Hindi na kuntento sa mga nalaman si Isiaah kahit pa punong-puno na ito ng pagsisisi. Anong ginawa niya? Anong masasakit na salita ang nasabi niya sa babaeng. . . nagsasabi naman pala ng totoo, all along?
“Alam mo? Hindi ko alam kung bakit umasa pa ako, Mae. I really thought you were different.”
“Love is dumb. Hindi ko lang matanggap na sa dinami-rami ng tao, ikaw pa ang manggagago sa akin.”
“Lumapit ka lang ba sa akin para may umako ng anak mo?”
“Leave. I want you out of my life.”
Hindi na niya pinalagpas ang pagtingin sa CCTV. Paano nangyari ang lahat at wala siya ni isang maalala? Habangbuhay siyang babagabagin ng nangyari.
“Eto, Kuya, January 14. This is around 11:26 pm,” panimulang sabi ni MJ. Kahit siya ay nagtataka sa ginagawa nilang dalawa pero minabuti niyang huwag nang magtanong. Ngayon lang niya nakitang parang takot na takot si Isiaah, na parang may hindi ito inaasahang mangyari.
Isiaah is his role model. Kaya na rin naging confident siya sa pagtataguyod ng ganitong business ay dahil na rin sa mga payo at words of encouragement ni Isiaah. He’s always fearless, palaging motivated. Kaya naman kahit siya ay nabagabag sa mga ikinikilos ng lalaki ngayon.
Hindi na nagsalitang muli si Isiaah. Dikit na ang paningin nito sa screen nang magplay nang tuluyan ang clip na nasa harapan nila.
May katagalan pa silang nag-antay bago lumabas ang isang babae at lalaki sa camera. Simpleng blouse at pantalon ang suot ng babaeng may hawak pang bag na mayroong kalakihan. Samantalang hindi naman na halos makatayo’t makalakad ang lalaking nakadepende na rito.
Totoo nga ang sinabi ni MJ. Sa video, makikitang may parte ng damit ng babae ang basa kaya ipinagpalagay na ni Isiaah na suka nga iyon. Really? What the fuck is wrong with me?
“Ito naman iyong kuha mismo sa counter–”
“M-Maeluthe. . .”
Ngayon, hindi na siya pupwedeng lokohin ng mga mata. Sigurado siya sa nakikita, may kalabuan man ang videong iyon, kitang-kita niya ang babae. Pamilyar na pamilyar ang lahat pati na ang pagkilos nito. . . ang pag-aayos ng buhok, ang maingat na paghawak sakanya.
Hindi niya na napigilan ang nakasusulasok na pagsakit ng puso. Maeluthe is really telling me the truth all along.
Talagang magkakaroon nga kami ng anak. . .
Totoo ngang ako ang ama ng dinadala niya.
Maigi siyang nagpasalamat kay MJ saka walang ganang umakyat sa kwartong kinuha. Para itong nakalutang. Nagawa nang pumasok sakanya ng lahat pero para bang napakahirap pa rin noong tanggapin.
Nginisian siya ng babaeng hindi niya man lang alam ang pangalan nang makapasok siya sa kwarto. Kaagad itong lumapit at inabot ang mga labi niya para sa isang mainit sanang halik.
Pero mariin lang ang naging pagpigil dito ni Isiaah. Hindi niya dapat ginagawa ito. Hindi niya pa kayang lunukin ang lahat pero malinaw na hindi niya dapat ito ginagawa.
“Isiaah—”
“I’ll take you home. . .”
Namewang ang babae sa harapan nito pero hindi niya man lang magawang tingnan. Kahit pa dilat ang mga mata niya, iba pa ring sitwasyon ang nakikita niya. . . iba pa ring tao.
“What are you talking about?”
Masuyo nitong tiningnan ang babae saka hinalikan sa pisngi. “I want to go home. I don’t feel well.”

BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...