His Virgin 18

5.5K 190 10
                                    

“Isiaah, a-anong ginagawa mo?” Laking gulat ni Maeluthe nang makita mismo ang lalaking nakaluhod sa harapan niya. Hindi siya namamalik-mata. Totoong nakaluhod nga ito at nakatuon ang atensyon sa pagbubukas ng isang maliit na box.

Nang maibukas iyon, bumungad sakanya ang napakaganda’t kumikininang na singsing. Ganoon na lang din ang naging hiyawan ng mga taong nakapaligid sakanilang dalawa.

“Mahal na mahal kita, Mae. Alam na alam iyan ng mga taong nandito. I know I made a huge mistake. Mahirap bumawi but I am willing to do everything I can, I will make it all up to you. And please, ‘wag na ‘wag mong iisipin na ginagawa ko ‘to dahil lang I feel responsible for the child. Ni minsan, hindi ko gagawin ‘yan. I want to be with you for the rest of our lives because I love you. . . Mayroon man o walang bata sa sinapupunan ng girlfriend ko, I’ll marry you. I’ll love you and our child unconditionally–” Napahinto si Isiaah sa pagsasalita saka nagtatakang tumingin sa babae.

Madali niya tuloy itong nginisian saka humawak sa mukha nito para haplos-haplusin.

Akmang magsasalita sana si Maeluthe para itanong ang biglaang pagtigil nang unahan siya nito, “Mae, ayos ka lang ba?”

Ramdam na ramdam ng babae ang matinding pag-ikot ng tyan.

“Mae, ayos ka lang ba?!




“Mae!”

Basta na lang bumalikwas sa pagkakahiga ang babae saka mabilis na tumakbo sa banyo para dumuwal at magsuka nang tuluyan. Araw-araw na siyang ganito. Pakiramdam niya nga late na para sa morning sickness pero normal naman daw ito sabi ng doktor.

Ika-sampung linggo na ang pagbubuntis ni Maeluthe at naging kampante na siya sa sitwasyon.

Swerte nang maituturing na kasama niya si Ashley nang humirap na ang sitwasyon. Labis niyang ipinagpapasalamat na tunay siyang nasusuportahan ng babae habang nagtatrabaho siya sa opisina rin nito.

Sunod niyang naramdaman ang sunod-sunod na paghagod ni Ashley sa likod niya. “Okay ka lang ba?”

Nang matapos, madali itong naghilamos bago harapin ang nag-aalalang babae. “I am fine. Nasanay na ako.”

Ngumisi nang malaki si Ashley, pagkatapos nagtipa sa cellphone. “Wash yourself. Ako na muna ang bahala rito. Magpapa-deliver na muna ako ng breakfast so you don’t need to worry.”

Iginiya pa siya ng babae sa pagpasok sa banyo. Nasanay na ang dalawang magkasama at nakapagpalagayan na rin ng loob.

Nagclick talaga ang dalawa bilang magkaibigan lalo pa’t silang dalawa na lang palagi ang nagkikita.

“Pasensya ka na talaga sa abala, Ash.”

Tinaasan lang siya ng kilay ni Ashley at pinapasok na. “I love babies but I didn't expect na ganito kahirap. So, I still don’t plan on having a baby. In fact, baka patayin pa ako ng Kuya ko.”

Kuya ni Ashley. . . matagal nang binabangit ng babae ang kuya nito pero hindi niya man lang naitatanong kung ano ang ginagawa at kung nasaan.

Ashley Hernandez lives alone kaya nakapagtatakang hindi man lang siya binibisita ng kapatid. Gustuhin man niya magtanong ay tinikom na lang nito ang bibig.

Nang matapos, tinapi nito ang tuwalya at naghanap na ng damit. Wala na si Ashley sa kwarto kaya paniguradong inaasikaso na nito ng almusal nilang dalawa.

Usually, siya ang nagpe-prepare ng almusal nilang dalawa kaya lang may mga araw na hindi niya magawang makakilos.

Katatapos niya pa lang magbihis nang tumunog ang cellphone nito, it was a call from Brylle.

Makulit talaga! Ilang beses niya na itong sinasabihang huwag nang tumawag at idiretso na kay Ashley ang sasabihin.

“Ano ba?” singhal niya rito. “Sinabi ko ng kay Ashley ka lang tatawag–”

“I can’t reached her,” deretso nitong sagot. “Kaya nga ako tumawag to ask. Where is she?”

“Anong sasabihin mo? Importante ba? Pwede ko namang sabihin. May inaasikaso lang siya sa labas.”

Suot ang isang lacy dress, tinungo na nila ang living area ng bahay. Mas gusto niya ang mga ganitong uri ng damit dahil mas dumalas ang init na nararamdaman niya. She feels comfortable lalo na kapag kinukuskos nito ang kamay sa tela noon.

“I’m on my way there. Susunduin ko siya.”

Nang ibaba nito ang tawag panandalian pa itong nagpangisi-ngisi. Mahal na mahal ng lalaking iyon si Ashley. They really deserve each other.

“Kuya, you can’t stay here this long. May kasama ako and she’s very sensitive to–Sebastian! Bumaba ka nga r'yan! Napakabaho mo, tumapat ka pa sa aircon!”

Mas binilisan ni Maeluthe ang paglakad para sana batiin ang kapatid ni Ashley. Napakabuti ng babae sakanya at hindi nito alam kung paano makakabawi. Dapat lang na magpakilala siya sa mga kapamilya nito. Nakakahiya nga lang dahil hindi siya nakapaghanda ng agahan.

“Mae! I’m really sorry, hindi ko alam na pupunta ‘tong mga damuhong ‘to.”

Sinubukan nitong lakihan ang pagngisi kahit labis pang sumasakit ang tyan. “No worries, Ash.”

Hinarap nito ang sinasabing kapatid, doon pa lang nito napagtantong may iilang mga lalaki ang nasa sala. “Hello! I am Mae–"

“Miss Legson?!” hindi makapaniwalang gagad ni Kairus. Hindi nila inasahang sa tinagal-tagal nang paghahanap nila sa babae ay dito lang pala nila ito makikita.

Nagpakurap-kurap naman sa harap nito si Mae. Hinahalukay ang isip kung saan nga ba nakita ang pamilyar na lalaking moreno at may kahabaan na ang buhok.

“Maeluthe? Uy! Maeluthe!”

Binalingan naman nito ang lalaking natatarantang lumapit sakanya galing sa tapat mismo ng aircon. “Baste?”

Nagmistulang may dumaang anghel sa lugar na iyon nang tuluyang lumabas si Isiaah mula sa banyong katabi ng kusina. Wala itong naririnig sa loob kaya ganoon na lang ang gulat nito nang makitang nasa harapan mismo ang babaeng ilang araw na rin nilang hinahanap.

Ramdam na ramdam naman ni Maeluthe ang malakas at mabagal na pagkabog ng dibdib, sumasabay sa bawat segundo.

Sa pagkakataong iyon, hindi mawari ni Isiaah at Maeluthe ang gagawin. Basta lang silang nakatingin sa isa’t isa habang pinakikiramdaman ang nagwawalang mga puso.

Si Baste at Kairus ay nag-aalala na para sa kaibigan samantalang si Ashley naman ay marami pa ring tanong sa isipan.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon