Sa ilang araw na pananatili ni Maeluthe sa ospital, simula noong magkamalay ang dalaga ay hindi man lang niya nagawang makita ang binata.
Labis na ang nararamdaman nitong pag-aalala. Si Isiaah ay hindi iyong tipo ng lalaki na mananahimik lang tuwing may problema o hindi naman kaya may bumabagabag sakanya.
Pinilit ni Maeluthe intindihin ang sitwasyon. Hindi pa nga nito napigilang isipin na baka nga tuluyan nang nakumbinsi ng ina si Isiaah na layuan siya nito.
Marahan nitong hinahaplos-haplos ang tiyan, paminsan-minsa’y kinakausap ang anak sa isip. Masaya itong nasa mabuti pa rin itong kalagayan kahit pa lubos na siyang pinag-iingat ng doktor ngayon. Kailangan niya na ring bantayan ang mga kinakain pati na ang ginagawa.
Pangiti-ngiting tinahak ni Maeluthe ang daan palabas ng ospital. Sinubukan na nitong tawagan si Isiaah pero hindi man lang nito nagagawang i-on ang cellphone.
Nagtataka man kung bakit, hindi na rin nagawang mag-isip pa ng kung ano-ano ng babae, dahil na rin siguro sa panghihina.
Pagkalakas ay mabilis itong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay mismo ng kasintahan.
This is very unlike him, Maeluthe thought. Hindi naman masama ang loob niya sa hindi pagbisita ng lalaki. Hindi niya lang kasi mapigilang mag-alala lalo pa’t hindi man lang ito nagre-reply sa kanyang mga mensahe.
Inabot ng isang oras ang byahe bago ito makauwi. Dahan-dahan nitong pinihit ang bukas na unit ni Isiaah. Nakapasok na ito sa loob ngunit wala pa rin ni anino ng lalaki siyang nakikita.
What’s wrong with him?
“Isiaah, nandito ka ba?” Walang sagot. Pinihit niya ang lakad para tingnan kung naroon ang sapatos ng binata at kumpleto naman iyon.
Mabilis nitong tinungo ang kwarto nito at nadatnan na prenteng nakahiga ang lalaki. So this is what his doing all this time? Ni hindi man lang niya ako sinundo?
“I’m okay now. Kumain ka na ba?”
Bigla niyang inalala ang nakasanayang hindi pagkain ng lalaki. Ayon dito, ngayon na lang siyang muli nakakain ng kompletong beses sa isang araw noong nakasama niya ako.
Walang ganang umupo si Isiaah sa higaan dahilan para mariin itong titigan ni Maeluthe. “Are you sick?”
Mabilis niya itong nilapitan at dinampian ng kamay ang noo na kaagad ding inalis ng lalaki. “Anong problema? Hindi ba kayo nagkita ng mommy mo? Kumakain ka ba nang maayos?”
Walang sagot.
“Isiaah, naman. Talk to me. Sabihin mo sa akin ‘yung problema. Hindi ka naman nilalagnat pero–”
“You’re pregnant.”
Sa pagkakataong ito, si Maeluthe naman ang natahimik. Nabigla ito sa parang punyal na salita.
Sasabihin naman talaga niya kay Isiaah ang bagay na iyan at wala siyang planong itago. Ang kanya lang ay nag-aantay sana siya ng tamang panahon.
She doesn't want for Isiaah to feel responsible. Kakakilala pa lang nila noon at kung bigla siyang susulpot para sabihin ang totoo, hindi magiging epektibo ang relasyon nilang dalawa dahil wala silang nararamdaman para sa isa't isa. Ayaw niyang piliin siya ng lalaki dahil lang sa anak nilang dalawa.
Ngayon pa lang nila naayos ang lahat, ngayon pa lang naging malinaw sa mga ito ang relasyon.
Hindi niya tuloy alam kung kanino marahil ibabagsak ang sisi. Kung sino marahil ang nagsabi ng bagay na iyon sa lalaki.
“Leave,” walang kaemo-emosyong gagad ng lalaking nasa harapan niya. Tuluyang nilusob ng takot si Maeluthe. Saan siya marahil magsisimula? Paano niya magagawang sabihin nang tuluyan ang lahat sa lalaki?
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...