Epilogue

7.3K 159 10
                                    

    Maeluthe Legson’s point of view


    “On the charge of forcible confinement, how do you find?”

    “We find the defendant not guilty.”

    “On the charge of uttering death threats, how do you find?”
   
    “We find the defendant not guilty.”

    “On the charge of sexual assault, how do you find?”

    “We find the defendant not guilty.”

    “On the charge of assault and battery, how do you find?”

    “We find the defendant guilty.”

    “Alright. Thank you,” kalmado pa ring sabi ng judge, pagkatapos ay tinapos ang trial na iyon. He also set a date for the sentencing.

    Tinuloy-tuloy ko ang pag-aayos ng gamit dahil sa kating-kati na rin ang paa ko sa pag-uwi. Sobra-sobra na rin ang nararamdaman kong pagkagutom.

    In fact, inaantay na ako ni Isi at Isiaah sa napagkasunduang restaurant.

    “Teka, teka. Anong nangyari?”

    Mainit na ang ulo ko nang harapin si Mr. De Jesus. Tiningnan ko ito pagkatapos ay bumaling sa babaeng umiiyak sa gilid ng courtroom na iyon—he's wife.

    “You were acquitted on the three of the four charges, Mr. De Jesus.” 

    Sinubukan kong hindi na pansinin ang lalaki. Patagal nang patagal mas lalo lang akong nagsisisi sa labis na pagtatanggol dito. He's a jerk aftet all.

    “So how come they find me guilty on the fourth, Attorney?”

    Hawak ang malaking bag sa kabang kamay, nagsimula na akong maglakad palabas doon. Hindi ko na muli pang tiningnan ang babaeng umiiyak sa gilid.

    “Because you hit her,” simple kong gagad. “Magkita na lang tayo ulit for sentencing.”

    Hindi ito nagpatigil at talagang sumunod pa sa aking paglabas. “You think makukulong ako because of that?”

    I can't believe this man. Hindi niya pa rin ata maisip kung gaano kaseryoso ang sitwasyon ngayon.

    Marami na rin akong nakikilalang katulad niya. Shameless, thick-faced assholes. Sila iyong tipo ng taong kahit ganong gawin mo, kahit isampal mo pa sa pagmumukha ang mali ay wala silang magiging pakialam.

    They’ll exit the place na taas-noo at madaling makakalimutan ang nangyari without admitting their mistakes.

    “We’ll see about that.” Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa mag-ama. I’m on my way. Kakatapos lang.

    “Mapapatay ko talaga ang babaeng ‘yan kapag nakulong ako dahil sa kabaliwan niya,” sambit pa ng lalaking napakakapal talaga ng mukha.

    Matatalim na tingin ang ibinato ko rito bago nagsalita. “You do that, okay? Basta huwag na huwag mo akong kukunin ulit bilang abogado!”

    Kulang na lang takbuhin ko ang distansya ng corridor na iyon hanggang sa makalabas. Everything about this is very annoying! These kind of guys don’t deserve to live either.

    “Attorney!”

    “Wait, Attorney Jacinto!”
   
    Sa nagdaang limang taon, hindi naging selfish si Isiaah sa akin. Hindi niya ako nilimitahan sa kung ano man ang gusto kong gawin o hindi naman kaya paghigpitan, puwersahing manatili sa bahay para alagaan ang anak. Katunayan, siya pa itong parang baliw na sumigaw-sigaw nang makapagtapos ako. Siya pa itong parang baliw na tumalon-talon nang magawa kong maipasa ang board examination.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon