His Virgin 6

6.9K 203 8
                                    

Kailangang maalis sa utak ni Maeluthe ang lahat ng nangyari. Nakakahiya, paulit-ulit nitong pagsigaw sa sarili. Lamunin na lang sana siya ng lupa o hindi naman kaya biglang mawalan ng malay sa loob ng limang araw. Iyon na lang ang naiisip nitong paraan para mawala ang kahihiyan.

Sinikap na nitong gawin ang lahat. Nagawa na nitong piliting makisabay sa tawanan ng mga kaibigan ni Isiaah, nagkwento at nakipagbiruan na siya sa mga ito. Ginawa na rin niyang lunurin ang sarili sa ganda ng lugar pero wala. Pagkatapos ng lahat ng effort niyang iyon, bumabalik lang nang bumabalik sa isip nito kung paanong nagmakaawa pa siya para lang maramdaman ang lalaki sa–she can’t bare to hear it.

“Pasensya ka na sa mga kaibigan ko, Maeluthe.”

He’s back again with the first name basis, she thought. Hindi nito alam kung bakit patuloy pa ring nanginginig ang tuhod niya.

Pilit nitong hinarap ang lalaki at pekeng naglabas ng tawa katulad ng kanina pa nitong ginagawa. “Actually, they are good type of people. Maswerte ka dahil may nga kaibigan kang katulad nila,” sabi ni Maeluthe sa mas seryosong boses.

Iyon naman talaga ang totoo niyang nararamdaman kanina pa. Katunayan, kinaiinggitan niya pa kung gaano kalapit ang mga lalaki sa isa’t isa. Nagawa nitong makilala si Baste, Andrei at Kairus na pawang mga maloloko pero alam mong maaasahan sa lahat.

Kairus Hernandez is the type of man na alam niyang passionate sa ginagawa. Hindi magiging sikat ang H&H Hotels sa Pilipinas maging sa ibang bansa kung hindi. Iyon ang sigurado niya. Isa pa, the guy was really blessed with his dark, serious, and cold stares. She already knew that he was sad pero katulad nga rin ng sinabi niya kay Isiaah, maswerte ito sa mga kaibigan.

Andrei Sager is a doctor. Hindi na nito kailangang sabihin pa iyon kay Maeluthe dahil sa tindig at pananalita pa lang nito ay nakumpirma na niya. Pero hindi katulad ng mga doktor na madalas niyang nakakausap o nakikita, Andrei is a chill type. Lahat ata ng lumalabas sa bibig nito ay totoo para may Maeluthe. He’s really intelligent.

While Sebastian Clarete, on the other hand, is the happy-go-lucky guy. Sa madaling pag-uusap ng mga ito kanina, natantya na ni Maeluthe kung gaano nito pilit na ine-enjoy ang buhay. She somehow envious of the guy. Alam niyang marami na itong natamo sa buhay, marami ng mga awards at kilala na sa bansa pero nananatili itong mapagkumbaba. Maloko ang lalaki pero ni minsan, hindi mo makikitang magdisrespect ng ibang tao lalong-lalo na sa mga nakakatanda sakanya.

“Indeed,” pagsang-ayon dito ng lalaki. Mabilis itong naupo sa maliit na bench na nadaanan. He patted the small space beside her bago tingnan si Maeluthe at niyayang maupo rin doon. “Nagkamalay ako, nandyan na si Baste. We were like half brothers. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha ng lalaking iyon, eh.”

Sabay na bumungkaras ng tawa ang dalawa. For once, they felt at ease. Wala na ang ilangan sa kanina lang na nangyari.

“Paano naman sila Kairus at Andrei? Where did you met them?”

Ngayong nakakuha na ng pagkakataong mailibot ni Maeluthe ang paningin sa buong parke, hindi na natigil ang pag-ikot ng ulo niya.

This place is beautiful. Dahil ata sa pagkukulong nito sa bahay nang mawala ang mga magulang, hindi na niya magawang maglibot-libot para sa sarili. What a pathetic life, Maeluthe.

“I met Drei nu’ng highschool. He was the geek type,” pagkukwento ng lalaki bago tumatawa. “And ako, hindi naman ako talagang matalino so everytime na siya ang kausap ko, sumasakit talaga ang ilong ko.”

Maeluthe just laughed hard because of that. Hindi ito makapaniwalang may mga ganito pa lang karanasan ang lalaki.

Mayamaya ay napangiti ito. The situation’s really perfect. It’s them, trying to get to know each other.

Napakaperpekto ng sitwasyong iyon at hindi na niya hihilinging tumigil pa. Masarap marinig ang boses ni Isiaah, sabi ni Maeluthe sa sarili. Kung mayroon man siyang gustong hilingin ngayon, sana ay mas matagal niya pang marinig ang mga kwento nito.

“That’s when I promised myself na hindi na ako lalapit kay Andrei. But then, wala, siguro masyado lang akong mabait at ako mismo ang lumalapit sakanya kapag nakikita ko siyang mag-isa. He’s a loner back then, not until we became friends,” pagtutuloy pa niya sa pagkukwento.

“I’m glad. . .” hindi na napigilan ni Maeluthe ang magsalita. Bigla nitong naramdaman ang pagiging emosyonal sa kwento nito. “Sana may ganiyan din akong kaibigan,” dagdag pa niya.

Ever since, ginusto na talaga nito ang makihalubilo sa tao pero iyon na mismo ang umiiwas sakanya. Nai-intimidate kasi ang mga ito kay Maeluthe. Sa tindig at tingin pa lang ng dalaga, sila na mismo ang gumigilid sa daraanan nito—kahit pa ang gusto lang naman niya ay makipagkaibigan.

Sa paglipas ng mga taon, nasanay na lang din siya. But that was before, noong buhay pa ang mga magulang nito. With her parents, maayos ang buhay niya. She doesn't, even once, felt alone. Kaya lang, noong nawala naman nang sabay ang dalawa, tuluyan nang tumigil ang mundo niya.

“Ngayon, marami ka nang magiging kaibigan,” matamang sabi ng katabi niya. “Masyadong marami ang makakausap mong mga tao, with the kind of job you have. In one day, nagkakaroon kami ng 1,000-2,000 costumers lalo na kapag weekends sa isang branch pa lang,” dagdag pa nito.

“Alam ko,” bahagyang napahalakhak ang babae. “Then that means we can be friends, too.”

That’ll be amazing. Totoong magigng maayos ang turingan ng dalawa kapag naging magkaibigan ito. Mawawala ang mga ilangan nararamdaman nila.

“Yes, we should do that,” pangungumbinsi pa nito sa sarili.

Nang mapansin ang matagal na pananahimik ng binata, madali niya itong hinarap. “Oh, bakit? Hindi ba pwede ‘yun dahil ikaw ang boss ko?”

Marahas ang sumunod na pag-iling ni Isiaah, “No! I mean–”

Kinunutan lang siya ng noo ng babae, nag-aantay sa susunod nitong sasabihin.

For the very first time in his life, ngayon lang kinabahan at nanghina ng dahil sa babae si Isiaah.

“–I don’t want to be friends with you. A-Ayaw kong maging magkaibigan lang tayo.”

Walang kontrol na lumabas sa bibig ni Maeluthe ang mahihinang pagtawa bago pa makita ang pagnguso ng lalaking kaharap. “Kaibigan lang?”

“Damn it,” ani Isiaah. Natataranta itong tumayo at napakamot sa ulo, hindi maitago ang nararamdamang hiya dahil sa sinabi. “It’s just that. . .”

Gawa ng sobrang galak, ginustong pigilan ni Maeluthe ang pagngiti dahilan para kagatin nito ang pang-ibabang labi.

Is this really happening? Talaga bang narinig ko iyong galing mismo sa bibig ni Isiaah?

“I told you. You should stop biting your lips dahil hindi ako–” Nanlalaki ang mga matang napahinto si Isiaah sa sinasabi dahil sa biglaang paglapat ng mga labi ni Maeluthe sa labi niya.

Sa gulat, nagawa na lang nitong tingnang tumakbo palayo ang babae habang labis ang paghalakhak. “This is great. I am really happy,” aniya sa sarili.

“Maeluthe Legson! You should give that kiss back! I’ll get you!” malakas pa nitong sigaw bago magpasyang habulin ang babae.

Natatakot man sa maaaring kahinatnan ng lahat, he’ll never regret that he’ll take the risk this time. Never.

“Mag-ingat ka baka madapat ka!” patuloy pa nitong sigaw sa babaeng tumatawa-tawa’t kumakaway pa sakanya.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon