His Virgin 8

6.3K 179 10
                                    

Dahil hindi na maaaring lumiban si Isiaah sa trabaho sa araw na iyon, nagpresinta na si Maeluthe na siya na ang bahalang magbantay sa kaibigan nito.

Hindi halos inasahan ng dalaga na ang mga lalaking katulad ni Baste ay umuurong pa sa alak. Hindi ito makapaniwalang bagsak ngayon ang isang Sebastian Clarete dahil sa dami ng nainom.

Nang makaalis si Isiaah, nagtuloy-tuloy na siyang asikasuhin ang ngayong natutulong pang si Baste. Nagkataon naman kasing hapon lang ang pasok nito tuwing lunes, kaya marami pa siyang natitirang oras.

Nagluluto siya nang sopas para sana sa hangover nang nagising ang lalaki. Hindi sana ito papansinin ni Maeluthe kaya lang, narinig niya itong humihikbi.

May problema ito, sigurado siya roon. Ang mga lalaking katulad niya ay siguradong mas pipiliing lunurin ang sarili sa alak kaysa ang magkwento.

Dala ang sopas na niluto, kumuha ito ng canned beer sa refrigerator ni Isiaah saka tinungo si Baste na iniwan nila sa sofa.

Nang makita si Maeluthe, dali-dali nitong pinunas ang luha at umaktong matatag kahit pa parang nilalakumos ng kung ano ang puso niya.

"Miss Legson?" gulat na tanong nito.

Imbes na batiin, padarag na ibinaba ni Maeluthe ang beer na dala sa harap mismo ng lalaki saka mabilis na binuksan iyon. Siniguro niya ring hindi maiilang si Baste dahil may hawak din siyang isang lata ng beer. Hindi naman siya iinom lalo pa’t alam nitong makakasama iyon sa pagbubuntis. 

Nag-aalangan man, kinuha iyon ni Baste bago binigyan nang nagkukwestyong tanong ang babae.

"Alam kong hindi ka magsasalita tungkol sa problema mo kahit ilang beses pa kitang pilitin. Let me have a drink with you, Mr. Clarete," walang pagdadalawang-isip na sabi ni Maeluthe.

She just want to make Sebastian company. Hindi man niya mapapagaan ang loob nito dahil sa pagkukwento, atleast malalaman ng lalaking hindi nito kailangang solohin ang problema.

Hindi sanay si Mae sa bagay na iyon. Katunayan nga, wala talaga siyang naging tunay na kaibigan.

The truth is, in our lives, we don't need much. Hindi naman natin kailangan iyong napakaraming taong nakapalibot sa atin para makinig, para manatili. Sapat na iyong may isang taong magpaalalang hindi tayo nag-iisa.

Bahagyang ngumisi-ngisi si Baste pero hindi man lang iyon umabot sa mga mata.

Nagtataka man, ininda na lang iyon ni Maeluthe. Una niyang nakilala ang lalaki bilang napakamasiyahin kaya nakakapanibagong malungkot na Sebastian Clarete ang kaharap nito ngayon.

"She's back. . ." wala sa sariling sabi ni Baste. Nilalaro nito ang kutsarang hawak bago binalingan ang babaeng prenteng kumakain ng sopas sa harap nito. "The woman I love."

Nanatiling tahimik si Maeluthe. Ano ba marahil ang gagawin niya sa lalaki? Ni hindi nito alam kung ano ang tamang mga salitang dapat lumabas sa bibig niya.

"May I ask," panimula nito dahilan para maibalik ang tingin ng lalaki sakanya. "Why do you seem so burdened about it?"

Humalakhak pang muli ang lalaki. Ilang segundong hindi iyon nagustuhan ng tainga niya. Why do they often do that? Bakit palagi nilang itinatago ang totoong nararamdaman?

"Hindi siya bumalik para sa akin, Attorney."

Bahagyang natigilan si Maeluthe. That was just so sad. Pinili na nitong itikom ang bibig at antayin na lang ang lalaki kung gustuhin man nitong magkwento.

"Hindi magandang pagkinggan ang nangyari sa amin. Since day one, I knew that the love was unrequited. My friend and her became together. Dapat doon pa lang tinanggap ko na ang sitwasyon. Hindi ba dapat awtomatikong tumigil na ako?" Tuloy-tuloy ang pag-inom ng lalaki sa beer na hawak.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon