His Virgin 25

5.4K 148 5
                                    

    Nakapamewang na Ashley na ang bumungad kay Maeluthe kinabukasan nang minabuti nilang bumalik na. Hindi rin naman kasi papayag ang babaeng magtagal si Isiaah roon lalo pa’t mapababayaan nito ang trabaho.

    Ang nangyari ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay niya. Being true to herself, being able to do what she wants—hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat.

    Hindi makapaniwala si Ashley na nakuha lang siyang tawanan ng babae. “What? Aren't you gonna tell me what’s happening? How come alam iyon nila Kuya? You've been so unfair to me, Mae!” pagmamaktol pa nito.

    Kaagad namang ibinaba ni Mae ang maliit na bag na dala saka umupo sa sofa na naroon. Matagal-tagal din ang naging pilitan ng magkasintahan dahil sa kagustuhan ni Isiaah na samahan pa siya paakyat.

    Mabuti nga’t nakumbinsi pa ito ng dalaga na hayaan na muna siyang kausapin din muna si Ashley para nakapagpaliwanag.

    “Come on, tell me.” pag-uusyoso pa ng kaibigan. “I wasn’t aware na luma-lovelife pala iyong Isai na iyon but I am happy for him.”

    “I’m sorry, Ash. Gusto ko sanang sabihin sa’yo kaya lang masyado pang magulo ang lahat. Hindi ko alam na magkikita pa kami ni Isiaah at plinano ko na ring akuin nang mag-isa ang bata, hindi ba?” tapat na sabi ni Maeluthe.

    Kaagad siyang tinabihan ni Ashley, mahigpit na niyakap. “I understand. You went through so much, Mae. Masaya ako para sainyo.”

    Naghalakhakan ang dalawa na labis namang pinahalagahan ni Mae. Hindi niya man hiniling na magkaroon pa ng kaibigang magagawa siyang damayan sa lahat, nakilala niya si Ashley na gagawin din ang lahat-lahat para sakanya, para maalagaan hindi lang siya kundi pati na ang anak na nasa sinapupunan.

    “Kayo ni Brylle, kailan?” pangungulit ni Maeluthe nang mas lumalim ang usapan.

    Mabilis namang ngumuso si Ashley bago umikot ang mga mata. “No way! Mapapatay siya ni Kuya Kairus.”

    Bahagyang sumeryoso ang mukha ng dalawa lalo na si Maeluthe. Come to think of it, wala pa akong masyadong alam tungkol sa babae. “That will be your decision, Ash.”

    Nangingiti, tumango si Ashley. “I know. Pero nakasanayan ko na ring hingiin palagi ang decision ni Kuya. It's my choice. Kuya’s been so good to me. Alam ko namang nagiging OA lang siya because he wants to protect me, and I want it too. His my second love, first love ko naman si Dad.”

    Kaagad na nalambot ang puso ni Maeluthe dahil sa narinig. Siguro ay dahil na rin sa hindi niya nagawang maramdamang may kapatid, labis niya ring nami-miss ang ama.

    He was once his princess.

    “Salamat sa lahat ng naitulong mo, Ash, I won't forget. I wish you happiness.”

    Ilang minuto pa ang itinagal nang pagkukwentuhan ng dalawa, pagkatapos tinulungan pa ni Ashley ang babaeng makapag-impake.

    “Where’s Mae?” pambungad ni Isiaah pagkapasok na pagkapasok sa bahay ni Ashley.

    Nagpakawala nang malalim na hininga ang may-ari ng bahay sa inasal nito. “At kailan mo pa nalaman ang passcode ko?” singhal nito sa lalaking hindi man lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paghahanap sa kasintahan.

    Nasanay na rin si Ashley sa mga ito. Hindi na bago sakanya ang mga kababuyan at kawalang-hiyaan ng mga kaibigang lalaki. It is actually okay for her basta ba masaya si Kairus kasama ang mga ito.

    Wala naman itong ibang gusto para sa kapatid kundi ang sumaya, kahit pa hindi matapos-tapis ang problema nito.

    “Hoy, Isaw! Napakawalang-modo mo talaga!” sigaw na rito bago bulabugin ang ngayong naglalambingan ng lovebirds. “‘Wag nga kayo sa bahay ko maglandian!”

    Pagkatapos nang hindi matapos-tapos na kapapasalamat ni Maeluthe, natuloy rin ang dalawa sa loob ng sasakyan ni Isiaah. Bitbit na nila ang kaonting gamit ng babae at hindi mapapantayan ng kahit na ano ang kasiyahang nararamdaman ni Isiaah.

    Ang sabi nila, hindi raw tuluyang mapapasaiyo ang isang bagay kapag sa madaling panahon mo ito nakuha o nakamit. Gusto niyang patunayang mali ang lahat ng iyon. Hindi nasusukat ng oras, kung gaano kahaba o kaiksi ang tinagal ng relasyon, ng pagkakakilala ng mga tao para sumuko at tumigil.

   Hindi at hinding-hindi magiging ganoon ang relasyon nila ni Maeluthe.

    Mahigpit ang kapit ng babae kay Isiaah bago magsalita. Halo-halo ang pakiramdam nito—nagugutom, nahihilo, kinakababan kahit pa walang dahilan, masaya.

    Bago mawala ang ina, nakausap niya pa ito. She wished her to find her happiness. Hindi pa man maintindihan ni Maeluthe ang rason sa mga salitang iyon, alam niyang ibubuhos nito ang mga susunod na oras para magpasalamat sa mga magulang.

    For loving her. . . for guiding her all throughout and for granting their wish for her.

    Iniisip niyang kinausap ng mga magulang ang Panginoon, humiling na sana bigyan siya ng taong makakaintindi at magmamahal katulad ng ginawa ng mga magulang niya.

    Habangbuhay niya iyong ipagpasalamat.

    “Where are we going?” pagtatanong ni Maeluthe. Bahagya nitong ipinilig ang ulo upang maalis ang mga naiisip. Tuloy-tuloy na rin ang panunubig ng bagang niya dahil sa mga pagkaing nakikita sa cellphone.

    Gamit ang kaliwang kamay sa pagmamaneho, mahigpit na hinawakan ni Isiaah ang mga kamay ni Maeluthe gamit ang kanan. Marahan niya iyong pinipisil-pisil at hinahaplos. “You’ll meet them.”

    “Them?”

    “My parents.”

    Parang may start button sa utak niya’t segundo pa lang matapos iyong marinig ay naghuhumahog na sa pagtakbo ang mga kabayo sa loob niya, sobrang bilis ng tibok ng puso nito.

    “Tatlong milyon. . . ‘wag na ‘wag ka nang lalapit sa anak ko.”

    Parang mga bombang isa-isang sumasabog ang mga salitang iyan sa likod ng isip ng babae. For a moment, she was scared. Paano na lang kung makatanggap na naman siyang muli ng nakasasakit na mga salita tungkol sa ginang? Wala siyang maipagmamalaki. Wala siyang kahit na ano sa ngayon maliban sa anak na nasa sinapupunan pa lamang.

    “Leave my child alone, Miss Legson. Do that. . . habang maayos pa akong nakikipag-usap sa’yo.”

    Agad din namang nahinto ang kung ano-anong mga naiisip nang maramdaman ang pagtigil ng sasakyan. Mabilis niyang hinarap si Isiaah na kaagad din siyang hinalikan sa noo, pinapakalma.

    “Kinakabahan ka ba?”

    Maeluthe honestly nodded. Wala naman kasing mangyayari kung pepekein niya pa ang nararamdaman ngayon. “Natatakot ako. Isiaah, walang-wala ako kumpara sa mga babaeng nakapalibot sa’yo. Wala akong maipagmamalaki, wala akong maikukwento. Wala akong maibibigay. I have nothing to give, to raise or pursue–”

    “You have one,” pagpapatigil sakanya ng lalaki na kaagad din niyang kwinestyon. “You have me. You have my heart. Gusto kitang ipakilala sa mga magulang ko para maipagmalaki ka, hindi para kunin ang opinyon nila tungkol sa relasyon natin. I won't let them touch, ruin, or hurt you. Hindi mo rin kailangang ipilit ang lahat ng makakaya mo para lang magustuhan nila.”

    Tumigil si Isiaah sa pagsasalita saka pinupog ng halik ang kamay ni Maeluthe, doon pa lang ay halos malusaw na ang babae. Alam na alam talaga ng lalaki kung paano siya nito paulit-ulit na makukuha. “They will, eventually. You're the most amazing woman in the world.”

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon