“Everything’s over, Cyra.”
Hindi naman talaga plinano ni Maeluthe ang manggulo sa usapan. Malinaw na mas pinili nito ang umatras, nagkataon nga lang na nasiko nito ang hindi nakitang sasakyan sa likuran dahilan para tumunog ang alarm nito.
Sabay na napalingon si Cyra at Isiaah sa babae. Hindi na nga kinailangan pang magtaka ni Maeluthe dahil isang mala-anghel na mukha ang bumungad sakanya.
Hindi lang basta maganda si Cyra, para na itong diyosa. Ang mahaba at bagsak na itim na buhok ang nangunguna na sinamahan nang malaporselanang kutis. She is like a diamond. Kahit ang parking lot sakanya ay nagmimistulang runway.
“Mae,” gagad ni Isiaah matapos ang ilang segundong pananahimik.
Masigla itong nginitian ni Maeluthe lalo pa’t hindi nito alam kung ano ang totoong nangyayari. Nasa isip lang nito na asarin si Baste sa di umanong pagbabalik ng babae.
“Sir. . .” Sinubok na niyang lapitan ang lalaki. Wala naman itong nakikitang mali roon. Kahit siya, manghang-mangha pa rin sa kagandahan ng babaeng kaharap. Kaya naman pala nagkakandarapa si Baste sakanya, bulong pa nito sa isip.
“Ah, yes. Maeluthe, this is Cyra.” Ngiti ang kaagad na ibinigay ni Mae roon. “Cyra, this is Maeluthe–”
“Is that your endearment?”
Nahigit nang biglaang pagsasalita ni Cyra ang hininga ng dalawang kaharap.
Hindi inasahan ni Maeluthe na ganoon ang magiging trato sakanya ng babae. Muntik pa nitong makalimutang nagawa nga pala nitong manloko. Sa isang iglap, matapos makita ang mukha ay parang nabubura ang kasalanan ng babae—natatabunan pati na ang totoo nitong kulay.
“Sorry?” Isiaah asked. Kilala nito ang babae, alam nito ang timbre ng boses pati na ang mga salitang pinipili. Gusto sana nitong maging maayos ang pagkikita nilang dalawa pero mukhang napakalabo nang mangyari noon.
Samantala, gulat pa rin ang ekspresyong makikita sa mukha ni Maeluthe. Sa isip, ilang beses na niyang pinipintasan ang babae, paulit-ulit na ipinapasok sa kokote ang panloloko nito sa kaibigan ni Baste.
“I said, iyon ba ang endearment ninyong dalawa? Sir at–”
“Cyra. . .”
Hindi tanga si Maeluthe para hindi maintindihan ang nangyayari. Sobrang tense ng mga tao at hindi niya na gusto ang tabas ng dila ng babaeng kaharap. Sino ba ang babaeng ito? Bakit ba hindi siya umakto base sa kagandahan ng mukha niya?
Nag-ayos ng tayo si Maeluthe, nagpipigil. Hindi kasi nito maintindihan kung anong klase ba talaga ng babae ang kaharap. Maayos niya itong pinakitunguhan. Ngumiti siya nang walang tigil, hindi naman siya nagtaray o nagsungit man lang. So why is she acting that way? Para itong batang bigla na lang inagawan ng kendi.
“Why?” Mahinang humalakhak si Cyra bago magpatuloy. “I was just asking kung ganoon ba ang endearment niyo dahil ang baduy naman. Are you dating?”
Awtomatikong nagswitch-off ang pagpipigil ni Maeluthe at mabilis na uminit ang ulo nito.
“Teka lang–” Mabilis na natigil ang pagsasalita ni Mae dahil sa sunod na sinabi ni Isiaah.
“She’s just my employee.”
Sakit.
Iyon ang unang punyal na tumurok sa puso ni Maeluthe. Gusto nitong magtatatalon, gusto nitong tumawa nang tumawa.
“I don’t want to be friends with you. Ayaw kong maging magkaibigan lang tayo.” Biglaang pumasok sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Isiaah noong nagtungo sila sa park. He told her that he doesn’t want to be friends with Maeluthe. Ayaw niyang maging kaibigan lang siya nito.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...