Masakit ang ulo ni Isiaah nang gumising siya sa umagang iyon. Sanay na siya. Araw-araw sa loob ng isang buwan, imbes na masarap na almusal ang haharapin niya, nakakamatay na pagsakit lang ng ulo ang makukuha nito.
Alas onse na, ilang oras bago magtanghaling tapat ay dikit pa rin ang katawan nito sa higaan na parang walang trabahong nag-aantay.
Kapagkuwan ay dumagundong ang malakas na pagtunong ng cellphone nito. It was his brother, Josiah. Hindi na nito alam ang problema sa kapatid. It is very unlike him to call him everyday.
“What’s up?” pa-cool lang nitong gagad. Nakapikit pa rin ang mga mata habang pinakikiramdaman ang isip. He's getting tired of it.
“Hindi ka pumapasok, Isai.”
Hindi alam ng lalaki kung ano pa ang sasabihin o ibibigay na paliwanag sa kapatid. Hindi niya naman kasi sinasabi ang totoong rason kahit pa araw-araw na siyang kinukulit nito.
“If this is about Cyra, quit it! Bakit ka pa ba nagpapakatanga sa manlolokong babaeng ‘yun? Get a life, bud!”
Nagtuloy-tuloy lang si Isiaah sa pananahimik. Pakiramdam tuloy niya, ang boses ng kapatid ay maaari nang maging lullaby. Nakakaantok.
“Hindi ako papasok, Kuya. Kaya naman na nila Eri–”
“Where are you going?”
Sinikap na ng lalaki ang tumayo. Masyado na nitong pinababayaan ang sarili. Mahirap man ma-imagine pero nagawa nitong ubusin ang isang buwang nakahiga lang sa kama nito, at lalabas lang tuwing gabi.
Hindi na niya muling nakita si Maeluthe pagkatapos ng araw ng iyon. He actually tried to look for her. Hindi man nito magawang sagutin ang mga tawag at text ng babae ay sinubukan nitong magpunta sa University kung saan ito pumapasok pero wala na ni anino ng babae siyang nakita.
Hindi na ba siya pumapasok? Is she out of funds? Nasaan na siya ngayon? Should I call her? At ano namang sasabihin ko?
Nababaliw na siya sa paulit-ulit na mga tanong na iyon sa isip. Patagal nang patagal mas lalo lang nawawala sa kontrol niya ang lahat.
“At work.”
***
“Alam mo na ang akin,” deretsahang sabi nito sa baristang naroon nang makarating sa Sweet Heavens.
Hindi ito pumasok sa trabaho. Sa halip, katulad ng mga nakaraang araw, nagbilin na lang ulit ito sa sekretarya niya.
This will be the last day, pangungumbinsi niya sa isip. Hindi na siya ito.
He’s Isiaah Jacinto. He could get any girl that he wants kaya bakit ito magmumukmok sa bahay at nalulungkot para sa isang babaeng nagawa siyang paglihiman.
Pakiramdam niya ay niloko siya nito, pinagtaksilan.
Tapos na agad ang pagmumukmok niya, ito na ang huling gabi para roon.
“I am Isiaah Jacinto,” bulong pa nito sa sarili. Kahit pa ilang beses na niyang paikot-ikutin sa isip, naiinis pa rin siya roon.
“I know,” sambit ng babaeng hindi niya namawalang tumabi na sakanya. Inipit nito ang buhok sa likod ng tainga saka siya nginitian.
Hindi niya iyon inintindi, mas lalo lang lumalim ang pag-iisip. He’s the father of her child, my ass. Paano niya maipapaliwanag ang lahat? At kung oo man, hindi ba iyon ang dapat niyang gawin? Hindi ba, bukod sa kahit na ano pa mang bagay, kailangan niyang lumapit sa akin para ipaalam ang totoo?
“Wala ka bang ibang kasama?” gagad muli ng babae.
Walang naging sagot doon si Isiaah, kinuha lang nito ang baso’t ibinuhos sa bibig ang lahat ng laman noon—halo-halong malalakas na alak.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomansIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...