His Virgin 21

5.8K 176 3
                                    

    Malinaw na inisip na ni Maeluthe na kakayanin niyang mag-isa kasama ang bata sa sinapupunan. Plinano na nitong maigi ang lahat. Itataguyod niya ang anak sa abot ng kaniyang makakaya.

    Alam niyang mas magiging matatag siya para sa sarili at para sa anak.

    Pero habang patagal nang patagal niyang nakikita si Isiaah, paunti-onting lumulubog sa kumunoy ang mga kaisipang iyon.

    Mahirap ang sakripisyong gagawin. Bukod pa kasi sa pang-araw-araw na pamumuhay ay siguradong uulanin din ng kritisismo ang buhay nila. Wala sana siyang pakealam, not unless ang anak na mismo nito ang madadamay at maaapektuhan.

    Hinihiling niya ang tahimik na buhay para ito. Iyong tipo sana ng buhay na payapa at masaya. At kahit pa kasi malaki ang tiwala ng babae sa sarili, pilit pa rin nitong ginugustong makasama ang binata.

    She loves him, it was really given since day one. Hindi pa man malinaw sakanya kung kailan nagsimula ang araw-araw na paghiling na sana makita niya si Isiaah, na sana magkita muli sila pagkatapos ng gabing iyon, tapat na mismo siya sa nararamdaman.

    And as much as she wanted to be with him, hindi pa nito alam kung hanggang saan aabutin ang sinasabi niyang pagmamahal.

    Mayroong dalawang klase ng pagmamahal; ang pagmamahal na inilalaban, at ang pagmamahal na binibitawan.

    Sa pagkakataong ito, alam ni Maeluthe ang kagustuhan nitong lumaban. Hindi niya lang sigurado kung iyon din ba ang gusto ng lalaki. She doesn’t want him to feel responsible of the child. At kung iyon lang din naman ang dahilan kung bakit lalapitan siya ng lalaki ay maaaring hindi na lang nito ituloy.

    Pasimple nitong nilingon ang lalaking busy sa pakikipagkulitan sa mga kaibigan. Simula nang makarating sila sa resort na sinasabi ni Baste, walang ginawa si Maeluthe kundi panoorin ang mga ito. Madalas ding siya ang inaalagaan ng mga lalaki dahil sa sitwasyon pero ni minsan ay hindi na siyang muli nabalingan ng tingin ni Isiaah.

    “Isiaah! Isiaah!” Malakas ang naging pagsigaw ni Ashley nang tumapat sa lalaki ang dulo ng bote.

    Kanina pa nagsimula sa paglalaro ang nga kasama niya kaya wala siyang ibang choice kundi ang makisali. Kung hindi naman ay paniguradong kukulitin siya ni Ashley hanggang sa masira ang tainga niya.

    Sa pagkakataong ito, kay Isiaah natapat ang dulo noon kaya hindi magkamayaw ang mga kaibigan niya sa panunukso.

    Bahagyang sumimsim si Kairus sa hawak nitong alak bago nagsalita, “Truth or dare?”

    Malakas muling naghiwayan ang mga ito na akala mo’y mga bata, isa sa mga bagay na labis ikinangingiti ni Maeluthe.

    Maaaring huli na siya para magkaroon ng mga kaibigan pero masaya siyang kasama niya ang mga ito ngayon. Ashley is enough for her, pinagsama-sama pa ang mga lalaking sina Brylle, Kairus at Sebastian.

    “Come on! Hindi ba masyado na tayong matanda para rito?” dahilan pa ni Isiaah, halatang iniiwasang matapat sakanya ang bote.

    “Just choose! Truth or dare?” naiinip nang singhal ni Ashley.

    Bumuntong-hininga na lang si Isiaah, pagkatapos ay pasimpleng tiningnan si Maeluthe. “Truth.”

    Kanya-kanyang hiyawan ang mga kasama, pinakamalakas doon ang impit na tili ni Ashley at ang sigaw ni Baste. Wala namang ibang nagawa si Kairus sa gilid kundi tumawa-tawa.

    “We only have one question, we need to make it worthy,” ani Kairus na kaonting panahon na lang ay tuluyan nang aatakihin na sa puso dahil sa tawa.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon