His Virgin 20

5.7K 177 11
                                    

Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya, basta namalayan na lang nitong nakasakay na siya sa isang sasakyan kasama si Ashley at ang mga kaibigan pati na si Isiaah.

Hindi siya makapaniwala sa mga ito. Basta na lang silang magpaplano sa pag-alis kahit walang mga damit na hawak. Ang sabi ng mga ito, dadaan na lang muna sa mall para makabili.

Napanganga na lang si Maeluthe. Iba talaga kapag maraming pera, sabi niya sa sarili. Having money can give you anything you like. Kapag mayroon kang sapat na pera palagi, hindi na magiging mahirap na tustusan ang mga kailangan mo sa pag-aaral.

Kung mayroon lang na sapat na pera ang babae, hinding-hindi na nito kakailanganin pang humingi ng tulong sa iba. Hindi na niya kailangang gawin ang mga katakot-takot na mga bagay para lang makapag-aral. Hindi na siya kailangang paalisin sa inuupahang bahay.

Tunay na mahirap ang buhay kapag wala o hindi sapat ang pera.

Inukupa niya ang kaliwang upuan sa tabi ni Ashley. Pantatlong tao iyon kaya paniguradong sa kanan nito uupo si Brylle.

Pasimple naman nitong hinanap si Isiaah, naroon ito sa passenger seat, katabi ang kaibigang si Baste.

Napaka-awkward ng nangyayari kaya lang, wala namam siyang ibang magagawa kundi ang pagbigyan si Ashley.

The car drive was smooth pero hindi nakaka-boring. Ni hindi nga nito nagawang makaidlip man lang sa sobrang ingay ng mga lalaking paminsan-minsan ay sinasabayan din ni Ashley.

“Anyways, wala ba kayong pasok, Maeluthe?” Nahimigmigan niya ang boses ni Kairus kaya madali niya itong hinarap pagkatapos ay nginitian.

“Hindi na ako pumapasok,” sagot na lang nito.

“Really? Paano ‘yun? Sayang naman ng taon–”

“You dumb, of course she shouldn’t do it,” pasigaw na sagot ni Ashley sa lalaking pinutol niya pa ang pagsasalita. “She became really sensitive lalo na ngayong buwan so kailangan niyang mas alagaan ang sarili niya.”

Hindi na sumagot ang babae. Sa halip ay isinandal nito ang ulo sa bintana at pumikit. Maganda rin namang ideya na umalia sila’t makapaglibang. Makakabuti rin sakanya ang simoy ng hangin at amoy ng dagat.

Nang tuluyang makatulog si Maeluthe kahit pa hindi ganoon kaayos ang puwesto nito sa likuran, doon na nagsimulang kumilos si Isiaah.

“Stop the car, Baste, please.” utos nito sa kaibigan. Hindi na rin naman nagdalawang-isip pa ang lalaki.

“Why? What’s wrong? Nasiraan ba tayo?” sunod-sunod ang naging tanong ni Ashley. Bukod kasi sa hindi magandang tumirik ang sasakyan nila kung saan, nag-aalala ito kay Maeluthe.

“Nope,” Kairus said, popping the letter ‘p’. “Pero si Isiaah ang masisiraan kapag hindi pa siya kumilos,” tapat na paliwanag niya sa kapatid.

Hindi iyon kaagad na nakuha ni Ashley. Kung hindi pa nakisuyo si Isiaah na makipagpalit ng upuan, para maging magkatabi ang dalawa ay hindi pa maghihinala ang babae.

“What the fuck is going on?” Alam niyang wala siyang makukuhang sagot sa mga lalaki kaya ang kapatid niyang si Kairus ang binalingan nito. “Kuya?”

“It’s a long story, Ash, and it’s obviously not our business.”

Lumipat si Kairus sa tabi ni Baste samantalang lumipat naman si Brylle at Ashley sa hilerang datjng puwesto ng kapatid. Ilang minuto lang ay balik na sa pag-arangkada ang sasakyan habang mariin pa ring inaanalisa ni Isiaah kung paano nito marahil natutulungan ang babaeng makakuha nang maayos na tulog.

Taranta siya sa bawat kilos. Hindi niya alam kung ano ang tama at dapat gawin. Hindi naman nito pupwedeng hayaang gawing unan ni Maeluthe ang hita niya sa takot nitong baka maipit ang bata.

Sa huli, isinandal na lang nito ang ulo ng babae sa braso niya. He seriously have no knowledge about this. Naging last resort na nito ang pagtipa sa cellphone at paghahanap ng mga impormasyon sa kung anong pupwede nitong gawin.

Ipinapangako nito sa sariling babawi siya sa babae. Alam niyang magiging mahirap ang pagbawi ng loob nito pero handa na siyang sumugal ngayon. Hindi pa huli ang lahat.

Ilang beses namang nagpakurap-kurap si Maeluthe nang magising siya mula sa maiksing tulog. Ganoon na lang ang gulat nito dahil nagulo ang ayos ng mga tao sa sasakyan at mismong si Isiaah na ang katabi niya. Maayos pang na nakasandal ang ulo niya sa balikat ng lalaki.

Marahan at maingat siyang nag-ayos ng tayo saka napabaling sa nakabukas pang cellphone ng binata. He was at the page about “taking care of pregnant woman”, samantalang kunot pa rin ang noo nito kahit natutulog.

Hindi mapigilang mapangiti ni Maeluthe. He's still the same as Isiaah she met. Lagpas man sa isang buwan silang hindi nagkita, nagkaroon man ang alitan, nakatutuwa pa ring makita ang lalaking nag-aalala para sakanya.

Palagi pa rin nitong hinihiling na sana’y maramdaman niya itong muli.

“Matutunaw ‘yan, Mae.”

Napadarag siya biglaang pagsasalita ni Ashley na kanina pa pala nakatingin sakanya pati na ang mga kasama niya.

Gusto pa niyang itago ang mukha, magmaang-maangan at magpatay malisya pero masyado nang obvious ang lahat.

“I can’t believe na pinagsalitaan ka ng gano’n ni Isiaah,” gulat pa ring sabi ni Brylle, hindi makapaniwala sa ngayon-ngayon lang nakumpirma.

“Me too!” pagsang-ayon naman ni Ashley. “I mean, let’s admit it, Isai's the kindest one here–”

“Pag-isipan mo ‘yang nga sinasabi mo, Ashley, ha.” Animo’y puno ng pagbabanta ang pagkakasabi noon ni Kairus na ikinatawa ng lahat.

“Naglolokohan pa kayo,” birada naman ni Baste. “Ako kaya!”

Doon lang napansin ni Maeluthe na tuluyan na ngang huminto ang sasakyan nila’t nakarating na sa lugar. Sa labas pa lang ay makikita mo na ang payapang dagat, mas lalo lang tuloy siyang na-excite.

Nagsimulang magsibabaan ang mga kasama niya nang hindi man lang ginigising si Isiaah. Wala tuloy ibang magawa si Maeluthe kundi ang mahuli, nagdadalawang-isip pa kung gigisingin nito ang lalaki.

She was hesitant at first. Labis kasi siyang naiilang sa lalaki.

Ang totoo, hindi niya alam kung ano ang maaaring sabihin matapos siyang paalisin nito.

“I want you out of my life.”

Hinding-hindi makakalimutan ni Maeluthe ang mga salitang sinabi ng lalaki sakanya.

Sa kung paano siya nito ipinagtulakan palayo pati na ang pang-aakusa.

Patagal nang patagal ay mas naiisip niyang mabuti na muna siguro ang ganito. Iyong hindi sila magkaaway sa harap ng karamihan pero hindi rin naman sila magkaibigan. Pakiramdam niya ay mas magiging payapa kung ganito lang.

Sa huli, nagawa lang itabing ng babae ang ulo ng lalaki sa ibang direksyon para mas mabigyan siya ng daan palabas. Everyone’s waiting for them. Kahit pa ang mga lalaking kasama ay nag-aabang sa kung anong aksyon ang una niyang ibibigay kay Isiaah.

This is so wrong. Malinaw na sinabi ng lalaki, malinaw nitong narinig na hindi na dapat siya manatili sa buhay ng lalaki.

Nakakatawang kahit pa ilang beses niya rin itong iniwasan, bumabagsak pa rin siya sa harap ng lalaki.

Nakatayo na si Maeluthe at handa na sa pagbaba nang maramdaman nito ang marahang paghawak ni Isiaah sa kanang braso niya.

May pagod sa mga mata niya itong tiningnan pero nakapikit lang ang lalaki.

Hindi rin biro ang napagdaan ng dalawa. Mahirap na para nilang kinakalaban ang sarili dahil hindi nagagawang magkasundo ng utak at mga puso nito.

“Isiaah. . .”

“‘Wag. . .” pabulong lang na sabi ng lalaki. Sapat na para si Maeluthe lang ang makarinig. “D-Don’t leave me.”

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon