Parang sumakay sa ferris wheel ng sampung beses si Maeluthe agkagising na pagkagising kinaumagahan dahil sa matinding pagbaliktad ng tiyan.
Nararatanta itong tumakbo papunta sa banyo bago pa ako tuluyang magsuka.
It wasn’t a great day, Maeluthe thought. Walang gana nitong kinuha tissue sa tabi at marahang nilinis ang sarili.
Hindi katulad ng nakasanayan, wala si Ashley ngayong umaga dahil nauna na ito sa pagbalik. Kailangan na kasi ito sa shoot ng bagong cosmetics na ilalabas nila ngayong buwan.
Hindi na rin siya isinama ni Ashley kahit pa nagpumilit ito dahil wala raw magbabantay sakanya pagdating sa bahay.
Ngayon tuloy, hindi niya halos alam ang gagawin. Pabago-bago kasi ang sakit na nararamdaman niya tuwing umaga. Madalas ang pagsakit ng ulo at tyan pero paminsan-minsa’y pagsakit ng katawan at labis na pamamanhid ng paa ang nararamdaman nito.
Akmang susubukan na nito ang pagtayo nang biglang marinig ang pagbukas ng pinto kasabay ng mabilis na pagtakbo ni Isiaah papunta sakanya.
Sinalakay ng kaba ang lalaki nang makitang nakaupo mismo si Maeluthe sa lapag ng banyo at hinang-hina dahil na rin sa pagsusuka.
Kaagad na kinarga ni Isiaah ang babae, walang ano-ano’y inilapag muli sa higaan bago kumuha ng mainit na tubig at maliit na palanggana.
Hindi niya alam ang gagawin. Nakakatawa man pero gusto na niyang buhatin ang babae at dalhin ito sa ospital sa sobrang pag-aalala.
“W-What. . . are you doing?”
Hindi nito nagawang sagutin si Maeluthe. Sa halip ay mas binilisan niya ang pagkuha at umupo sa tapat mismo ng babae at marahang pinunasan ang braso nito.
Labis na ikinabigla ni Maeluthe iyon, kating-kati siyang hawakan ang dibdib na animo’y may nagwawalang higante sa loob.
Mas mahirap na tiising huwag yakapin si Isiaah, sabi nito sa isip.
Habang tinitingnan ang maingat na paghaplos ng lalaki sa braso niya gamit ang basang bimpo na may katatamtamang init ay para siyang lumilipad sa galak.
Kung pwede lang akong maging selfish, kung pwede lang na sarili ko ang unahin sa pagkakataong ito ay pipiliin ko ang lalaki kahit pa masisira ko lang ang buhay niya.
Palagi niyang pinaaalala sa sarili na Isiaah’s just too good for her. May stable na itong buhay, nagagawa na ang lahat ng gustuhin, may maipagmamalaki at mailalaban sa lahat.
Kahit hindi niya ugaling kaawaan ang sarili ay madalas niya itong ikininumpara sa binata. Palagi siyang talo, palagi siyang walang laban.
Para sakanya, si Isiaah ay parang isang buwan. Tinitingala ng lahat maging siya, kumikininang, kung titingnan mula sa baba ay maliit lang pero hindi niya magagawang tawaging sakanya, hindi niya magagawang angkinin.
Bahagya niyang pinilig ang ulo, masyado na namang tumataas ang pangarap niya. Natawa na lang ito sa sarili.
“I am fine now,” sabi ni Maeluthe kahit ramdam na ramdam pa rin ang pamamanhid ng mga paa.
She doesn't want any physical contact mula sa lalaki. Pinanghihinaan ito ng loob. Kapag nakikita niya ito ay gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi.
“Let me do this for you,” kalmadong gagad ni Isiaah, tuloy-tuloy lang ito sa pagpupunas ng braso pati na paa ng babae, paminsan-minsan ay pinipisil-pisil pa ito.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...