Isiaah Jacinto’s point of view
Life can really be a bitch sometimes—always rather. Hindi natin kahit kailan mahuhulaan kung ano ang sunod na mangyayari.
But I am the luckiest man alive.
Hindi man naging maayos ang buhay ko, I have a wonderful partner in life. A woman that is the bravest, the prettiest, kindest—my safest place.
Hindi ko alam kung anong klaseng Isiaah Jacinto ang makikilala ng lahat kung hindi ko siya nakilala. Kung hindi nangyari ang gabing iyon, kung hindi ko siya nakita.
This may be so impossible—iyong makahanap ng babaeng sasamahan ka sa lahat, sa success, sa failures, sa breakdowns. . . sa lahat ng hirap ng buhay.
A woman who is always there in the toughest day of my life.
Maeluthe Legson is my everything.
I don’t want to be cheesy, but it just so true and I can't help but fall in love with her more and more. . . everyday.
Seeing her waking up in the morning, brush her teeth, smile, take good care of herself and our child. Sobra-sobra na. Pakiramdam ko favorite ako ni Lord.
For the past five months, dumadaan din kami sa iba't ibang struggles, may mga level of difficulties pero lahat nagagawa naming lagpasan.
Araw-araw, I could see her in pain. Araw-araw siyang nahihirapan dahil sa pagbubuntis at wala akong ibang magawa to ease it. Kaya, pilit kong ipinapangako sa sarili kong gagawin ko rin ang lahat para sa pamilya.
Kung pwede nga lang kunin ko ang sakit, kung pwedeng ako ang magdala ay ginawa ko na.
She's so precious that I can’t bare to see her hurting.
My parents were very okay with her. Sa unang mga araw ay kinailangan niya pang patunayan ang sarili lalo na kay mommy pero hindi rin naman nagtagal iyon. Ngayon, silang dalawa na ang madalas magtulungan. My mom is taking good care of her na parang sarili niya na itong anak.
She deserves it. Kung kaya ko lang, buong mundo pa ang ibibigay ko sakanya.
Now, she’s eight months pregnant. Lahat na ata ng katawa-tawang bagay na hindi ko inaasahang magagawa ko sa buong buhay ko ay nagawa ko na.
Ang sumayaw-sayaw sa itaas ng mesa, kumanta sa kalsada ng lullaby, maghanap ng halo-halo sa gabi, kulayan ang buhok ng pink, magsuot ng patong-patong na damit sa summer, magbalat ng paborito niyang manga sa loob ng aparador, all those weirdest thing, ginawa ko nang lahat.
Inisip kong iyon na lang ang ambag ko sa pagbubuntis ng babae. I would gladly do all that to make her happy anyways.
Para sa akin, ang ikawalong buwan ang pinaka-critical na parte sa pagbubuntis ni Mae dahil araw-araw akong halos matanggalan ng hiniga sa sobrang kaba.
We've been very careful for the past months pero kailangan mas maging maingat kami ngayon. Hiwalay pa iyon sa sandamakmak na mga symptoms na nararamdaman ni Maeluthe.
She’s been experiencing leaky breasts, heartburn, shortness of breath, trouble in sleeping, mood changes lalo na ang discomfort dahil sa labis na malaki na ang tyan nito.
Hindi na rin ako pumasok sa trabaho dahil sa sobrang sensitive ng babae. Maya’t maya ang sakit, maya't maya ang pagdaing niya and I really feel sorry for her.But then, she has been really amazing.
Marami nang mga pagbabago ang nangyari sa babae pero padagdag lang nang padagdag ang nararamdaman ko para rito. It was as if it is always the first time.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...