Maeluthe. Gusto niya pa mang umatras ay wala na siyang iba pang maiisip na paraan. Ni hindi niya alam kung may uuwian pa ba lalo pa’t paulit-ulit na siyang pinapalayas ng landlord sa inuupahang kwarto sa tabi ng university na pinapasukan. Labis na rin ang nararamdaman nitong pagkalam ng tiyan na tila ba nakalimutan na nito ang pakiramdam ng pagkain.
Kailangan niya na muna sigurong isantabi ang hiya niya pero this time, sigurado na siyang sa marangal na paraan niya iyon gagawin. Hindi na nito daragdagan pa ang kahihiyang inabot ngayong araw.
“Miss Legson–”
“Please, let me stay here.” Bahagyang napipilan doon si Isiaah. Pinilit nitong manahimik at mag-antay sa susunod pang sasabihin ng babae. “Hindi. . . hindi sa paraang iniisip mo. K-Kaya kong magluto, mamalantsa, maglaba. Kaya kong gawin ang halos lahat na gawaing bahay. Just please, let me stay here. Wala na akong ibang matutuluyan,” tapat niyang sabi.
Nanatiling nakayuko si Maeluthe habang hindi naman makapaniwala si Isiaah sa naririnig. Hindi nito mawari kung madidismaya ba ito dahil sa paglilinaw ng babae sa ibang gusto. Pero sa kabilang banda, gusto nito ang sitwasyong madalas niyang makikita ang babae.
Iba si Maeluthe sa lahat ng babaeng nakadaupang-palad ni Isiaah. Lahat ng babaeng nag-a-approach dito kinagabihan ay paniguradong wala na kinabukasan. Si Maeluthe lang ang kauna-unahang babaeng hindi ganoon ang hiniling sakanya. She wants him to help her.
Hindi niya na rin sinubukan pang itanong ang nangyari bago sila magkita. Hindi na nito inalam kung bakit ganoon ang suot nang babae noong nakita niya ito, kung bakit mag-isa si Maeluthe at kung bakit ito umiiyak.
“O-Okay lang ba ‘yun sa’yo?” pagpukaw ni Maeluthe sa atensyon ni Isiaah na malalim na ang iniisip ngayon.
Should I give her a chance?
“I’ll be here sa umaga, I’ll make sure to finish everything bago ka pumasok sa trabaho at bago ako pumasok sa university. I’ll be back after class pero kailangan kong umalis kapag gabi, kapag nakahanap na ako ng part-time na trabaho–”
Pinigil ito ni Isiaah sa pagsasalita. “Why? I mean, why would you do that? Bakit ka pa maghahanap ng ibang trabaho?”
Bakit niya ba kailangang umalis tuwing gabi? Hindi ba nito alam kung gaano kadelikado lalo na sa panahon ngayon?
“Kailangang-kailangan ko ng pera–”
“Hindi pa ba enough ang kikitain mo rito sa akin?” deretsahang tanong niya. He actually hates the fact na kailangan pa nitong umalis tuwing gabi. But that the back of his mind, gusto niya iyong ipagpasalamat para na rin sana maiwasan ang mga hindi dapat mangyari.
He won’t take advantage of her. Hindi ito katulad ng mga babaeng nakapalibot sakanya sa pang-araw-araw.
“Pero papatirahin mo na ako rito,” agad naman nitong sagot.
“I’ll handle your tuition and other school fees. Magta-trabaho ka sa restaurant ko every weekends for your allowance, at dito sa bahay, wala ka ng kailangang problemahin.” Pati si Isiaah, hindi rin makapaniwala sa sinasabi nito. How dare he say that? He’s very strict about his money. Hindi siya iyong tipo ng lalaki na basta na lang waldas nang waldas ng pera kaya bakit niya pag-aaksayahan ng pera ang babaeng ngayon pa lang naman nito nakilala?
Gulong-gulo man ang isip ay pinanindigan na lang nito ang sinabi lalo na nang makita ang masuyong ngiti ng babaeng kaharap nito.
“Sobra-sobra ‘yan pero hindi ko magagawang tumanggi. Thank you so much! I’ll be good po, Sir?” patanong nitong sabi, inaantay na sabihin ni Isiaah ang sariling pangalan.
Hindi maipaliliwanag ni Maeluthe kung gaano siya nakahinga nang maluwag sa sinabi nito. Hindi kapani-paniwalang ganoon nga ang mangyayari simula ngayon ay hindi pa rin nito maiwasang halos mapatalon sa tuwa.
“Isiaah. I am Isiaah Jacinto,” agarang gagad ng lalaki, hindi namamalayang nasuklian nito ang ngiti ng babae sakanya.
Ramdam na ramdam nito ang biglaang pag-init na kwartong iyon kaya bago pa man siya mawala sa sarili ay agad itong tumayo, tinahak ang daan palabas. Bago pa man ito makalayo, nanuot sa balat nito ang dibdib nang babaeng niyakap siya mula sa likuran.
“Miss–”
“Salamat ulit. I’ll value this. Hayaan mo kapag kailangan mo at ng mga kaibigan mo ng abogado, libre ang service ko sainyo.” Napalakas ang naging paghalakhak ni Isiaah sa sinabing iyon ng babae. Marahan niya itong hinarap saka ginulo ang basa pa nitong buhok.
“Mabubuti naman kaming tao but I’ll expect that,” ngumingisi-ngising gagad ni Isiaah bago tunalikod at magsimulang maglakad palabas.
Hindi niya mapigilang matawa tuwing naiisip ang dami ng bilang ng mga kaibigan niya pero mas ikinatataba naman ng puso nito ang pangarap ng dalaga.
She’ll be one someday— one of the most intelligent and successful lawyers in the Philippines.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...