His Virgin 27

5.1K 166 6
                                    

    Mahal ko talaga siya. At araw-araw ata akong tine-test ng pagmamahal na iyon.

    Hindi niyo lang alam kung gaano ako kinakabahan dahil sa palapit nang palapit na panganganak ni Maeluthe. Para akong iyong palaging sinisilaban ng apoy sa mga paa.

    At sa bawat araw na lumilipas hanggang sa kabuwanan na nito, walang ibang ginawa si Mae kundi ang pilitin akong gawin ang mga nakakatawang bagay. She needs it, gusto ko rin namang mapatawa ang babae kaya ginagawa ko rin ang lahat.

    In fact, hindi naman ito palaging buntis. We should just treasure the moment that we have. Iyan ang gustong-gusto ko palaging ikintal sa isip.

    Pero hindi ko naman kahit kailan naisip na ganito kahirap ang pagdadaanan!

    “Isai!” Dumagundong ang malakas na sigaw na iyon mula sa kwarto kaya halos liparin ko ang distansya ng mga iyon makapunta lang kay Maeluthe.

    “Ah, fuck! Ang sakit sobra!”

    Aligaga kong tiningnan ang sitwasyon ng babae pagkatapos ay sinalakay ng matinding panginginig dahil sa kaba. Agad akong nagtipa sa cellphone para tumawag sana ng ambulansya pati na kay Andrei.

    Patuloy ang pagdaing ng babae. Maski ako hindi ko na napigilan ang pagluha dahil sa takot at pagkaawa rito.

    “Mae, I’m sorry. . .” sambit ko pagkatapos ay sinikap na alalayan ang babae. “Bubuhatin kita. Halika.”

    Hindi sinunod ni Maeluthe ang sinabi ko. Pinili ko ang mag-antay hanggang sa maging handa ito sa paggalaw pero malakas na pagtawa lang niya ang natanggap ko.

    “It’s a prank!” sigaw nito na para bang nagbibiro lang sa mga kalaro. “You should’ve seen your face!”

    Hindi ito ang unang beses na ginawa niya ang bagay na iyan. In fact, this is the seventh time. At sa pitong beses na pagbibiro niya ay walang pag-aalinlangan akong naniniwala.

    Siguro ay napuno na rin ako sa babae kaya walang pagdadalawang-isip kong hinagis ang hawak kong cellphone kung saan.

    Ayos lang sa akin ang lahat ng pinagagawa niya at hindi ko gagawing magreklamo roon. Pero iyong gawin niyang lokohan ang panganganak kahit pa alam kong sobrang delikado noon? This is just too much.

    Ilang gabi na akong hindi makatulog nang maayos dahil sa sobrang kaba dahil sa kabuwanan ng babae, pagkatapos sakanya ay parang laro lang ang lahat.

    I can’t even dare to see her in pain.

    Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon at dumeretso sa veranda. Tanghaling tapat at ginusto kong magpahangin.

    Hindi ko naman siya pwedeng pagsabihan dahil alam ko na ang mangyayari. Hindi ko rin siya pwedeng patigilin sa ginagawa because that will cause her tears.

    Paulit-ulit akong bumuntong-hininga. Ni hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin iyon para may mapagtawanan.
   
    Galit lang ang sumalakay sa sistema ko. Hindi ko na rin siguro kinaya dahil nagkasabay-sabay na sa isipan ko ang lahat.

    Dali-dali kong kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas sa bahay. Bahala na kung saan man ako pwedeng magpunta. Kailangan ko lang linisin ang mga naiisip. I don’t want to face her na ganito pa rin ako kagalit.

    “Kuya!”

    Tahimik kong tinanguan si MJ at nagdere-deretso sa pagpasok sa hotel na pagmamay-ari nito.

    “What’s with the long face? Ngayon ka na lang ulit nagkaganyan, ha?” tanong pa nito.

    Iniwas ko na lang ang tingin sa lalaki saka ibinulong sa sarili ang sagot “Of course, ngayon na lang ulit.”

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon